HEY GUYS!!!
sorry natagalan na naman ang update ko haaays
pano naman kase trabaho tulog lang
pang gabi ng shift ko
anyways, here's the latest chapter guys
lahat lahat dito ay ang nakaraan ni Adrian
ilalahad dito kung bakit galit si Adrian sa mundo
I'll take you back in time
point of view lahat to ni Adrian James Fuljencio
salamat sa patuloy na pagbabasa ng kuwento ko
17 YEARS EARLIER....
"Ma, laro muna ako sa labas ha" paliusap ko kay mama. Nakakainggit lang kase pinapanood ko lang mga bata sa labas ng subdivision namin.
"Magpaalam ka sa Daddy mo anak" Mom said while siping some coffee. Lumapit ako kay Daddy upang makiusap na sana payagan akong lumabas ng gate.
"Dad, pwede po bang.." di ko naituloy when my Dad cut me off
"Hindi pwede Adrian. Dyan ka lang at saka ang dami mo na ngang toys. Kulang pa ba yan?" Dad said while reading the newspaper at d man lang ako tiningnan
"Pero, gusto ko lang po kaseng..."
"Ano ba Adrian? Hindi mo ba ako narinig?" tinignan ako ni Dad ng masama.
Bata pa lang ako eh hindi ko pa nasubukang lumabas ng gate namin, takot kase ako sa Daddy ko. Tingin ko kase masungit siya. Pero binibigyan naman niya ako ng lahat ng gusto gaya ng laruan, damit, pagkain, gadgets, and etc. Pero hindi ko lang talaga maintindihan eh kung bakit ba ayaw na ayaw niyang lumabas ako ng bahay? Sa tuwing bibili ako ng kendi sa tindahan eh uutusan niya nalang si manang para siya nalang ang bumili. Nakakalabas lang ako ng bahay ng minsan ay pumunta kami ng mall pero dalawang beses lang 'yun at hindi na naulit.
Araw araw palagi kong nakikita ang mga batang naglalaro sa playground ng subdivision namin. Sa harap lang kasi ito ng bahay namin. Ang saya saya nila. Habulan dito, habulan doon. Palagi ko silang nakikitang naglalaro ng habulan, patentero, skip the rope, at ang pinaka paborito kong nilalaro nila ay ang tago taguan. Hinding hindi ako makakalapit dahil bawal nga daw lumabas ng gate sabi ni Daddy.
Strikto si Daddy, palaging busy, palaging trabaho ang inaatupag. palaging nakaharap sa computer, at palaging maiinitin ang ulo. Palaging sinisigawan ang driver o di kaya ang mga katulong namin. Si mommy naman ay busy din. Palaging nasa telepono at may tinatawagang cliente. Parang call center lang. Mabait naman si Mommy pero ayaw na ayaw niya yung iniistorbo siya.
Palagi akong naiiwang mag isa sa bahay, pawang mga katulong lang ang nakakausap ko. Ang pinaka close ko sa kanilang lahat ay ang mayordoma naming si manang Lorna. Simula nung nilalampin pa ako (sanggol pa ako), siya na ang nag aalaga sakin. Except of course pag pinapa dede ako, siyempre si Mommy hehehe.
Sa araw na nakikita ko ang mga batang naglalaro ay may isang bata na kakaiba sa kanilang lahat. I think same lang kami ng edad. Tahimik ito, mejo suplado at hindi palaging sumasali sa laro nila. Habang naglalaro ako ng bisekleta ko sa harap namin ay nakita ko siyang umiiyak. Tiningnan ko lang siya at ngumiti pero hindi nya ako pinansin, bagkos ay umalis ito at tumingin ulit sakin ng masama.
The next day ay nakita ko ulit ang batang iyon na umiiyak parin. Ang lungkot lungkot naman ng batang 'to. Meron ba siyang mga magulang? Lumapit ako sa kanya sa may gate at sinubukang kausapin siya.
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...