“Huwag mo akong iwan Adrian please, maawa ka naman!”
"Ayoko na! Sawang sawa nakung marinig yan sa'yo. Sorry Leo pero buo na ang pasya ko. Itigil na natin 'to please!"
“Ayoko! Ayoko Adrian! Mahal na Mahal kita! Ikaw lang ang buhay ko! Adrian Please!! Makinig ka naman sakin”
"Adrian!!"
"Adrian!!"
…
…
…
…
“Anak!?"
"Anak?!"
"Gumising ka!! Nananaginip ka na naman. Kung anu-ano sinasabi mo” sabi ng Nanay ko habang ginising nya ako.
“Nay? Anong oras na po bah?” tanong ko sa kanya
“Hay nakung bata ka, alas 8 na nag umaga. Bumangon ka na! Di ba 9 ng umaga first subject mo ngayon. Unang araw ng klase mo ngayon d bah?” sabi ni nanay na may halong pag-alala ang mukha nya
“Naku Patay! ” sabi ko habang nagmamadaling bumangon sa kama.
Pano naman kasi, sira ang alarm clock ko dahil na sira yung cellphone ko. Naligo agad ako at nag toothbrush tapos nagbihis at umalis na ng bahay.
“Oh anak, hindi ka man lang ba mag aalmusal?” tanong sa akin ni nanay habang magmamadali akong umalis ng bahay.
“Hindi na ho, sa school nalang nay” sabi ko habang nagmamadali
“Hay naku talaga tong batang to oh, cge mag ingat ka ha” si nanay
“What else is new with him Nay? Alam mo namang pinaglihi sa mantika yan kung matulog ” sabi ni ate Grace habang kumakain ng agahan.
“Tsee! Palibhasa kasi hapon pang schedule mo sa trabaho ate Grace” sabi ko
“Tigilan nyo na nga yan, mga batang to” biglang singit ni nanay
“Oh sya! Mauna na ako nay ha, alis nako ate. I love you both” sabi ko habang nagmamadaling lumabas ng bahay
“MAG-INGAT KA!” sabay na sigaw ni Ate Grace at ni Nanay habang papalabas ana ako ng bahay
Buti na lang merong tricycle agad na bumungad pagkalabas ko ng bahay at agad akong sumakay.
Ako nga pala si Johnny Reyes. 23 years old at nag-aaral ako sa isang private school dito sa Negros. Bs in Computer Engineering ang kinuha ko. Isa akong BIsexual pero lalaking lalaki ako at hindi halatang BI ako. Hindi ako mahilig makikipag kaibigan. Tahimik lang ako palagi. Maingay lang ako sa ‘twing kasama ko ang mga close friends ko. Ako ang bunso sa pamilya kaya nga palagi nila akong tinatawag na Jun2x. Ulila ako sa ama at tanging ang Nanay ko nalang ang nagtaguyod sa amin. nagtatrabaho ang nanay ko bilang isang barangay official. Namatay kasi ang tatay ko dahil sa heart attack noong 19 pa lang ako. Isa 'yun sa pinakamalungkot na araw ng buhay namin. Kahit mahirap lang ang pamilya namain at talo nalang kami sa bahay ay mahal na mahal namin ang isa't-isa. Hindi naman sa pagmamayabang pero may itchura naman ako.marami namang nagka crush saking babae. Minsan nga bakla pa, at di ko nalang pinapansin.
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...