SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 13)

31 1 0
                                    

Hello again guys, update muna ako ha hehehe

In this chapter, wala muna masyadong conversation ang mga bida. Almost lahat ng mababasa niyo sa chapter na ito ay mga kaganapan sa buhay ng bida nating si Adrian at sa chapter na ito malalaman din natin kung bakit pansamantalang nawala ang memorya ni Adrian, kung anong totoong dahilan kung bakit mag nagtatangka sa buhay ng pamilya ni Adrian, at higit sa lahat, kung ano ang dahilan kung bakit na aksidente siya.

This is a long chapter so happy reading hehehehehe

ADRIAN'S POV

It's been a month after nung nangyari sa restaurant pero nananatiling sariwa sa akin ang mga pangyayari. Sinubukan kong tanungin si Daddy about sa nangyari pero hindi parin niya ako kinakausap. Gusto na ring ipaalam it okay Mommy pero ayokong mag alala ito kaya minabuti ko nalang ilihim sa kanya ang nagyari. Hindi ko rin sinabi kay Leo ang tungkol dito dahil baka mag aalala din ito at gusto kong makapag focus na rin sya sa kanyang pagmomodelo at ayokong pati siya ay madamay pa.

Speaking of Leo, we're very good friends. Pinakilala ko siya sa mga barkada kong si Vincent, Beloy, at Mike. Napapadalas din ang pagsundo niya sa akin sa school at para yatang walang araw na hindi kami magkakasama ng binata. Aaminin ko, unti unti ko na ring nagustuhan ang binata at maging ang mga barkada ko ay botong boto sa kanya.

Nang dahil kay Leo, unti unti ko nang iniwan ang mga bisyo ko. Unti-unti na 'ring nawala ang galit sa puso ko sa mga taong ayokong Makita at makausap, gaya ni Daniella, Mommy, at Daddy, at si Andrew nama'y wala na talaga akong pakialam pa. Nabalitaan kong magkasing year level ko rin siya ngayon at he's one of the Top 10 students sa kanilang klase. Masaya ako para sa kanya pero kapag pinag uusapan na naming ang binate ay ako talaga ang umiiwas.

Sinabi ko na rin kay Daniella na si Leo na kasama ko ngayon ay ang Leo na nakilala namin noong bata pa kami kaya nga't napapadalas na rin ang pagpunta ni Leo sa kanila at sa amin. Kahit na masasabi kong okay na ang relasyon namin ni Daniella bilang magkaibigan ay hindi parin nawawala ang pagtatampo ko sa kaniya. Plastikan man kung sabihin pero hindi ko parin talaga maalis sa puso ko ang konting galit at pagtatampo sa kaniya. Kung ako ang masusunod ay ayokong makasama ang dalaga pero pinakikisamahan ko nalang ito alang alang kay Leo. Pinakilala ko na rin si Daniella sa mga barkada ko at sa tingin ko ay sobrang nagkakasundo ang mga ito. Alam mo naman si Daniella, halos lahat ata ng tao ay napapalagayan niya ng loob. Pero kahit ganoon ay mahal na mahal ko parin ang kaibigan kong 'to kahit anong mangyari.

Sa pagdaan ng mga araw ay nakaramdam ako ng kakaiba kay Leo, something that I can't explain. Something I've never felt before. Ewan ko ba pero parang gusto ko siyang palaging kasama, napangiti ako kapag naaalala ko siya, buo ang araw ko kapag nandiyan siya, palagi akong inspired. Ito na ba ang tinatawag nilang LOVE? In love na ba ako sa kaibigan ko? Tingin ko nga, pero ayoko namang madaliin ang lahat. One step at a time nga sabi ni Jordin Sparks sa kanta niya hehehe.

Ganun parin ang scenario naming dalawa ni Leo during the past few weeks at hanggang sa dumating na rin ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko, ang magtapat siya ng nararamdaman para sa akin. Hindi ko muna siya sinagot dahil hindi pa talaga ako sigurado sa nararamdaman ko sa binata at hindi ko pa naranasan ang pakikipagrelasyon, lalong lalo na't pareho kaming lalaki, at higit sa lahat, baka hindi ito matanggap ng mga parents ko. Pero iba ang sinasabi ng puso ko eh.

Lumipas pa ang mga araw at linggo at mas lalo kong nakilala ang binata. naramdaman ko nalang na nahulog na rin ang loob ko sa kanya. hindi nagtagal ay sinagot ko din siya at naging kami. kahit takot akong makikipagrelasyon dahil hindi ko pa talaga nasubukan ito ay sinubukan ko parin. hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan ika nga nila.

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon