Chapter 23

82 3 2
                                    


good day guyz! whoooooo so busy

update muna ako sorry talaga kung sobrang tagal natapos tong story na 'to but feel ko malapit na talaga tong matapos waaaaahhhh

on the previous chapter, nalaman nyo na kung anong nagyari kay Adrian 7 years ago. now, the story continues and no more flashbacks for Adrian, this time kay Andrew naman hehehe

naiwan natin si Adrian and Andrew na nagsumbong sa mga pulis and they became fugitives. malalaman din natin kung anong susunod na mangyayari ngayung nagharap na ang dating matalik na magkaibigan na sina Andrew at Adrian at kung ano ang dahilan kung ayaw makipag communicate ni Andrew kay Adrian nung nasa USA pa ito.


PS. may konting pagbabago akong ginawa sa chapter na ito pero connected parin ito sa mga earlier chapters kaya pasenxa na guys kung medyo naguguluhan kayo ng konti or kung may konting pagbabago hehehehe peace!!!!




ANDREW'S POINT OF VIEW



after all these years, kaharap ko na ngayon ang bestfriend kong si Yanny (Adrian). alam ko namang galit pa ito sa nagawa ko pero kung alam lang nya kung gaano kasakit ang hindi siya pansinin nung mga panahong panay ang email nya sa akin nung nasa US pa lang ako. sa totoo lang ay may mabigat na dahilan ako kung bakit pinili kong hindi magparamdam sa kanya at iyon ang isang bagay na pinagsisisihan ko hanggang ngayon, pero umaasa pa rin akong hindi pa huli ang lahat at mapatawad pa rin ako ng bestfriend ko.





6 YEARS AGO....



"oh anak, may email ka na agad galing kay Adrian oh" sabi ni Nanay kinabukasan ng makarating na kami ng USA. kasalukuyan kami ngayong nasa kwarto at nag internet.


marinig ko lang ang pangalan ng bestfriend ko ay hindi na maalis sa akin ang kalungkutan na mawalay sa kanya. wala yatang sandali na hindi ko siya naisip lalong lalo na kapag naalala ko ang mga pinagsamahan namin. pero hindi puwedeng ganito nalang palagi, na palagi akong nalulungkot. kailang ko ring maging matapang at hindi dumipende nalang parati. dito na ang buhay ko ngayon kaya dapat na mag adjust na rin ako. ayokong palaging nalulungkot sa tuwing naaalala ko ang buhay namin dun sa Pinas. ayokong iasa nalang ang lahat sa alaala.


"hindi mo man lang ba rereplyan?" dagdag na tanong ni Nanay

"huwag na Nay. mas mabuti nang ganito kaysa maaalala siya" ang matigas kung sabi sa kanya

"p-pero anak, bestfriend mo siya. napaka unfair naman sa kanya kung 'yan ang gagawin at maging desisyon mo. sigurado mag aalala yun sa 'yo" sabi ni Nanay

"mas okay pang ganito Nay, kesa makausap ko siya sa email. malulungkot ako ng husto" sabi ko pero hindi ako makatingin sa mga mata niya

"alam mo nak, mas malulungkot ka pag ganyan, pinag alala mo lang kaibigan mo" sabi ni Nanay

"nalulungkot lang talaga akong makita siya Nay. pasensya na po pero ayoko talagang makita or makausap siya" nalulungkot kong sabi

"oh di sige. mag almusal ka nalang anak. naghanda ang Daddy mo sa baba" sabi ni Nanay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon