Chapter 3: Si Leo at si Adrian

192 3 0
                                    

Sino kaya si Adrian?

At bakit palagi siyang napapanaginipan ni Johnny?

Hmmmm? Abangan nyo nalang.

Eto na ang Chapter #3: Si Leo at si Adrian

...enjoy! :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

LEO'S POINT OF VIEW

“Huwag mo akong iwan Adrian please, maawa ka naman!” sabi ko habang nagmamakaawa kay Adrian

"Ayoko na! Sawang sawa nakung marinig yan sa'yo. Sorry Leo pero buo na ang pasya ko. Itigil na natin 'to please!" sabi ni Adrian habang umiiyak sa harap ko

 “Ayoko! Ayoko Adrian! Mahal na Mahal kita! Ikaw lang ang buhay ko! Adrian Please!! Makinig ka naman sakin” pagmamakaawa ko sa kanya

Umalis nalang siya at di na lumingon pah.

"Adrian!!"

"Adrian!!"

----

----

Nagising na naman ako sa isang panaginip. Limang taon na ang nakalipas simula nung nangyari ang aksidenteng yun na nagpapabago sa'kin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha nya, ang boses nya, at kung paano nya ako tawagin sa pangalan ko. Higit sa lahat, kung paano siya tumatawa habang pinsasaya nya ang araw ko. Parang musikang hinding-hindi ko pinagsasawaan. nakakawala ng pagod. Siya ay walang iba kundi si Adrian. Ang taong pinakamamahal ko. Ang taong nagbigay kulay sa mundo ko.

"Nasaan ka na ba Adrian? Alam kong buhay ka. Miss na miss na kita. Miss na miss ko nang baby Boy ko." sabi ko sa sarili ko habang umiiyak at nakatingin sa larawan ni Adrian.

Ako nga pala si Leo Madrigal. 25 years old. Pagmomodelo ang naging trabaho ko since 18 pa lang ako. Meron akong dalawang kapatid na babae. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Ako narin ang nagpapaaral sa dalawa kong kapatid. Mahirap ang naging buhay namin, at sa awa ng Diyos ay umasenso naman ang buhay namin dahil sa pag momodelo ko. Maaga kaming naulila sa ina. 10 na taon pa lang ako ng mamatay ang mama ko sa sakit na cancer of the bones. Si papa naman ay nagtatrabaho bilang mayor ng siyudad namin. Nasa probinsya ngayon ang pamilya ko at dito naman ako sa maynila nagtatrabaho bilang isang model.

Boyfriend ko si Adrian, at masayang masaya kami noon. Naalala ko pa nung una kaming nagkita. Nagkakila kami sa isang restaurant dahil aksidente ko siyang nabunggo at natapon lahat ng inorder nyang pagkain.

------------------

FLASHBACK

------------------

Kakatapos lang ng pictorial namin ng maisipan kong mag dinner bago umuwi ng bahay.

"Pre, Mauna na ako ha" sabi ko sa kasamahan ko

"Oh cge pre, mag iingat ka" sabi naman nila

Agad akong nag drive papunta sa favorite kong retaurant, ang "The Aristocrats" sa may Roxas Blvd. Araw-araw akong pumupunta dito at iba-ibang mukha ang nakikita ko. Minsan nga ay may nagpapa cute sakin. Minsan hinihingi nila number ko, pero ayos lang naman sa'kin yun. Mababait naman sila. Habang nag dra-drive ako ay bigla akong nakaramdam ng saya sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Nag park na akong ng kotse at agad na akong pumasok ng restaurant.

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon