Chapter 9

113 3 0
                                    

sorry natagalan ang pag update ko sa chapter na to..

busy lang kasi

oh eto ng chapter 9....

enjoy :D

_______

JOHNNY'S POV

_______

Dahil sem break namin ay naisipan naming mag group outing. Andun siyempre ang mga kaibigan ni Andrew na sina Adam, Nikko, Angel, at ang girlfriend nyang si Julia. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng selos sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Haaay. Nag usap muna kami ng venue namin the night bago ang outing. Dun na kami sa bahay nila Andrew nag uusap at desisyon sa lugar na pupuntahan namin. Lahat sila nag suggest ng mga venue pero di rin sinang ayunan ng nakararami.

Habang abala ang lahat sa pag uusap ay nananatili akong tulala at parang wala sa sarili. Napansin naman 'yun ni Lorenz

"Oh Bro, Ok ka lang? Parang na tulala ka dyan ah. Nu bang iniisip mo?" biglang sabi ni Lorenz na bumasag sa aking pagkatulala

"Ah-eh w-wala naman Bro. May iniisip lang ako" sabi ko

"Ikaw pa lang ang 'di nagbigay ng suggestion 'satin dito. Suggest ka naman oh, nahihirapan na kami dito" sabi ni Lorenz sabay ngiti sakin

"Ako? Mas gusto ko parin 'dun sa resort nyo Bro. 'Yun nga lang baka 'di papayag ang relatives mo pag 'dun tayo" sabi ko habang mejo tulala pa 'din

"Oo nga noh? 'Bat 'di ko naisipan 'yun? Thanks bro. Ayos 'to" nagagalak nyang sabi

"H-ha? T-talaga? Papayag sila kung 'dun tayo? Ayos kung ganun" nakangiti kong sabi

"Oo naman, amin kaya 'yun hahaha nu ka ba" natatawang sabi ni Lorenz

At 'yun na nga at napagdesisyunan naming 'dun na sa resort nila Lorenz ang outing namin. Agad ko namang dinescribe ang lugar sa kanilang lahat. Bukas na gaganapin ang nasabing outing at sobrang excited ako, na miss ko kasi ng sobra ang lugar na 'yun, ang preskong hangin, ang napalinis na tubig maging sa dagat, at higit sa lahat, ang masayang alaala namin 'dun ng pamilya ko't pamilya ni Lorenz.

Lumipas ang dalawang araw at handang handa na ako sa outing namin. Sinundo na ako ni Lorenz sa bahay at sabay na kaming pumunta sa resort. Mas lalo ko pang na enjoy ang pagpunta namin 'dun dahil nag momotosiklo lang kami. langhap na langhap ko ang presko at malamig na hangin na dumampi sa katawan ko. Napasarap ng ganitong pakiramdam. Sarap ulit ulitin at balik-balikan.

Ng makarating na kami ay agad kaming sinalubong ng pinsan Tita ni Lorenz na si Tita Nene. Ngayon ko lang siya nakita kasi nung pumunta kami dito noon ay wala siya at di sumama. Sinalubong niya kami ng isang matamis na ngiti. Ilang saglit pa ay dumating na 'din ang mga kasama namin.

"Oh hijo? Sino bang mga kasama mo? 'Bat 'di ka man lang tumawag o nag text? 'Di tuloy ako nakapaghanda ng husto sa pagdating nyo" sabay ngiti nya sa pamangkin

"Pasenxa na po. Sila nga po pala ang mga classmates ko. Siya ang bestfriend ko, si Johnny" nakangiting sabi ni Lorenz sabay hawak sa batok

"Magandang Umaga po" sabay naming bati lahat kay Tita Nene

Napansin kong iba ang tingin sakin ni Tita Nene ng makita nya ako. Parang galit na galit at gusto akong suntukin. "Taga 'san ka pala hijo?" biglang tanong nya sakin

"Ah-eh taga ...... po ako" sabi ko sabay ngiti sa kanya

"Ah, sinong pangalan ng mama mo? Ang papa mo?" seryoso nyang tanong sakin

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon