Chapter 4: Si Andrew

146 3 0
                                    

-------------------------------------

JOHNNY'S POINT OF VIEW

-------------------------------------

Isang linggo na ang nakalipas simula ng una akong pumasok sa school na 'to. Naging maayos naman ang lahat. Matataas naman ang grades ko na siyang ikinatutuwa naman ng Nanay at Ate Grace ko. Masayang masaya ako at andiyan sila sa tabi ko sumusuporta sakin lalo na si Lorenz. Habang si ulupong naman.. este si Andrew ay wala pa ring pagbabago. Mayabang parin at saksakan ng sungit. Sumali si Andrew sa "Mr. and Ms. Campus Idol" sa school namin. At dahil pareho kami ng department, eh wala akong choice kundi suportahan nalang ang mokong na 'yun.

Araw araw nya akong iniinis. "Bakla3x" palagi kong naririnig sa kanya twing nag rereport ako oh kung nag rerecite ako sa klase. Hindi ko naman pinapansin ang ulupong bagkos ay naka focus nalang ako sa pag aaral ko. Palagi nyang kasama ang mga ka klase kong lalaki at ang bestfriend niyang si Adam. Mabait si Adam at maginoo. Kabaliktaran naman ni Andrew. Isa si Andrew sa pinaka ayokong makita sa school araw araw. Naging Campus crush si Andrew pagkatapos niyang manalo sa contest, at kinareer naman ng ulupong ang pagiging campus idol nya.

Nang manalo ang ulupong sa contest namin, nanalo na din ang department namin sa iba pang activities tulad ng "Macho Gay" kaya laking tuwa naman namin. Makalipas ang isang linggo ay College Week Celebration na namin. Abala ang lahat sa pag sali sa mga extra curricular activities (May plus points kase sa grade namin pag sumali kami hahaha) ang mga studyante. Sumali ako sa isang singing contest dahil ako ang napili ng dean namin. Ayaw na ayaw ko nung una pero sabi naman ng dean namin na malaking puntos daw sa grades ko pag sumali ako kaya sumali nalang ako Hahaha. Nakapasa naman ako sa audition na di ko inaasahan. 'Di naman sa pagmamayabang pero maganda naman ang boses ko (Ang Yabang ko noh? :D).

Dumating na ang araw ng kompetisyon. Todo Suporta naman ang mga ka klase ko lalong lalo na sina Lorenz, si Ate Grace at higit sa lahat, ang pinakamamahal kong Nanay. Masayang masaya ako at silang lang nagbibigay sakin ng lakas ng loob. Ako ang pinaka huling performer. Tapos ng kumanta lahat at ako nalang ang hindi pah.

"Oh Johnny, ikaw na ang susunod" sabi ng organiser ng contest

Bago pa lang ang ako kakanta ay nagdasal muna ako para makahugot ng lakas. Hindi ko maiwasan ang kaba dahil first time kong humarap sa entablado.

"'Wag kang matakot Bro, andito lang kami susuporta sayo. Basta tandaan mo nalang yung pre-nactice natin ha" (yung napagensayohan :D) sabi sakin ni Lorenz habang nakaakbay sa balikat ko.

"Salamat Bro ha" sabi ko naman sabay ngiti ko sa kanya

"Eto na Jun2x! Galingan mo ha. Kaya mo 'to. AJA!" sabi ko sa sarili ko

Naglakad na ako papuntang entablado at sinimulan ng patugtugin ang kanta ko (Siyempre Minus One lang hehehe). Binalot ng katahimikan ang buong stage ng nagsimula na akong kumanta.

(I Will Be Here For You by Michael Smith ang kinanta ko)

When you feel the unlight fade into the cold night
Don't know where to turn, I don't know where to turn
And all the dreams you're dreaming seem to lose their meaning
Let me in your world, baby, let me in your world

All you need is someone you can hold
Don't be sad, you're not alone

I will be here for you
Somewhere in the night, somewhere in the night
I'll shine a light for you
Somewhere in the night, I'll be standing by
I will be here for you

In this world of strangers, of cold and friendly faces
Someone you can trust, there's someone you can trust
I will be your shelter, I'll give you my shoulder
Just reach out for my love, reach out for my love

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon