update muna guyz
mejo na busy lang ng konti hehe
in this chapter, may dalawang lalaking mag aagawan sa isang Johnny (haba ng hair nya ha hehehe)
oh Johnny IKAW NAH!!
enjoy reading guyz :X
----------
JOHNNY'S POV
----------
"Oh anak gising ka na. Nakalimutan mo na bang Lunes ngayon? Birthday ng kapatid mo. Mamamalengke tayo para sa kaunting salo-salo. Bangon nah" nakagising na tawag ng Nanay ko. Naman! Sa daming nangyari sakin sa loob ng ilang linggo eh nakalimutan ko na tuloy ang birthday ng Ate ko :-(
"Ho? Ay oo nga po pala. Anong oras na po bah?" tanong ko kay Nanay
"Alas 7 na ng umaga. Ano bang ginawa mo kahapon at bakit napahaba ang tulog mo? Ginising kita para maghapunan pero sobrang himbing ng tulog mo" si Nanay
"A-ah eh wala naman po. Nag stroll lang sa mall, yun lang" sabi ko
"Ah ganun ba? Eh nga pala, nagpunta ang dalawang kaibigan mo dito kanina at gusto ka raw nilang makausap" si Nanay
"Sino pong kaibigan?" tanong ko
"Sabi nung babae Daniella daw ang pangalan niya at yung lalake naman ay si Andrew daw. May binigay nga silang regalo para sayo eh ang tagal pa naman ng birthday mo" si Nanay
"H-ho? Regalo talaga? Asan na po sila?" tanong ko kay Nanay
"Eh ayun umuwi na. Kanina pa kita ginising eh ayaw mo talagang ma gising eh. Andun 'yung regalong binigay nila sa mesa. Buksan mo nalang yan mamaya at maligo kana, Dali!!" si Nanay sabay hagis ng tuwalya sakin. Bakit kaya nila ako binigyan ng regalo? At ano naman kaya ang laman nun? Hmmm
Pagkatapos kong maligo ay dali dali akong nagbihis. Lumabas na kami ni Nanay at pumara ng tricycle papunta sa palengke. Habang nasa byahe kami ay nakita ko ang isang malaking billboard at andun yung larawan ni Leo Madrigal. Naaalala ko na naman yung ginawa nya kahapon. Ewan ko ba sa taong yun, parang adik lang. Bigla ba naman akong niyakap sa maraming tao, haaaayzz kakahiya tuloy. Pero sa totoo lang ang bango nya at ang sarap sarap niyang ka hug hihihi.
Pagdating namin ng palengke ay binilisan na namin ang pamimili ni Nanay para makauwi na. At siyempre, bumili talaga ako ng tuyo at ginamos (bagoong), paborito ko kase yun eh hihi. Sa wakas ay tapos na rin kaming namalengke ni Nanay. Naisipan kong bumili ng bulaklak para kay Ate. May konting barya pa naman akong natira hehe.
"Nay mauna na kayu dun sa sakayan ah may bibilhin lang ako para kay Ate" pagpaalam ko kay Nanay
"Naku hindi na kita mahihintay bata ka, ang dami ko pang gagawin sa bahay. Mauna nalang akong uuwi at sumunod ka nalang okay?" si Nanay
"Ah cge po walang problema" sabi ko kay nanay at inabot yung mga pinamimili namin
"Oh pamasahe mo pauwi, uwi ka kaagad ha wag kang manlalaki dito hehe" pang asar na sabi ni Nanay. Tiningnan ko siya ng masama at napakamot sa ulo ko.
"Nay naman eh" naiirita kong sabi kay nanay
"OH siya cge mauna na ako ha. Uwi ng maaga at tutulungan mo pa ako sa pagluluto" si Nanay
"Sure po Nay, ingat kayo ha" masayang sabi ko kay Nanay at nauna nang umalis
Ano kayang magandang kulay ng bulaklak na babagay kay Ate Grace? Ang alam ko yellow ang kulay na paborito niya. Tama! Yellow roses nalang!
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...