Hey guys, sorry iniba lang ako sa story ng chapter na 'to pero
connected parin ito ng Chapter 3 hehehe sorry talaga kung mejo na
confuse kayo ng konti hehehe
Eto na ang next chapter guys, enjoy :D
ADRIAN'S POV
I am now in my sophomore year ditto sa school at so far, sunod sunod
na pang iiwan ang nagyari sa akin nitong mga nakaraang huling araw. 3
days ago sinabi ni Leo sa akin a babalik na daw siya sa kanilang
probinsya at dun na rin mag aaral. Wala na talaga akong kakampi at
makausap sa tuwing ako'y nalulungkot. Wala na akong mapagsasabihan ng
mga hinanakit ko, pero sanay na akong mag isa. Ewan ko ba pero lahat
na ata ng mga taong malapit sa akin ay isa isa nang nagsilisan. Ang
sama sama ko sigurong tao eh ano? Pero alam kong hindi ako ganyan.
Wala naman akong taong na agrabyado o di kaya'y ginawan ng masama pero
palagi parin akong naiiwan.
Siguro malas ako. May sumpa siguro ako. Ako nalang talaga mag isa at
wala na akong mga kaibigan. Hindi ko na rin kinausap si Daniella
pagkatapos nung nalaman kong nag cha-chat lang pala silang dalawa ni
Andrew ngunit nilihim nila sa akin. Palaging nag tetext sa akin si
Daniella at tumatawag ngunit palagi kong kina cancel ang lahat ng
tawag niya. Ang sabi niya ay nag aalala daw siya sa akin at balak
niya akong puntahan sa bahay ngunit palagi akong umaalis ng bahay.
Okay lang naman ang umalis at wala sa bahay palagi dahil wala namang
pakialam ang mga magulang ko sa akin. Tanging si Manang nalang ang
tumatayong Mama ko.
Wala na rin akong pakialam sa parents ko. Tanging tulog, kain, gala,
at sigarulyo ang alam kong gawin araw araw. Hindi na ako nag aaral at
tuwing papasok si Manang sa kwarto ko ay nagkukunwari akong nag aaral
at nagbubkas ng mga libro't notebook ko pero hindi ko naman talaga ito
binabasa. Ganun din pag pumasok ang parents ko.
Nakakatamad na talagang mag aral. Wala akong pakialam kung bumagsak
ako sa mga academics ko, total hindi naman ako ang nagbabayad ng
tuition fee ko. Hindi na rin inalam ng parents ko kung matataas ba ang
mga grades ko dahil ang akala nila ay good boy pa din ako hahahaha.
They have no idea.
Marami akong natututunan sa pagiging loner. Lahat ay masasamang gawi
but I don't care. Wala akong pakialam kung anong iisipin ng iba
tungkol sa akin. May nakilala akong isang ka klaseng lalaki na siyang
nagturo sa akin kung paano manigarilyo. Si Vincent. Kagaya ko, he is
also a lonesome guy with no attention from his parents. By the way,
bisyo ko na ngayon ang paninigarilyo. Ito lang ang tanging nakakawala
ng stress ko. Natuto na rin akong maglasing kasama si Vincent. Kaming
dalawa lang talaga ang magkakasundo sa halos lahat ng bagay.
Nakilala ko si Vincent when I was a freshmen sa school nung minsa'y
nagpunta ako sa school garden naming. Nakita ko siyang naninigarilyo
and I told him that it is bad for the health. He just looked at me at
sinabing "do I know you? Anong pakialam mo kung naninigarilyo ako?".
He is a rude type of guy. Nung una ko siyang nakita ay may naaalala
ako sa kanya, ang kaibigan kong si Andrew. Ganitong ganito din kami
nung una ko siyang makilala, napaka suplado at rude.
Mas lalo kong naging close ang binata noong minsay napa away ako sa
school at siya ang nagtanggol sa akin sa mga umaway sa akin. At kung
hindi niyo naitatanong, palagi akong mapasabak sa gulo. Palaging
merong nakakaaway sa school even though wala akong ginawa. Ewan ko ba.
Dahil siguro sa sobrang bait ko at naaabuso ng karamihan pero hindi ko
nalang sila pinapansin.
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
Roman d'amourIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...