Chapter 7: Si Johnny at si Lorenz

130 5 0
                                    

__________________

ANDREW'S POINT OF VIEW

__________________

Pagkatapos nung araw nang insidente, wala na akong ibang iniisip kundi magpalasing at dun ko unang natutunang uminom (ng alak) para lang makalimutan ko ang mga masasakit na nangyari. Babae dito, babae dun. Alak dito, alak dun. Wala akong kaibigan dito sa Maynila nung umuwi kami dito ni mama. Nakilala ko si Adam. Lasing na lasing ako nun at napaaway sa bar ng tinulungan nya ako. Naging mabait naman siya sa akin at pinakilala pa nya ako sa iba pa niyang mga kaibigan. Naging masungit ako, suplado at makasarili. Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng iba. Marahil ay "Defense Mechanism" ko nalang ang pagiging masungit para ma "Divert" ko ang atensyon ko at para mapakita ko sa mga tao na hindi ako nasasaktan at di ako mahina.

Makalipas ang 3 taon ay umuwi galing Australia ang pinsan ni Adam na si Julia. Maganda siya, sexy at mabait. Pinakilala sakin ni Adam si Julia. Naging magkaibigan kami. Palagi siyang nasa tabi ko at di nya ako pinabayaan. Hindi siya mahirap mahalin dahil napakabait nya at maalalahanin kaya gustong-gusto siya ni mama. inalikuran ko na ang mga bisyo ko dahil sa kanya at di nagtagal ay naging kami. Masasabi kong maayos naman ang relasyon namin pero nang umuwi siya ng Australia, nalungkot na man ako. Feeling ko na naman na nag iisa nalang ako. Palagi parin naman kaming nag fe-Facebook at minsan nga nag skype kami. Di ko maiwasang ma miss ko siya.

Habang wala si Julia ay may karamay naman ako, si Daniella, ang bestfriend ni Adrian. Nung umalis ako papuntang US ay si Daniella na ang naging karamay nya. Pagkakaibigang walang tinatagong sikreto, walang iwanan at palaging nagdadamayan. Mga bagay na hindi ko naibigay kay Adrian.

Pagkatapos ng libing ni Adrian ay dumiretcho ako sa bahay nila Tita Amanda para samahan siya. Naisipang kong puntahan ang kuwarto ni Adrian. Malaki ang kwarto niya. Napaka linis, at maraming librong nakahilera sa taas ng study table nya (mahilig kasing magbasa si Adrian). May sariling CR, terrace at malaking flat screen TV. Wala gaanong mga pictures o photo frames. Humiga ako sa kama nya. Ang lambot, at ang bango ng bedsheet nito. Pinikit ko saglit ang mga mata ko. Nang dumilat ako, tumingin ako sa kanan at nakita ko ang drawer nya. "Hindi naman siguro magagalit si Tita Amanda kung titingin ako sa mga gamit ni Adrian na nasa drawer" sa isip ko. Binuksan ko ang drawer at may nakita akong makapal na photo album. May nakapangalang "My Highshool Days  -by Adrian James Fuljencio". Agad ko itong binuksan at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Bawat pahina ay puro pictures nilang dalawa ni Daniella. Di ako makapaniwala sa mga nakita ko.

"HOY Insan!!!" biglang sigaw sakin ni Daniella ng biglang pumasok ito sa kuwarto at bigla naman akong natauhan

"Pinapatawag ka ni Tita Amanda" sabi ni Daniella

"Daniella, sino tong lalaking 'to?" tanong ko sa kanya sabay turo sa mga pictures

"Hindi mo kilala kung sino yan? 'Yan si Adrian" sabi niya sakin

"Diyos ko! Hindi maaari 'to" sabi ko na may halong pagkagulat

"Bakit? Ngayon mo lag ba nakita ang itchura ni Adrian? Sabagay bata palang naman kayo ng huli kayong nagkita" si Daniella sabay ngiti sakin

"Hindi pwede 'to. Ka klase ko 'tong taong 'to...... si JOHNNY" sabi ko sa sarili ko at di makapaniwala

__________

SAMANTALA

__________

JOHNNY'S POV

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon