Part 1 (Prologue)

29.6K 474 225
                                    

Fire and Ice (Part 1)

Nagmamadali akong sumakay ng taxi papunta sa isang company na inaapplyan ko. Schedule ng interview ko ngayon sa isang sikat na holding company dito sa QC. Pag dating ko sa company, building palang ang gorgeous na ng itsura nito. Pag aari ng mga Dela Vega group, na maraming negosyo at isa na ang Prince Ryne Holding Corporation.

Pag dating sa elevator, marami akong nakasabay na naka corporate attire, siguro kasamahan ko rin to sa pag aapply. Nang makarating na kame sa floor kung san gaganapin ang interview, 8 kame lahat sa waiting area. 4 na lalake at 4 din kameng babae. Medyo maedad na ang mga kasabay ko nasa 30-40s na. Pero kahit 23 palang ako, alam kong kaya kong makuha ang position dahil maganda ang credentials ko.

Makalipas ang 30 minuto, tinawag na ang pangalan ko para interviewhin. Unang interview ko ay sa HR head. Di manlang ako pinawisan dahil ang basic ng mga tanong. Pero throughout sa process, lagi kong naririnig sa mga staff ang "mam Ryne". Naisip ko tuloy na babae pala si Ryne, and maybe asawa nya si Prince kaya Prince Ryne Holding Corporation ang name ng business nila. Sinabihan ako na maghintay para sa final interview mamayang 2pm kaya lumabas muna ako para mag lunch. Di ako nakikipag usap sa mga kasabay ko kasi maedad na sila, at mas gusto ko ring mag isa dahil baka sakaling makakita ng chicks na makikilala. 1 year na kasi akong single at matagal ng nakamove on sa ex.

Sa isang coffee shop ko naisip mag lunch, di naman talaga lunch pero mas ok na dito tumambay dahil ito ang tambayan ng mga chicks. Pagkatapos kong umorder ng coffee at cheesecake, buti nalang may vacant pa na table for 2, kaya nilapag ko agad ang order ko sa table para mag cr muna. Ang dami rin kasing tao that time kaya occupied lagi ang space nila.

Kaso pag balik ko sa table ay may isang babaeng bigla nalang nagoccupy ng table ko, nakalapag na rin ang laptop nya sa table ko at ginilid pa nya ang order kong di ko pa natitikman. Pota, ito ang pinaka ayaw ko, yun mga rude na ganito kaya nilapitan ko sya agad.

Me: Hi miss, I believe nauna ako sa table na to. Ayan nga yun coffee at cake ko oh, ginilid mo lang

Tumingin lang sakin si girl, at saka bumalik sa pag lalaptop nya. Walang reaction ang kanyang muka. Maganda sya, mukang ka-age ko or baka nsa 25-26 sya. Yun tingin nya ay kakaiba, parang may galit ang mga mata nya. Matangos ang ilong, maputi, makinis ang skin nya, at mahaba ang buhok. Mukang mayaman pero wala syang make up, maganda sya at....basta, ang ganda nya.

Umupo ako sa chair na kaharap nya dahil for 2 naman yun. Naiinis na ko kasi willing naman akong ishare yun sa kanya pero wag naman syang bastos, ako naman ang nauna. Huminto sya sa ginagawa nya at muling tumingin sakin, nanlilisik ang mga mata nya at halatang naiinis at nagtataka dahil umupo ako sa table na yun.

Me: Oh? Ikaw pa galit, ako ang nauna dito miss. Pwede naman tayo mag share eh, wag ka lang bastos.

Kumunot ang noo nya at sumandal sa upuan. Nakatitig lang sya sakin at halatang galit na ito. Sh*t, sayang ang ganda nya kaso mukang pangit ang ugali ng girl na to. Gusto ko sanang galawin ang food ko pero bakit parang di ako makagalaw habang nakatitig sya.

Girl: Get out of my sight!

Sinabi nya sa tono na parang pinipilit lang nyang maging kalmado.

Me: Wow ah! Bobo ka ba?! Di mo ba narinig ang sabi kong ako ang nauna dito. Ano yan pinapaalis mo ko? Ikaw ba may ari dito? At kahit ikaw, di ka dapat ganyan ka bastos!

Girl: I said, get out of my sight, now!

Parang kumulo na ang dugo ko bigla sa narinig ko, bastos kasi talaga. Nakakaturn off si ate girl.

Me: Di ako aalis, ikaw ang umalis!

Nakatitig pa rin sya sakin na parang nag tataka kung bakit di ako sumusunod sa sinasabi nyang umalis ako sa harap nya.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon