Part 63

3.2K 104 11
                                    

Fire and Ice (Part 63)

***RYNE's POV***

"Baby...it's me..you're safe now..."

Marahan kong pagpapakilala kay Ash ng sarili ko habang nakatutok pa rin sakin ang baril na hawak nya. Nakakahabag ang itsura ni Ash. Muka sya pagod pero pinipilit lang magpakatatag. May nakikita akong galit at lungkot sa mga mata nyang nakatitig lang sakin. Tila hindi nya ako nakikilala.

"Baby..ako to..please ibaba mo na yan. I miss you Ashley.."

At sa paglabas ng mga luha sa mga mata nya at kasabay na pag baba nya ng baril na hawak nya. Ipinatong nya ito sa table na katabi nya. Nasa room na to ang 2 lalaking naka bulagta sa sahig at duguan. Ang isa ang nakahubad ng pang itaas, ito ang nagtangkang mang rape sa kanya.

Nilapitan ko si Ash, niyakap ko sya habang nag papahid sya ng luha, at nag simulang humagulgol sa pag iyak. Sinimulan na rin nya akong yakapin pero hindi mahigpit ang kapit nito. Marahil ay nang hihina na sya.

Me: I'm sorry baby.. it was all my fault.. I'm really sorry...

I hugged her tighter, ramdam ko ang sakit na dinadala nya, pati na rin trauma. Sobra akong naawa sa baby ko.. Umiiyak ito na parang batang nagsusumbong na may mga nang api sa kanya.

Me: Baby.. I'm here.. wala ng mananakit na kahit sino sayo....wag ka nang umiyak please... I love you... mahal na mahal kita.. I'm really sorry..

Ramdam kong dumating na rin ang mga pulis sa area. Habang patuloy kong niyayakap ng mahigpit si Ash. Pati ako ay malapit na ring maiyak, pero kaylangan kong magpakatatag. Alam kong nang hihina na sya kahit right arm ko lang ang nakayakap dahil naka cast ang left arm ko, ay gusto kong iparamdam na she's safe, and she's home...

Me: I swear, I will never leave you again baby.. I promise...

I kissed her forehead, pero malakas pa rin ang pag iyak nya. Tila lahat ng takot at kaba, at pati na rin lungkot ay ngayon nya nailabas. Pero proud ako dahil nagawa nyang lumaban, kaya napadali ang pagligtas namin sa kanya.

Pero ang mga yakap nito ay biglang lumuwag at mabilis syang kumilos palayo, papunta sa likod ko. Paglingon ko, nandun ang pinsan kong si Kianne. Kaagad itong niyakap ni Ashley.

Mas mahigpit na yakap at mas matinding pag iyak nang makita nya si Kianne. Nakasabit pa sa likod ni Kianne ang rifle na ginamit nya, at yumakap na rin ito kay Ash.

Napayuko ako sa aking nasaksihan. Di ko maexplain pero nasaktan ako, mukang may iba nang inaasahan at kinakapitan ang baby ko. Mukang may iba na syang pinag kukuhanan ng lakas. Samantalang dati, halos hindi na sya humiwalay sa pag kapit sakin lalo pag nandyan ang mga kaibigan ko, mas clingy sya, pinapakita nyang wala akong dapat pag selosan na iba.

Sa mga yakap nya kay Kianne, tila mas nagsusumbong sya dito.

Kianne: It's ok baby Ash..I'm here na...

Ash: Sorry.... sorry di ako nag sabi kung san ako pupunta....

Paulit ulit syang nag sosorry kay Kianne..nag eexplain, tila sinisisi nya ang sarili nya sa lahat ng nangyari.

Biglang tumulo ang luha ko. Ngayon ko narealized na mali ang ginawa kong pag iwan sa kanya. Masyado syang napalapit kay Kianne, at baka kay Bry din. Hindi ko inasahan na ganito ang kahahantungan ng lahat ng naging desisyon ko. Nasasaktan ako na may ibang kinakapitan si Ash.

Kianne: It's ok Ashley.. di mo kasalanan ang nangyari.. Wag ka nang umiyak..hindi rin ako galit kahit di ka nag paalam...

Ash: Sana pala umuwi nalang ako ng derecho sa condo mo, diba ipagluluto sana kita?

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon