Part 49

3.8K 116 5
                                    

Fire and Ice (Part 49)

"Ang sabi ko mag usap kayo, hindi maghalikan"

F*ck!!!! Napapikit ako!!! Anong nangyari, hinalikan ako ni Bry at nahuli ni Boss.. Tsk!! Hindi ko maipinta ang mukha ko sa sobrang hiya. Tila nawala ang epekto ng alak sa katawan ko ng marealized kong nasa likod ko si Boss. Bakit hindi ba sya nakita ni Bry? Or sinadya pa rin nya. Halatang lasing na rin kasi kami dahil 4 hours na kaming nag iinuman. Si Bry naman ay naka tingala at alam kong kay boss sya naka tingin.

Tumalikod ako unti unti, nakita ko si Boss sa likod ko. Nakatingin sya kay Bry, nakakunot ang noo. Gosh!! Disappointed sya, sino ba naman ang matutuwa, birthday nya, monthsary pa namin, tapos ganito ang regalong binigay namin sa kanya.

Tumingin sya sakin, hindi naman nanlilisik ang mata nya, pero seryoso ito, tila nag tatanong, tila naguguluhan...

Me: Baby... I'm sorry.. di ko kasi alam..

Muli akong tumingin kay Bry, nakahawak sya sa noo nya. Nakatingin kay boss. Nagkakatinginan sila na tila nag uusap ang kanilang mga mata.

Napalunok ako sa sobrang kaba. Mas tila nahimasmasan sa epekto ng alak, at mas tumimbang ang takot ko sa kanya.

Ryne: Ashley..

Sabay talikod ni boss at nag lakad palayo. Dali dali akong umahon para sundan sya. At tila ganun din ang ginawa nitong si Bry

****RYNE's****

Ang sabi ko kay Bry, libangin nya si Ash dahil kaylangan kong bumalik sa room para icheck ang hinanda kong surprise para sa kanya, monthsary namin, gusto kong maging special ang araw na to para sa pinaka special at pinaka mahalagang tao sa buhay ko. Pero... hinalikan nya? Wala sa usapan na ganung klaseng pag libang ang gagawin nya. Kaya pala sabi nya sa text nang ipaalam ko sa kanila ang plano ko, ay mas magiging dramatic ang mangyayaring pag sunod sakin ni Ash. Usapan kasi ay yayakapin nya si Ash at mahuhuli ko sila, then magpapanggap akong galit para sumunod sakin ito patungo sa room. "Humanda ka sakin Sabryna, wala sa usapan ang halik na gagawin mo".

Ash: Boss.. wait lang.. please...

Nahabol nya ako at hinawakan sa braso.

Me: What?

Ash: Sorry...di ko alam, bigla nya akong hinalikan. Baka lasing lang kame.. please baby.. wag kang magalit.

Pero derecho lang ako sa pag lalakad, alam ko naman na si Sabryna lang ang may gusto, pero sa totoo lang masakit pa rin. Humanda talaga sya. Pero sa ngayon, ayokong sirain ang plano dahil lang sa ginawa ni Bry kanina.

Ash: Baby.. sorry na..

Niyakap nya ko, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Napalingon ako kay Bry, nasa likod pala sya at sinusundan kami.

"I'm sorry" wika nito ng walang sound. Isang matalim na tingin lang ang binigay ko sa kanya. Samantalang si Ash ay naiiyak nang nag mamakaawa sa pag sosorry nito habang naka yakap sakin. Tinanggal ko ang mga kamay nyang nakayakap sa tummy ko at nag patuloy sa paglalakad patungo sa room. Malapit na naming marating ito.

At ng makarating na kami sa mismong pinto, huminto ako at humarap kay Ash.

Me: Why did you do that Ashley?

Ash: I'm sorry boss.. hindi ko alam na ganun eh, nabigla ako, kasalanan ko but please.. listen to me. I didn't mean that. I must admit gusto kong kausapin si Bry pero para lang kamustahin sya kasi last time hindi sya ok. Pero wala akong intensyon na mangyari yun. Please believe me.. I'm really sorry..

Umiiyak na itong nag eexplain sa harap ko. Alam kong gusto nya akong hawakan, at yakapin pero nanginginig ang katawan nya sa pagka shocked sa nangyari, pagka takot, at the same time ay nilalamig na rin ito dahil basa ang damit nya.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon