Part 32

5.5K 144 5
                                    

Fire and Ice (Part 32)

"Ire, I love her, mahal ko na sya"

Di pa nag reply ang kachat kong si Ire. Samantalang kami ni Mam Ryne ay tumungo na sa resto sa hotel din mismo. May pinareserve pala sya na table dun para sa dinner. Nakasleeveless na naman sya, kaya ang feminine ng itsura nya, nakalugay ang buhok na parang hindi nya talaga inayos na mas nagpalakas ng sex appeal nya dahil nagmuka syang fresh.

Muli na naman syang napapatitig sakin. Pero this time ay wala naman kaming iniinom na alcohol, nahihilo pa nga ako sa ininom namin kanina, at the same time, mind blown. Parang ang sarap kasi ng sex namin kanina, dahilan para mapalabas nya ang feelings ko na mahal ko na sya.

Ryne: So how's your stay here so far?

Me: Po? Ah, ok naman, maganda at nakakarelax ang place na to. Kahit kanina lang tayo dumating.

Ryne: Yan naman ang main goal kaya kita sinama dito, to relax. Masyadong nakaka stress kasi lately.

Me: Thank you po, it means a lot to me.

Ryne: Dont thank me yet. May gusto akong gawin bukas. I want you to join me. Wala ka nga palang dalang pang sports na damit. Punta nalang tayo muna ng mall para bumili.

Ok naman ang naging dinner namin ni boss. Matipid pa rin sya magsalita pero ok na rin, hindi na ako masyadong naiilang pag kaharap sya.

Pag balik ng room ay nag open sya ng laptop, nag check ng phone at nag lagay ng bluetooth headset sa tenga nya. Mukang mag wowork sya at kung sino sino ang kausap tungkol sa work. Ang lupet!! Parang hindi lumaklak ng alak kanina lang. Nasa loob sya ng room, ako naman ay nasa overlooking sa labas, katabi ng pool.

Sakto nag reply na si Ire sa chat ko kanina na Mahal ko na ang boss ko.

Ire: Whooah!! Bakit ang bilis? Are you sure it's love? Baka masyado ka lang naooverwhelm kasi nasanay ka sa pangit nyang ugali, then ngayon akala mo ok na kayo, kasi smooth na ulit ang samahan nyo.

Me: I know it's love. I care for her, even before na masama ang pinapakita nya. Nung time na dead drunk sya remember? I could do anything I want para gantihan sya, pero I can't and I did not. Instead, parang gusto ko pa syang yakapin at halikan. Those times, they were still treating me hard, and harder than I thought they could do. But still, I still feel the same towards her, my boss.

Ire: Game Over!!!

Me: What??

Ire: Nakalimutan mo naba ang rule.no 3? Leave your emotions behind.

Me: Oh...yeah.. Wala naman akong balak aminin to sa kanya eh. Walang makakaalam nito kahit si Sab, ikaw lang at ako.

Ire: You dont know your boss yet, malay mo may idea na sya, or baka nga alam na nya.

Me: Imposible. Unless sasabihin ko or sasabihin mo.

Ire: She's smart. If I were you, just focus on the rules, because you don't know what the consequences will be.

Kinabukasan, after naming pumunta sa isang mall para bumili ng pang sports na gagamitin ko ay may pinuntahan kami na isang training center. Ang iniisip ko ay gusto nyang mag gym, or mag jogging or exercise. Pero hindi ganung lugar na aming pinuntahan. Parang pang martial arts training center.

Ryne: This has been our playground when Kianne and I were young. I missed this place.

Me: Ano po ba talaga ang gagawin natin dito.

Ryne: We'll work out, and train at the same time.

Me: Martial arts?

Ryne: Yes Ash. Why? You afraid?

Me: Wala po akong alam sa ganyan.

Ryne: Starting today, sasamahan mo akong mag train. Kahit makabalik na tayo sa Manila. I want you to learn this things.

Me: Para san po to?

Ryne: Work out, exercise na rin, and... you know Ash, this will make you strong, and brave too. Tandaan mo, hindi sa lahat ng oras may mag sa-save sayo. Darating yung time na mag isa ka nalang, and you will have to fight for yourself. Wag kang matakot, mag eenjoy ka dito.

Nag start na kaming mag prepare. May kakilala rin syang trainer at mukang dati na talaga sila dito.

Ryne: Ako muna Ash, maupo ka muna at mag observe ka lang.

Ang martial art na gagawin nya ay hindi pang karaniwan. Stick fight or Arnis. Masyadong mahirap yata to. Pinanood ko ang drill na ginawa nila. May hawak sila parehong Arnis stick at mabibilis ang movements nito. Mukang expert naman si Boss sa ganito, nakakatakot kasi mukang masakit matamaan ng stick na hawak nila pero pareho silang magaling. Never pa yata sila nag ka tamaan.

Pero ang mas napansin ko ay ang sexing sexy na katawan ni boss habang nag ttrain. Isabay pa ang pagpapawis nito. Whooaaah!! Ang hot lang !!! Ang astig nya ring tignan, ang bilis nyang pinapaikot ang stick sa kamay nya na parang sa mga samurai na nakikita ko lang sa movie. No wonder, marunong syang lumaban ng pisikal. May alam pala talaga sya sa ganito.

Nag start na rin akong sumabak, ang hirap, nakaka pagod at nakakatakot. Pinagpawisan ako agad. Sobrang galing pala ni Boss dahil kaya nyang makipag sabayan sa trainor nya. Samantalang ako nagkakamali, at mabagal. Pero interesting to. Gusto kong matutunan, nakaka proud kasi si Boss habang pinapanood ko sya sa drill na ang angas nya. Nakaka turn on tuloy lalo.

Nung pauwi na kame, sinubukan kong interviewhin sya about sa martial arts na alam nya.

Me: Mam, nabanggit nyo playground nyo ni Ma'am Kianne yung center dati, so expert na talaga kayo?

Ryne: Hindi naman, pero sa karate, oo. Black belter kame ni Kianne. Marunong din syang mag Arnis. Pero mas marami akong alam sa martial arts. Pati muay thai alam ko, pero hindi na nya na aral yun dahil nag ibang bansa sya para dun mag aral.

Me: Bakit martial arts?

Ryne: I already told you Ash, it will make you strong and brave. Someday, you will stand for yourself, alone, walang mag aassist sayo. And someday, you wont be afraid anymore. I wanna see you be brave.

FF: Ito ang naging routine namin ng boss ko sa loob ng mahigit one month after ng Sexcapade namin sa Batangas. Bahay-office-training-then bahay (sex 😋). Halos every other day namin itong ginagawa, parang nakakaadik din naman to for me, yung training..at yung sex na rin 😂. At sa loob ng panahon na yun, hindi pa ulit namin nakikita ang tatlong manyakis na pinatikim nya ng sakit ng katawan. Si Bry naman ay nakakasama namin paminsan pero hindi rin madalas. Maging sa trabaho, level up ang mga tinuro nya sakin, parang pang senior. May mga naiinggit na tuloy sakin dahil akala pabibo ako or sipsip kasi mas matagal na sila pero mukang ako ang sinasanay para pumalit sa mag reretire na CFO. Matagal ding hindi nag pakita si Kianne sa office, hindi ko alam ang dahilan. Marahil ay dahil sa nangyari before na hindi maganda.

Hanggang sa isang hapon, pumunta ulit kame sa isang training center sa QC. Medyo marami na akong alam na basics, hindi pa ako expert pero mas ok na compare before. Sineryoso ko rin kasi, I want my boss to be proud of me kasi nagawa ko ang gusto nya. It's like I want to please her.

At habang nagpapahinga after ng first set ng drill namin....

Ryne: You're doing better now.

Me: Dapat lang, masarap din pala tong matutunan.

Ryne: Pano pag ginawa ulit nila Kianne yung nangyare before? Kaya mo nabang ipagtanggol ang sarili mo?

Nagulat ako sa sinabi nya, it gives me chills. All this time, halos makalimutan ko na ang nangyari dati. And it's like I am starting to build myself again.

Me: I don't know, I'm not really sure. Actually hindi ko yan pinag iisipan.

Ryne: Ashley.... You shouldn't be afraid anymore. Kahit kanino, kahit sakin pa. You should be brave, always.

Di ko maintindihan ang sinasabi ni Mam Ryne pero baka nag shashare lang sya ng wisdom.

Ryne: I invited Bry to come over tomorrow. Namiss ko na ang uminom kasama ang friends pero hindi pa rin nagpaparamdam yung 3, so si Bry muna. Bar tayong 3 bukas?

Tobe continued. (sorry yan lang nakayanan ✌)

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon