Part 12

6.9K 168 52
                                    

Fire and Ice (Part 12)

Nauna syang makapag damit kaysa sa akin. Naghihintay ako ng kahit anong words sa kanya after ng nangyari samin, kaso wala. Ano ba talaga ang iniisip nya?

After nyang magbihis, hindi naman sya agad umalis ng kwarto, minasdan lang ako habang patapos na akong magdamit. Sumandal sya ulit sa pwesto nya kanina at nakatayong nakatingin sa akin. Mind game ba ito Mam Ryne? Hindi ko mabasa ang iniisip nya. Nakakatense na naman, pwede naman syang umalis nalang agad kung wala na syang gagawin or sasabihin. Bakit kaylangan pa naming magpakiramdaman. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko, hindi ako makakilos, hihiga naba ako or mananatili sa pag upo sa bed.

Tumingin ako sa kanya, nakatingin lang din sya sakin. Gusto ko na syang tanungin kung may kaylangan paba sya, pero wag nalang, nakakatakot baka kung ano pa ang maisip nyang gawin.

Makalipas ang ilang minuto, kinuha nya ang baso na dala nya kanina, lumakad papunta sa pinto, muling tumingin sakin at saka umalis na.

Nakahinga ako ng maluwag. Anong klaseng tao ba talaga si Mam Ryne. Bakit kaya ganito sya? Naitanong ko sa sarili ko sabay higa sa bed. Wala manlang goodnight? Or thank you?

"Ibang klase ka talaga Mam Ryne" Bulong ko sa sarili ko, pero ok lang kesa naman nagcaclash na naman kame. Atleast, hindi naman nya ako sinaktan.

Pag gising ko, hindi ko namalayan na 9am na pala. Usually nagigising ako ng 6am pag may pasok, at 7am pag wala. Late na ito para sakin kahit Sunday naman ngayon. Bigla kong naalala na nasa bahay nga pala ako ni Mam Ryne at wala sa apartment ko.

Lumabas ako agad after mag hilamos. Naabutan ko na nag lilinis si manang sa malaking living room sa labas ng kwarto.

Manang: Good morning Mam Ashley, nakahanda na ang breakfast mo, tanghali na kaya kumain na kayo.

Nakita ko sa table na pang isang tao lang ang naka prepare. Lumingon ako sa paligid, hinahanap ko si Mam Ryne.

Manang: Si senyorita po ba? Kanina pa syang 5 ng maladaling araw umalis, bumalik sya sa Laguna. Kumain kana Mam Ashley, kabilin bilinan ni senyorita, wag ka naming hayaang malipasan ng gutom dahil may iniinom ka daw na gamot?

Me: Laguna? Sunday po ngayon, may pasok ba sya?

Manang: Dapat kasi buong weekend sya nandun, hanggang bukas ng hapon, may event yata ang isang kumpanya na hawak nya. Nagulat nga ako, bigla syang umuwi kagabi.

After kong kumain, naglakad lakad ako sa paligid ng malaking bahay nina Mam Ryne, pero humingi muna ako ng pahintulot kay manag kung ok lang ba na maglakad lakad sa loob at labas ng bahay, baka kasi may restrictions pala na hindi ko alam. Tumungo ako sa isang display cabinet na puro pictures. Kita ko ang pictures nya mula bata pa sya, nag aral, at hanggang ngayon.

"Grabe pang beauty queen" nasabi ko sa sarili ko.

Manang: Ang ganda ni senyorita ano po? Mahal na mahal ko yan dahil ako ang nagpalaki sa kanya. College palang sya nun nawala sina senyorito, at si Madam Dela Vega sa isang aksidente.

Me: Naaksidente sila kaya namatay?

Manang: Opo...

Bigla nyang hinawakan ang mga braso ko at hinimas ang mga bruises na halata at hindi pa masyadong gumagaling.

Manang: Mam Ashley, pagpasensyahan nyo si senyorita kung may hindi sya magandang nagagawa. Simula kasi nang mawala ang magulang nya, naging malungkutin na sya. Hindi na sya katulad ng dati, nag iba ang ugali nya. Madalas din na walang imik, dati maingay at masayahin sya. Pero matalino syang bata, at maniwala kayo sa akin, mabuti syang tao.

Speechless ako sa sinasabi ni manang habang hawak nya pa rin ang braso ko.

Manang: Ah Tina? Punta ka nga dito at magdala ka ng pang cold compress.

Kaagad namang sumunod si tina kay manang. Umupo kame sa may veranda sa labas, dun sa overlooking. Patuloy na nagkwento si manang habang dinadampian ng cold compress ang arms ko.

Manang: Alam mo Mam Ashley, matanda na ako. Wala akong pamilya, buong buhay ko ay pinag lingkuran ko ang pamilya ni senyorita. Wala akong ibang pinag darasal kung hindi ang makita na maging masaya ulit si senyorita Ryne. Sana, wag mo syang susukuan.

Me: Manang, bakit ganyan kayo magsalita? At anong ibig nyong sabihin na wag ko syang susukuan?

Manang: Napakalaki nitong mansyon, pero mas pinili pa rin nyang manirahan sa condo, kasi nalulungkot sya pag dito sya naglalagi. Malaki nga pero, wala namang tao, malungkot, tahimik.
Kaya kumuha sya ng condo, mas maliit sa bahay na to, mas malayo sa memorya ng magulang nyang nawala. Mas madaling gawing maingay ang lugar.

Me: Pero, ano po ang ibig sabihin ng wag ko syang susukuan? Alam nyo po, wag nyo na akong tawaging "Mam", kasi boss ko rin si Mam Ryne, hindi ko po sya kapantay. Ashley or Ash nalang po.

Manang: Wag mo sanang iisipin na masama syang tao. Kahit gaano pa kadilim ang pinapakita nya sayo. Mahal na mahal ko sya Mam Ashley, kung kaya mo syang mahalin, sana hanggang sa huli, wag mo syang susukuan.

Owwmyyy.. Nagulat ako at napaisip sa mga lumalabas na salita kay manang. Bakit sakin sya nag sasalita ng ganito. Ano ang dahilan? May idea yata sya sa kasamaan ng ugali ng amo nya, mukang may idea rin sya na si Mam Ryne ang may gawa ng mga bruises ko.

Patuloy pa syang nag kwento tungkol kay Mam Ryne, habang nakaupo pa rin kame sa veranda. Sa legs ko naman ang inaplayan nya ng compress.

Manang: Nag iisang anak kasi si senyorita, sila ni Mam Kianne ang magkasama mula bata pa sila. Parang magkapatid na sila, pero maloko si Mam Kianne, sa ibang bansa kasi sya nag high school, parang naimpluwensyahan nya itong si senyorita. Naging mapusok silang mag pinsan. Alam mo, nalulungkot ako sa twing makikita ko si senyorita na malungkot, at tahimik. Twing gabi, hindi sya natutulog nang hindi iinom ng alak. Naiiyak ako pag naiisip ko na ang bata pa nya, pero ang bigat ng dinadala nya.

Mukang naiiyak na nga si manang habang patuloy sya sa pag kukwento. Pati ako, naabsord ko ang lungkot at emosyon na dinadala nya.

Manang: Mam Ashley, ibalik mo ang mga ngiti sa mga mata ni senyorita, para bago manlang ako mamatay ay makita ko syang masaya, matatahimik na ako pag nangyari yon.

Me: Manang!! Wag nga po kayong magsalita ng ganyan, pati tuloy ako nalulungkot at parang maiiyak sa mga sinasabi nyo. Mayaman si Mam Ryne, nasa kanya na ang lahat, wala nga lang yung parents nya pero marami naman tao ang naulila rin tulad nya, bakit sya malungkot ?

Manang: Mahirap syang intindihin, at alam kong mahirap syang pakisamahan. Iisipin mo na masyadong sya masama, makasarili, at matigas. Pag sa mga panahon na hindi mo na sya maintindihan, subukan mo syang mahalin, saka mo mauunawaan.

Tina: Manang handa na daw po ang sasakyan

Manang: Mam Ashley, maiwan ko muna kayo, pupunta lang kame ng grocery. Wag po kayong aalis, pag may kaylangan kayo, magsabi lang kayo kay Tina. Kabilin bilinan ni senyorita na wag kayong hahayaang umalis lalo pag wala sya. At kaylangan nyo daw magpahinga at magpagaling.

Marami pa sana akong tanong kay manang at gustong linawin sa mga narinig ko sa kanya pero kaylangan na nyang umalis.

"Pag hindi mo sya maintindihan, subukan mo syang mahalin at saka mo mauunawaan." Kasabihan ba ito dahil may edad na si manang? Pero aaminin ko na naapektuhan ako sa mga sinabi ni manang. Nacurious rin, na parang naging interesado akong kilalanin ng mabuti si Mam Ryne. Total boss ko naman sya, walang masama kung malaman ko ang mga bagay tungkol sa kanya. Sayang talaga yung moment namin ni manang, subukan ko nalang syang kausapin ulit mamaya pag dating nya.

Hindi ako umalis sa veranda, nag iwan si manang sakin ng mga salita na mukang maghapon kong pag iisipan para maintindihan. Ano ba talaga? Bakit parang sakin nya hinahabilin si Mam Ryne...

"Hi Ashley"

"Mam Bry?"

(Sorry guys, eto lang ang nakayanan, sa next nalang ulit)

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon