Part 72

3.3K 99 10
                                    

Fire and Ice (Part 72)

***CHESKA'S POV***

Di ko alam kung mapipikon ba ako dito kay Kianne o matutuwa eh. Infairness, babae sya pero ang lakas ng dating nya sakin. Hay!!! Arrg!! Straight ako, at mananatiling straight.

Kianne: Oh!! Tagay!! Para sa babaeng mataray!!

Me: Barumbado ka talaga no?

Sabay abot nya ng alak habang nag iinuman pa rin kami kasama si Bry at Trish, Louise and Shayne.

Kianne: Eh kung ikiss mo nalang ako, wag ka ng mag taray.. Rape-pin kita dyan eh.

Me: Sampal gusto mo?

Saka ito tumitig sakin ng parang nang aakit. Yung tipong naniningkit lalo ang mata, parang kinikilatis ako. Nakasupport ang kanyang kamay sa ulo nya at nakatukod ito sa sandalan ng sofa. Bahagyang nakangiti na nakatitig sakin.

Me: Oh? Problema mo? Bakit ganyan ka makatingin?

Kianne: Alam mo? Lalambot ka rin sakin..

Sabay inom ng alak sa shotglass. Maganda talaga tong si Kianne eh, pero hindi nya alam na maganda sya. Hindi sya nag aayos, walang effort, pero lakas talaga ng appeal nya. Nakakacurious din tong babae na to kahit sobrang yabang nya

Kianne: Ches.. Virgin kapa?

Me: Paki mo!!!

Kianne: Hindi kaba pwedeng maging malambing sakin kahit for once lang ha?

Me: Bakit naman ako maglalambing sayo? Ano ba kita?

Kianne: Lika, sumunod ka sakin, may gagawin tayo.

Sabay hawak sa kamay ko at tangkang tatayo.

Me: Teka ayoko nga!!

Kianne: Sina Bry at Trish umalis na oh. Tara na..

Me: Ayoko, dito lang ako. Sumunod ka kung gusto mo.

Kianne: Sige ka, kung sino daw maiwan dito, sya ang mag babayad ng lahat ng kinain at ininom na alak. Balaka dyan...

Me: Oy!!! Teka!! Sabi ko nga sasama na ko eh.

At halos takbuhin ko na si Kianne para unahan ko syang lumabas sa room na yon, pero mas binilisan nya nung nakita akong humahabol. Humarang pa nga sya sa pinto para ako ang maiwan sa loob.

Kianne: Guard oh!! Tumatakas po si Cheska!!!

Me: Hype ka!! Kianne ah!!!

Saka sya tumawa na naman ng malakas. Sabi na eh, pinag titripan na naman ako. Pero lumapit naman ito at saka umakbay ng mahigpit sakin.

Kianne: Nag ha-honeymoon na sila Ryne at Ash, Trish at Bry, at sure yang si Louise and Shayne. Baka naman Cheska?

Me: Anong baka naman ka dyan. Sampalin kita. Kahit nakainom ako, alam ko ang ginagawa ko. Oh! Eto na pala yung room namin ni Trish, sige na, pasok na ko.

Pero nung papasok na ko sa room ko, ay bigla akong binuhat ni Kianne. Yung literal na nakaya nya akong buhatin. Yung tummy ko nakapatong sa balikat nya.

Me: P#$^@^@,, mo!!! Kianne!!! Ah!. Ibaba mo nga ako.. Leche ka..masasampal talaga kita!!

Kianne: Sssshh..mamaya ka mag ingay, pag pinatirik ko na ang mga mata mo.

Me: Punyeta Kianne!!! Ano ba??!!!!

At nag tungo kami sa room nya, naopen nya yon ng hindi ako ibinababa. At pagpasok sa room nya, halos ihagis na nya ako sa bed. Punyeta talaga!!!!

Me: T*ng Ina mo talaga. Sino nag sabi sayong dito mo ko dalhin, may kwarto naman kami.! At dun ako matutulog.

At kaagad nyang hinubad ang jacket nya, sabay hubad ng isa pang tshirt, at ang natira nalang ay ang sando nya, hinubad na rin nya ang pants nyang suot at ang natira ay maiksi at manipis na shorts. Hanep!!! Ang sexy nya pala talaga!! Ganda ng shape ng katawan nya. Halatang nag wowork out or naglalaro ng sports, kaya pala ang lakas nya. Hype lang, bakit parang makalaglag panty din tong si Kianne.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon