Part 30

5.9K 169 31
                                    

Fire and Ice (Part 30)

Nauna syang tumayo para magshower, naiwan muna ako sa pool. Bakit nakakatense? Ilang beses naman nang may nangyari pero nakakatense parin every f*cking time. Siguro dahil alam ko na after naming mag shower pareho ay, alam na this!! Di ko napansin na ako na pala ang umubos sa natitirang kalahing bote ng wine habang hinihintay ko syang matapos.

Hindi nag tagal ay lumabas na ito, naka bath robe lang sya, kaya tumayo na ako at tumungo sa CR. P*ta, kahit wine lang parang may tama sakin, or baka sadyang kinakabahan lang talaga ako. Lumabas ako ng CR, nag undies lang ako at nagsuot nalang din ng bath robe.

Pag labas ko, ganun pa rin ang suot nya, nakaupo sya sa table (mahilig sya umupo sa table kesa sa chair, pansin nyo ba?) May bagong bote na naman ng alak sa table at mukang bagong bukas lang nya ito. Hindi ito wine, tila brandy sya.

Inabot nya sakin ang isang baso na may lamang alak, means sabayan ko sya.

Ryne: Umiinom kaba talaga?

Me: Occassional lang po.

Ryne: Let's finish this bottle first. I wanna see you drunk.

Oh my!!! Balak nya akong lasingin, ang di nya alam ay medyo nahilo na ako sa wine kanina, tas hard pa ang inilabas nya ngayon. Mga mamahaling alak naman ang ipinapainom nya, kaya hindi masama ang lasa pero banayad kung sumipa, hindi mo mapapansin nalalasing kana pala.

Nakipag inuman ako habang nakaupo sa bed, sya naman sa table. Bakit kaya sa table sya lagi umuupo? Parang ang authoritative tuloy lagi ng dating kasi kahit nakaupo sya, titingalain mo pa rin dahil mas mataas ang pwesto nya.

Staring game na naman ang ginagawa nya, habang unti unti sa pag inom naka titig lang sakin, parang nakakita ng mapupulutan. Hindi naman ako sanay malasing talaga, may control ako sa alak. Pag alam ko na nahihilo na ako, tumitigil na ako bago pa tuluyang mawala sa sarili ko.

Ryne: Gusto mong orderan kita ng food Ash? Baka sumakit ang sikmura mo kung walang pulutan.

"Wag na boss, ikaw ang gusto kong papakin mamaya" Nasabi ko sa isip ko.

Me: No Ma'am, kaya ko naman saka kumain naman tayo kanina.

Ryne: You sure? Baka di mo napapansin, nalalasing kana. Sige ka baka maubos ka mamaya.

Maubos? Maubos talaga Boss? Ano na naman ba ang plano nya?

Me: Maubos?

Bigla syang ngumiti ng sarcastic. Ngiting may balak. Pero ang cute nya pag nakasmile. Mas nakakaakit, mas lalo syang gumaganda, mas nakakalibog, mas lalo syang nagiging masarap sa paningin ko. Sh*t sumisipa na yata ang alak na iniinom ko, pinagnanasahan ko na ang Boss ko.

Ryne: Pag tumitingin ako sayo ng ganito, ano sa tingin mo ang nasa utak ko?

Nakangiti pa rin na parang may pagka-pilya. Gosh!! Ang cute nya 😍. Hindi ako natatakot ngayon sa mga ganitong tingin, tanong at kilos nya. Natuturn on ako, at mas lalong naakit sa sobrang ganda nya.

Me: Di ko po alam. Ano ba?

Ryne: Try to guess, di naman ako magagalit kung mali ang sagot mo.

Patuloy lang kame sa pag inom, mukang nalalasing na ako this time.

Me: Ahm..I think, wala po talaga akong maisip.

Ryne: Sige na, gusto kong sumagot ka. Kahit ano.

Me: Tingin ko, gusto nyo ng sex.

P*ta!!! Ang kapal ng mukha ko, wala na kasi akong maisip na pwedeng isagot sa kanya. Baka isipin nya na ang libog at ang manyakis ng tingin ko aa kanya. Ang mga ngiti ay biglang napalitan ng pag tawa, pinagtawanan nya ang sagot ko. At kahit namumula na yata ang mukha ko sa sobrang hiya ay naghahalo naman ang pagka turn on ko lalo dahil sa nakikita kong pag smile nyang matipid pa rin pero pwede na. How I wish, mauna syang malasing saming 2.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon