Part 89

3.2K 80 1
                                    

Fire and Ice (Part 89)

Bigla akong napatingin kay baby, tila tinatanong ko sya kung ano ang desisyon nya sa 6 vs. 2 na botohan ng squad. Lumingon sya sakin, at hinalikan ako sa forehead.

Ryne: My decision is final. Di na kame sasali ni Ash. Kayo nalang. Alam kong mamimiss nyo ang mga kalokohan natin at hinahabol nyo lang ang natitirang mga araw bago ang kasal. Pero ok na kami ni Ash..

Mas humigpit ang pag akbay sakin ni baby habang binibitiwan ang ganitong mga salita. Halos humilig na ako sa dibdib nya sa sobrang love ko sa kanya. Yung tipong pinag kakatiwala ko na sa kanya ang mga decisions, at kung ano man ang sasabihin nya, dun na rin ako.

Ryne: ....I met her parents, and family, ang dami kong narealized... Hindi ko na ipapagalaw si Ash sa iba..nagkamali na nga tayo nung una diba? At kasalanan ko yon. Tama na yon..it ends here.. Mahal na mahal ko tong baby ko, at nangako ako sa parents nyang mamahalin, iingatan at aalagaan ko sya higit pa sa sarili ko. Nahiya ako actually, nung time na hinihingi ko si Ash sa parents nya para pakasalan, sobra akong nahiya nang mawitness kung paano minamahal at inaalagaan si Ash ng parents nya...pero mas pinili nya ako na pakasalan agad, despite of my previous mistakes...

Mas hinigpitan ko rin ang pag yakap sa tummy nya, gusto kong sabihin na I'm so proud of her..ngayon palang pinaninindigan na nya ako..

Ryne: ...so guys, sorry, but I'm not sorry...hindi na kami sasali. Kayo nalang.. Ikakasal palang kami but for me, she's already wife, my other half.. And I will never ever share sa kung ano man ang pag aari ko..especially her..she's my everything now....my muse...

I smiled while looking at her. Sobra ang naramdaman ko na pagka proud sa kanya.

I whispered to her..

Me: I love you so much..you are my main...

Then we kissed.. Isang sweet na kiss, hindi smock, hindi torid..just a sweet kiss..na nag sasabing mahal na mahal namin ang isat isa.

Bry: Ryne's right..tama na guys..kung talagang trip nyo, tayo tayo nalang. Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita na ganyan kasaya si Ryne sa halos 1 decade na pagsasama sama natin. Sisirain ba natin yon?

Kianne: I agree... Sorry na Ash and Ryne..masyado lang kasi kaming nalulungkot kasi feeling namin kasabay ng kasal nyo ay mawawala na rin ang mga good times with the squad.

Louise: Nakaka touch at nakakaproud ka Ryne. Ang akala namin dati hindi kana talaga magmamahal. Ikaw kasi ang pinaka walang puso sa tropa. But look at you..mukhang wala na ngang makakahawak kay Ash sa sobrang pag bakod mo sa kanya. Bagay na bagay kayo, kung gaano ka-clingy si Ash, ganun ka naman kalupit mag bakod. Nakakatuwa... I love you both..

Cheska: Congrats Bes..hindi kana talaga baby, proud ako sayo.. Promise, I will always be your best friend..

Shayne: Ryne, thank you sa mga lessons.. And Ash..sorry pa rin sa naging kasalanan ng buong squad sayo.. Mahal namin kayo ni Ryne, agree ako..wag na silang isali sa trippings natin..

Napasmile nalang kami lalo ni baby..pero ang isang hindi pa nag sasalita ay si Trish.

Me: Trish...are you ok?

Kaya napatingin ang lahat sa kanya, na parang may malalim na iniisip..

Trish: I'm ok Ash.. Masaya lang ako, at the same time malungkot..

Mukhang may gusto pang sabihin tong si Trish..pero hindi nya maituloy kasi parang sobrang nalulungkot na sya. Inakbayan sya ni Bry pero same pa rin ang mukha nya.

Tumingin ako kay Boss, tila nag papaalam ako na tabihan ang nalulungkot na ex ko. Isang tango lang ang kanyang sinagot, bilang pag sang ayon. Kaya lumapit ako kay Trish.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon