Part 18

5.6K 155 9
                                    

Fire and Ice (Part 18 )

Parang nanghina ako nang makita kong muli si Mam Kianne at makasabay ko pa sa elevator, kaming 2 lang sa loob.

Kianne: Hey Ashley!

Me: Good morning Mam Kianne!

Kianne: Long time no see, namiss kita!

Napayuko lang ako kahit alam kong nakatingin sya.

Kianne: I didn't know na sumbungera ka pala. Bakit ka nag sabi kay Ryne?

Sabi na eh, isusumbat nya sakin yon. Pero hindi pa rin ako sumagot. Tingin ko naman, kahit anong explanation ko, kung ano ang nasa isip nya gagawin nya pa rin kahit tama man yun or mali. Nakakatakot si Kianne, mas nakakatakot sya sa kanilang 5.

Kianne: Hindi pa tayo tapos Ash! Pinsan ko si Ryne, why did you ever think na ikaw ang kakampihan nya kesa sakin?

This time humarap sya sakin, face to face nyang sinabi sakin to, pero ako nakayuko lang, at nanginginig ang katawan.

Kianne: Ang ganda ng suot mo, white.

Sabay hawak sa dibdib ko

Kianne: Baka at the end of the day, maitapon lang ulit yan. Just make sure hindi mamamantsahan ng dugo mo yan.

Pag open ng elevator, umalis na rin sya. Ang lalim ng buntong hininga na pinakawalan ko after nyang umalis. Parang nanggilid ang mga luha ko sa saglit na time na yon. Feeling ko, ang malas ko talaga sa pag pasok sa company na to.

Lumabas na rin ako agad pag dating sa floor kung saan ako naka assign. Pero pinaderecho ako ng secretary ni Mam Ryne sa mismong office nya sa halip na sa Chief Financial Officer na magiging boss ko.

Pag pasok sa loob, wala si Mam Ryne sa upuan. Umupo ako sa chair sa harap ng executive table. Naalala ko ang nangyari samin nung una. Yung pag sasagutan namin dito mismo sa table na to. Grabe wala pang 1 week ng mangyare yun kasi Thursday palang ngayon.

Pag labas ni Mam Ryne, umupo ito sa napaka eleganteng executive chair nya. Parang upuan ito ng isang hari. Grabe ang boss talaga ng dating nya.

Ryne: Ready kana?

Me: I guess so po

Ryne: Di ka sure?

Me: Ready naman po.

Ryne: Later you will meet the CFO, she will be your immediate supervisor. She will be retiring in 4 months Ash. And, I want you to know everything about Finance. What do you think is the product of Prince Ryne Holding Company. ?

Me: Investments.

Ryne: Like what? Insurance? Stocks? Bonds?

Me: Stocks

Ryne: Stocks of other companies. Which technically makes the company the parent of the smaller companies it financially controls. And how do you treat the resources of the absorbed companies in the financial reports of our own company?

Me: In an asset-investment accounts.

Ryne: No, your answer is applicable only to those companies which we only own around 20% of stocks.

OMG, dumugo ang utak ko sa mga diniscuss ni Mam Ryne. Sh*t ang talino pala nya. Pang accounting ang mga binabanggit nyang terms. Hala!! Nagmuka akong bobo sa mga tinatanong at sinasabi nya. Pati ilong ko mukang dudugo sa sobrang galing ni Mam Ryne. Akala ko noong una, pag mayaman at bata ang negosyante, na-inherit lang nila ang business at wala naman talaga silang alam sa pag papatakbo nito. Pero mali ako, maling mali ako sa boss ko. Ang galing nya.

Nacurious tuloy ako, accountant din ba sya? CPA din ba sya? Grabe, mas humanga ako sa kanya. Mas gumanda sya sa paningin ko ng mga 100x more.

Ryne: What do you call a business process which the acquirer gains control of the acquiree by owning more than 50% ownership of the latter?

Me: Business combination.

Ryne: In accounting, can you do that overnight?

Me: I think not.

Ryne: Why not?

Wala na, finish na. Buong buhay ko ang alam ko matalino ako, pero napaka malas ko ngayong araw. Bukod sa nakita ko si Kianne, nagmuka pa akong bobo sa harap ni Mam Ryne. Hindi lang sya perfect sa ganda, perfect din sya sa talino. Sa ugali lang negative talaga.

Ryne: You know what Ash, Mrs. Valdez, the retiring CFO can do business combination overnight. Why can't you? I want you to study the company well, specially the Finance. Also, you have to study the compliance of the parent and also the absorbed companies' compliance with the government specially in taxation aspect.

Biglang pumasok ang secretary at isang babae na may edad na. Ito siguro ang CFO.

Ryne: Ash I'd like you to meet Mrs. Valdez, our CFO for 25 years. Mrs. Valdez, this is Ashley, CPA, I want you to impart everything you know about the finance department. She's smart enough to handle that. She can also do business combination overnight. Let's not treat her junior anymore, alright?

Sa maghapon, naging busy ako sa pag aaral at pag absorb ng info sa kung paano tumatakbo ang negosyo nila. Information overload na to.

At pag kauwi ko ng apartment, minessage ko agad si Ire.

Me: Hello Ire! I survived my first official day!

Ire: Great! How was your day went?

Me: Hindi maganda nung una, nakasabay ko si Mam Anne (Kianne) sa elevator umaga palang. Pero ok lang masasanay na rin akong makita sya dun dahil boss ko rin sya. Then, nakita ko kung gaano katalino si Boss Ryley. Gosh!! Di lang sya maganda, beauty and brain si boss.

Ire: Talaga? How can you say so?

Me: CPA ako pero mukang mas marami pa syang alam sakin. Nakakacurious tuloy ano kaya ang course nya.

Ire: I believe you can google the answer.

Me: Really? Sa bagay, nakaka overwhelm lang na makameet ng ganyang klaseng tao.

Ire: Positive ba yan or negative?

Me: Positive, I was indeed....so proud of her. I was like, she's my boss!!! And she's so damn beautiful and smart.

Ire: Wow, I thought, no one could actually look at her the way you admire her right now.

Me: Well, here I am. Kahit pangit ang ginawa nya sakin, at sabihin pang hindi na maibabalik, I am really proud that she's my boss.

Ire: No... I think peak of the moment lang yan, sure enough, marami pang dark side ang boss mo na anytime, pwede nyang ipakita at ipatikim sayo. Wag ka munang mag salita ng tapos

Me: Maybe you are right.. But whatever it is, I will try to prepare myself for the worse 😊

Ire: Parang excited kapa ah. Friday na bukas. Weeksary ng ginawa nila sayo

Me: Oo nga noh, It was just last week that I really thought hindi na ako masisikatan pa ng araw. But here I am now, safe and sound.

Ire: No, you're not.

Me: Why are you so negative?

Ire: I'm just being realistic. You better prepare yourself for the worst..

At biglang may nag text sakin. Number lang ito.

"Ash, it's me Ryne. Tom, friday, mag dala ka ng extra mong damit."

Oh no...hindi ko alam kung matutuwa ba ako or matatakot, malulungkot? Pero more on natatakot ako. That was my initial feelings sa text nyang ito.

"Yes Ma'am" reply ko.

Bumalik ako kay Ire.

Me: Ire... nag text bigla si Boss, pinagdadala ako ng extrang damit bukas, Friday. Hala!!

Ire: So, what do you feel?

Me: Natatakot? Idk. Ikaw kasi eh, masyado kang negative.

Ire: No... realidad lang lagi. Goodluck!!

to be continued...

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon