Part 48

3.9K 107 7
                                    

Fire and Ice (Part 48)

"Pansin ko kanina pa kayo nagtitinginan ni Bry. Gusto mo ba syang kausapin privately?"

Walang reaksyon na tanong ni Boss bago kami tuluyang humiwalay sa 4 na friends nya at tumungo sa kanya kanyang rooms. Medyo nagulat lang ako na nahahalata pala nya na napapatingin ako kay Bry. Namiss ko kasi sya at gustong gusto ko na makausap sya para kamustahin dahil masyadong malungkot ang huli naming pag kikita. Pano ko kaya magagawa ito nang hindi magseselos ang baby ko?

"Ah, yeah..gusto ko para kamustahin sana, syempre 1 month syang hindi nagparamdam"

Sagot ko kay boss habang magkaakbay kaming nag lalakad kasama ang isang hotel staff na nag buhat ng mga gamit namin. Biglang napahinto sa pag lalakad si baby boss kaya pati ako ay natigilan.

Ryne: Then go ahead, puntahan mo na sya ngayon.

Nakakagulat at nakakatakot bigla, tila ba naiba ang tono nito. Bigla ko syang nilapitan at niyakap, ang mga kamay ko ay nasa baywang nya.

Me: No baby..maybe later or tomorrow or pag may chance lang. Let's go to our room muna, and have some rest.

Medyo lumamig naman ang itsura nito at mukang malapit nang ngumiti pero napipigilan. Then umakbay na syang muli at nag simulang maglakad.

Me: Baby...?

Ryne: I'm ok baby...

At saka humalik sa pisngi ko habang nag lalakad na kami.

Me: Do you want some ice?

Ryne: Ice?

Me: Yeah, I mean coolers, order tayo ng shake? Anong gusto mo?

Bigla syang nangiti, at this time ay mukang hindi na sya mainit.

Ryne: I'm ok... pero sige order tayo ng shake.. watermelon shake for me, how about you?

Me: Ah...same nalang, watermelon din.

Mas humigpit pa ang pag kapit ko sa baywang nya hanggang matungo na namin ang room. Isang napaka laki, elegante, at sobrang ganda ng room ng kwarto na to. Kaya pala luxury room ang tawag dito. 10 am kami dumating, at nagpahinga hanggang 12pm.

At pag dating ng lunch time, may reservation pala sya sa resto sa baba, for 6 pax. Pag baba namin ay kami nalang pala ang hinihintay ng 4.

Louise: Eto na pala ang lovers!

Shaye: Maghiwalay naman kayo please kahit ngayon lang, hustisya sa mga single!

Kianne: Dito sa tabi ko si Ash, sakto pagitna sya samin ni Bry. Pahiram mo naman sya samin Ryne, bday mo naman eh.

May isang vacant seat pa kasi sa pagitan ni Bry at Kianne, pero mas minabuti ko nalang na umupo kami sa harap nila.

Shayne: Ay..ayaw talagang maghiwalay oh. Bakit sinama nyo pa kame? OP naman pala kami sa paglalambingan nyo.

Patuloy lang sa pag kantsyaw ang tatlo, ako naman ay hindi na tuloy makatingin kay Bry kahit nasa harap ko ito dahil mukang may nag selos kanina. Nilambing ko nalang lalo ang baby ko, hinawakan ko ang kamay nya na nasa ilalim ng table.

Me: It's your birthday baby.. anong wish mo?

Habang nag hihintay kami na iserve ang appetizer. Halatang medyo tahimik pa rin sya, pangiti ngiti lang sa mga biro ng barkada nya. Si Bry naman ay nakikihalubilo, nakikipag tawanan at kwentuhan ito kina Shayne at Kianne. Mukang ok na sya, magaan na ang awra nya, mukang mas gumanda nga ito dahil parang pumayat sya.

Ryne: Hulaan mo?

Me: I have no idea.

Ryne: Ikaw ba anong wish mo for me?

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon