Part 28

5.4K 152 21
                                    

Fire and Ice (Part 28)

"Ire, kung sino ka man, payakap please? Payakap naman 😭😭😭.

Ire: Sorry..you had to go through this..

Me: Hindi ako makatulog 😭😭. Payakap naman please 😭😭😭..

Minessage ko si Ire nung gabi na yun, dahil sobrang magulo na lahat ng nangyari. Nalilito na ako at hindi alam kung san ilulugar ang sarili ko.

Ire: I know, and I'm sorry.. You need to rest.

Pero hindi rin ako makatulog nung gabi na yun. Nakaupo lang sa bed, tulala pa rin. Hindi ko naman alam kung ano ang iniisip ko. Nang biglang pumasok si Mam Ryne sa kwarto, like usual may dala syang isang baso ng alak. Nakapag bihis na sya, huli ko syang nakita na puro dugo ang damit at ang mukha pero dugo yun ng mga kaibigan nya. Umupo ito sa bed, sa harap ko. Wala syang kahit anong galos or pasa sa katawan, except sa kamay nyang namamaga. Marahil ay dahil sa pag suntok na ginawa nya kanina.

Wala kaming imikan, tila nag hihintay kung sino samin ang mauunang magsalita. Medyo maayos na ang pag iisip ko kahit paano dahil naka pahinga na ako saglit at nakakain na rin ng maayos para makabawi ng lakas. Masakit pa rin ang katawan ko, pero mas masakit ang puso ko, at hindi ko alam ang dahilan.

Nakatingin lang sya sakin, napapatingin lang din ako sa kanya. Di ko akalain na ganun katindi ang kaya nyang gawin. Walang wala sa itsura nya lalo pag nakapang office sya na damit na kaya nyang gawin ang mga ganun ka bayolenteng bagay, nang hindi manlang nagagalusan. Nag hahalo ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung maaamaze ako sa kanya or magagalit sa mga nangyari lately. Pero mas matimbang ang relief sa puso ko na kinuha nya ako sa kamay ng 3 nyang kaibigan. Pumasok kasi sa isip ko na pwedeng kampihan nya sila at hayaan lang ako, tulad ng mga nauna nyang ginawa at sya pa talaga ang pasimuno.

Ilang beses na rin nyang nilagok ang dala nyang alak, pero wala pa rin words na lumalabas sa kahit kanino man sa pagitan namin. Deep inside, gusto ko syang tanungin, marami akong gustong marinig, di ko lang masabi kung ano. Deep inside, gusto ko rin syang pasalamatan sa ginawa nya sakin kanina. For the first time, nakita ko na naipagtanggol nya ako. At deep inside, gusto ko syang yakapin, alam kong malakas sya, at gusto kong sabihin na "pahingi naman ng kaunting lakas, para makapag patuloy pa". Kahit ayokong umiyak, kusang lumabas ang mga luha sa mata ko. Napayuko nalang ako, hindi ko naman gusto na maging kaawa awa pero ganun na nga ang nangyari. Deep inside, gusto ko ng yakap na nanggagaling sa kanya para mabawasan naman ang sakit sa puso ko.

Muli akong lumingon sa kanya ng may luha sa mga mata. Lumapit sya at ibinaba ang baso sa side table sa tabi ko, hinawakan ako sa batok ng isa nyang kamay at sa braso naman sa kabila at inilapit ako ulo ko payakap sa dibdib nya. Hindi ko na napigilan ang labis na pag iyak, sinubsob ko ang aking sarili sa mga yakap nya at dun inilabas lahat ng sama ng loob, confusion, galit, at sakit na nararamdaman ng kalooban ko. Ramdam ko naman ang higpit ng mga yakap nya, yung higpit na feeling ko ay safe ako, at walang kahit sinong makakagalaw or makakasakit sakin habang nasa loob ako ng mga braso nya at nakakapit sa kanya. Niyakap ko sya sa likod nya, kumapit ako sa damit nya at umayos sya sa pagkakaupo para mas makapasok ako sa pag kakaenclose ng pag yakap nya.

Hinalikan nya ako sa forehead at lumipat sya ng pwesto, humiga sa bed sa tabi ko, at hinila nya ulit ako para mahiga sa balikat nya. Muli ang pinalibot nya ang arms nya sa katawan ko. Matagal kame sa ganung posisyon, wala ni isa mang words ang lumabas sa aming bibig pero tila may pagkakaintindihan na kame sa isat isa, hindi ko lang maidefine kung ano ba. Dun na rin kame nakatulog sa magdamag.

Kinabukasan naman, pareho kami na halos hindi lumabas ng kanya kanyang kwarto. Kaya halos maghapon kami na hindi nagkita. Maging sa pagkain ay hindi kame nag aabot

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon