Part 59

3.2K 107 6
                                    

Fire and Ice (Part 59)

**BRY's POV***

"Kiss me"

Medyo natigilan ako ng marinig ko to kay Ash. Then bigla syang ngumiti, at ipinatong ang pareho nyang kamay sa balikat ko habang nakahawak pa rin ako sa baywang nya.

Ash: I'm just kidding Sabryna.. I just...

Bigla ko syang hinalikan. Kahit narinig ko pa ang sinabi nyang nagbibiro lang sya, alam ko naman, sobrang nangungulila lang ito sa kaibigan naming si Ryne, kaya ganito ang kinikilos nito lalo pa at lasing sya.

Isang mabilis na kiss lang pero mainit na kiss pa rin. Ewan ko ba, kanina ko pa rin kasi to gustong gawin. Parang...nakakamiss din kasi ang ilang beses kong pag tikim sa mga labi nya. Ginawa ko yun dahil yun ang magpapasaya sakin. Kahit sinong tao ang nagmamahal, mawawala sa katinuan pag kaharap ang taong mahal nila, lalo pa at lasing.

Naghiwalay ang mga labi namin at nag tinginan kami. Medyo napayuko sya, kaya nag dikit ang mga noo namin.

Ash: I'm sorry Bry..

Me: Ginusto ko yun Ash..

Ash: Nawawala na yata ako sa sarili ko. Alam mo yung pakiramdam na miss na miss mo na ang isang taong mahal na mahal mo? Pero wala kang magawa, kasi ayaw ka na nyang makita... Ang sakit lang, di nga sya nagka amnesia pag gising nya, hindi nga nakalimot ang isip nya, pero bakit nakalimot ang puso nyang mahal nya ako? T*ng in* lang, nagising lang sya, then...boom!! Ayaw na daw nya akong makita... Madalas naiisip ko, ano paba ang ginagawa ko sa Manila, tumira ako sa condo nya, then kinuha ako ni Kianne..ano ba talagang ginagawa ko dito? Para saan paba lahat ng to? Gusto ko nalang umuwi, iwan kung ano ang meron, total wala namang nangyayaring maganda. Buti nanjan kayo ni Kianne pero nakakaguilty kasi, hindi ko kayo kayang bayaran sa lahat ng kabutihan na pinapakita nyo sakin.. Iniisip ko nalang, I should be thankful, kasi nabuhay pa rin sya. Nabuhay sya, kahit ayaw na nya akong makita....

Napayuko na si Ash at tuluyang tumulo ang mga luha nito... Hinila ko sya para yakapin...napahagulgol na naman sya at sobrang higpit ng mga yakap nya sakin, ganun din kalalim ang sakit ng sugat na dinadala nya. Gustong gusto ko nang sabihin sa kanya na mahal na mahal na mahal sya talaga ni Ryne, at gusto lang nito na maging safe sya kaya nya ito ginagawa. Pero para sa safety ni Ash, mas ok nang wala syang alam.

Me: Ssshhh.. tama na. Wag kang mag alala samin ni Kianne, wala kaming hinihintay na kahit anong kapalit sa lahat, mahal ka namin, kayo ni Ryne. Part kana ng circle namin Ash, at lahat ng pwede naming itulong, gagawin namin para sayo. Wag mong isipin na wala ka ng space dito, nagbago man ang puso ni Ryne, isipin mo nalang na may dahilan ang lahat...

Muli kong hinawakan ang mukha nya at hinarap ko sya sakin, pinahid ko na rin ang mga luha nya sa mata.

Me: Ash, makinig ka sakin... It's ok to be hurt..It's ok to cry..at kung hindi kapa nakakamove on, ok lang yan..Kung mahal na mahal mo pa si Ryne, ok lang yan..kung kayo hanggang sa huli, magiging kayo talaga, pag maayos na ang lahat. Wag ka nang umiyak..di ka namin iiwan, pangako yan.

***ASH's POV***

Medyo nahimasmasan na ako ngayong gabi sa tama ng alak kanina. Mag isa muna ako dito sa duyan sa labas ng villa namin, si Bry ay nakikipag bonding sa family nya.

Nang biglang nag chat si Ire.. Oo nga pala, ang tagal na naming hindi nag usap. Naaalala ko naman sya, pero dahil sa sobrang sakit ng mga nangyari lately, di ko na sya nakwentuhan pa.

Ire: Hi

Me: Hello

Ire: How are you, It's been a long time since last time, kamusta kana?

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon