Part 21

5.6K 142 15
                                    

Fire and Ice (Part 21)

Sumunod ako kay Mam Ryne, kinuha ang bag ko at nag lakad palabas. Nandun pa rin ang tatlong mga manyak sa sofa at hindi ko na sila tinignan pa.

Kianne: San kayo pupunta?

Ryne: Ihahatid ko si Ashley sa kanila.

Louise: Seryoso Ryne? Ikaw maghahatid? Bakit hindi si Bry?

Ryne: Dyan muna kayo, babalik ako agad.

Lumabas kami ng pintuan. Sa kanan ay ang elevator at sa kaliwa naman ay hagdanan. Pero sa kaliwa pumunta si Mam Ryne, kala ko nag kamali lang sya pero sinundan ko pa rin. Bumaba kame ng hagdan at tumungo sa condo na pinaayos nya sa baba lang mismo ng room nya. 5708 ang number ng room ni Mam Ryne sa taas. 5608 naman ang dito sa baba, kaya halos magkatapat lang sila.

Pagpasok namin, nagulat pa rin ako dahil malaki pa rin ang pagkakaiba nito nung huli kong nakita. Last time kasi, kumpleto nga sa gamit pero wala pang mga kurtina at mga bed sheet. Kumpleto na rin ang mga gamit pang kusina tulad ng mga plates, glass, pati water dispenser meron na rin. Madumi rin ito dati at maalikabok ang sahig pero ngayon mukang nalinisan na. Kumpletong kumpleto na ito, malamang sina Manang ang nag linis dito.

Ryne: Dito kana muna.

Tumungo sya sa kwarto, kaya nasilip ko rin to dahil sa pag sunod ko kay Mam Ryne. Ang ganda na ng room na to, ngayon kasi may mga pillow na at comforter. Pati mga side table at iba pang gamit.

Ryne: You can stay here.

Binaba ko ang bag ko sa sahig, at umupo sa bed. Nanghina kasi ako kaiiyak ng halos 2 oras. Hinihintay ko nalang na umalis si Mam Ryne pero mukang wala pa syang balak lumabas.

Bigla nyang binuksan ang drawer sa side table at inilabas ang ilang mga documents at isang ballpen.

Ryne: You need to sign this.

Sabay abot ng mga papel na ito. Medyo marami ito, at hindi lahat ng page ay merong pangalan ko. Hinawakan ko ang mga papel at inusisa pero ..

Ryne: Hurry up Ash! 30 seconds kaylangan napirmahan mo na lahat yan.

Hindi ko na tinuloy ang pag usisa at pinirmahan ko nalang ang mga ito.

Ryne: Last 15 seconds...

Countdown nya, wala na akong pakialam nung time na yun, kahit pa ikakapahamak ko ang mga pinapirma nyang papel, alam ko naman na no choice ako kundi sumunod lang palagi.

Hanggang sa natapos ko na at inabot lahat sa kanya, inilagay nya ito sa isang envelope. Ang tagal nya bago kumilos, nakatayo lang sya sa harap ko.

Bigla syang umupo sa bed, sa tabi ko mismo. Alam kong nakamasid lang ulit sya sakin. Habang ako, walang reaksyon. Hindi na rin tumutulo ang mga luha ko that time. Gusto ko pa rin syang tanungin, bakit nya ginawa yun, bakit hinayaan nyang mangyari yun. Pero wala akong lakas ng loob. Gets ko naman, galit pa rin sya sakin.

Ryne: Gusto mo bang mag stay si Bry dito kasama ka?

Umiling nalang ako. Ayokong madamay si Bry, pero gusto ko syang mag stay. Alam ko naman na naiipit lang din sya sa trip ng mga kaibigan nyang puro manyakis.

Ryne: How about me?

Napasulyap ako sa kanya mula sa pag kakayuko dahil sa sinabi nya. At ano ba ang ineexpect nyang isasagot ko?

Me: Kung ano po ang gusto nyo, kasi sa inyo naman to.

Ryne: Yes or no lang Ash. Dont complicate things.

Nag iisip ko, yes ba? Gusto ko syang mag stay? Or no..kaso kapal naman ng muka ko kung sasagot ako ng no sa sarili nyang teritoryo.

Ryne: Ok, just take a rest.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon