Part 16

6.1K 172 18
                                    

Fire and Ice (Part 16)

Nakatayo si Mam Ryne sa mismong pintuan papasok sa loob ng bahay. Nakaharang sya sa mismong pinto, nakasandal ang balikat sa gilid ng pintuan. Nakatingin samin ni manang, hindi ko na naman mawari kung nakangiti ba sya or hindi. Pati si manang parang natigilan ng makita syang nasa likod namin at nakikinig sa kwentuhan.

Nakabihis pa sya ng formal, halatang galing pa rin sya sa event sa Laguna. Humahalimuyak ang amoy nya ng biglang humangin. Maayos ang kilay nya, mukang naka make up sya ng kaunti kaya mas lalong naenhance yung ganda at naging babaeng sopistikada ang itchura nya. Yung tipong hindi mo maiimagine na ang babaeng kaharap ko ngayon, ay ang babaeng ibang klase pag dating sa bed, babaeng nang re-rape pag natripan ka. Ang sexy na naman nyang tignan sa suot nya dahil halos kita ko na ang cleavage. Naka slacks sya, red na sleeveless pero naka suot sya ng blazer. Boss na boss naman syang tignan, at feeling ko that time, nakaka proud na makaharap ang isang katulad nya.

Manang: Teka senyorita, maghahanda lang ako ng hapunan para makakain na kayo.

Kame lang ni Mam Ryne ang naiwan sa Veranda na yun. Nakatayo ako sa may pa-overlooking. Sya naman ay hindi pa rin umaalis sa pwesto nya sa tabi ng pinto. Nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung naghihintay ba sya na may sabihin ako or ano. Si Mam Ryne kasi, mukang mahilig talaga syang tumitig, mula noong una ko syang makita, ganyan na syang tumingin. Hindi ko mabasa ang nasa isip, parang pinag aaralan nya ang pagkatao ng katitigan nya.

Makalipas ang ilang sandali, ay kumilos na ito at pumasok sa loob. Napahinga ako ng malalim. Bakit ang hilig nyang magpa tense. Para akong nalulusaw pag nakatingin sya. Ibang klase talaga ang presensya na.

Oras ng hapunan, tinawag na ako ni Tina. Ayoko na sanang kumain kasi alam kong makakasabay ko na naman si Mam Ryne. Gusto kong magdahilan na busog pa ako pero baka magalit naman sya. Haay grabe, ang hirap kumilos. Mas ok pa nung wala sya sa mansyon, nakakagalaw ako ng malaya.

Pag upo ko sa mesa, nandun na rin si Boss Ryne. Nakapag bihis at mukang kakatapos lang nya mag shower. Eto na naman ang feeling na hindi ako makakain ng maayos. Sya naman tuloy tuloy lang, matipid ang kanyang mga galaw pero nauubos naman nya ang laman ng plato nya. Bakit ako tila hindi maubos ubos ang food ko sa plate, halos isang subo then inom ng tubig na nga lang ginagawa ko para mabilis na akong makatapos at makatayo sa table na yun. Di ko kasi ma-take ang presensya nya.

Hanggang sa mukang natapos na syang kumain. At ngayon ko lang napansin na wine pala ang ginagawa nyang tubig, yun ang laman ng glass nya. Pero naka upo pa rin sya sa table kaharap ko, hawak ang glass of wine na inuunti unti nyang inumin, at nakatitig na naman sakin. Napapasulyap ako ng tingin sa kanya, at pansin ko ang kislap ng mata nya na nag rereflect sa mga ilaw sa area. Parang ang blooming at ang fresh tuloy ng itsura nya. And how I really wish, sana alam ko ang iniisip nya para naman hindi ako magmukang tanga sa mga ganitong moment na hindi ko alam ang ikikilos ko.

Ang dami pa ng food sa plate ko, hindi ko tuloy maubos ubos. Nakakahiya namang tumayo ng marami akong natira, si Manang kasi american style mag serve. Naka lagay na agad sa plate ang lahat ng serving ng food. May meat, veggies, at rice.

Ryne: Dumaan pala si Bry nung nakaraang araw. Bakit daw?

Me: Ahm... dumalaw lang po. Chineck nya kung ok daw ako.

Nangiti sya ng kaunti at medyo sarcastic ang dating.

Ryne: May nangyari ba?

I was like "Whaaaat?". Anong ibig sabihin ng tanong nyang ito. Nangyare ba samin ni Bry ang tinatanong nya.

Me: Wala po..

Ryne: Are you sure?

Ohhmaay.. Ayoko ng ganitong tanong. Yung kiss ba ang tinatanong nya? Nag sabi kaya si Bry sa kanya? Tingin ko hindi. Magsisinungaling ba ako na walang kahit anong nangyari.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon