Part 23

5.3K 150 12
                                    

Fire and Ice (Part 23)

Nahirapan akong makatulog nang gabi na yun. Nag tetext pa si Trish, gusto ko makausap sya ng personal for the last time. Kasi kung sasabihin kong umiwas na sya thru text, mag aalala lang sya bigla at mas lalong hindi ako titigilan. Nakakainis!! Ang tagal ko syang hinintay, tas ngayon nandito na sya. Ok na sana ang lahat, hindi na namin kaylangan mag LDR, pero wrong timing ang pagpasok nya. Ayoko syang madamay, hindi pwede, lalo pa at bigla nalang silang nag kita ni Mam Ryne sa coffee shop. What are the odds? Alam kaya ni Boss na sya si Trish?

Halos buong mag damag akong gising, nag iisip ng kung ano ang dapat gawin. Nang biglang nag chat si Ire.

Ire: Bakit gising kapa?

Me: Nag iisip.. Di ako makatulog..

Ire: Why?

Me: Long story. Basta kaylangan ko nang itaboy si Trish palayo. Kasi baka idamay sya ng boss ko. Ok lang na ako nalang, wala naman ng mawawala sakin. Nakuha na nga nila lahat. Pero si Trish, no...di ko kayang mapatawad ang sarili ko pag pati sya.

Ire: Ano ba sabi ng boss mo?

Sinabi ko lahat sa kanya, pati conditions at yung compromise ni Boss Ryne na kung papalayain nya ako, si Trish ang kapalit. At hindi ako pumayag..

Ire: Then? Nung di ka pumayag? Ano sabi nya?

Me: Wag na daw akong magpapakita kay Trish

Ire: Anong plano mo?

Me: Iiwas na ko kay Trish.

Ire: Mahal mo paba sya?

Me: Not really.. pero pwedeng pwedeng bumalik ang love. Gusto ko lang yung feeling na nandyan yung taong nagmahal sakin, kahit walang kapalit. Walang sex..walang kahit ano.

Ire: Namiss mo lang yung feeling, but not the person.

Me: Pero ayoko syang madamay. Di ko kakayanin..

Ire: Talk to her, magclosure kayo para maayos ang lahat.

Me: Yun na nga lang naiisip ko. Si boss kasi, bakit ganun sya

Ire: Ang selfish ba?

Me: Di ko maintindihan ang gusto nya. Kahit binibigay ko naman kung ano ang kaya kong ibigay, may mga ganyan pa rin na revelations sa ugali nya.

Ire: Pagod kana ba?

Me: Hindi pa naman. Hindi naman yata ako mapapagod sa kanya..

Ire: How can you say so?

Me: Basta.. saka ko nalang ishare sayo, pag naconfirm ko na.

Ire: Wait... Ang alin?

Me: Goodnight Ire..

Nakipag kita ako agad kay Trish kinabukasan, lunch time. Sinabi ko nalang sa kanya na may iba na talaga akong mahal, kaya hindi ko na rin kayang ibalik ang feelings at ayoko na sanang magkita pa kame. Na wag na syang magtetext or magpapakita sakin. Syempre hindi nya madaling natanggap yun, umuwi sya dito para sana makapag start ulit kaming 2. Pero naintindihan din nya, at irerespeto daw nya ang desisyon ko. So ok na.

Pero deep inside, nakakalungkot. Di ko na nga nakakausap ang bff ko, wala na ang FB ko talaga, dahil sa kagagawan nila. Hanggang ngayon ba, wala akong karapatan na gawin ang gusto ko? Kahit ibinibigay ko naman ang gusto nila, lalo si Mam Ryne. Almost everynight, pag gusto nya ng sex, ok lang sige.

Friday night, sabay kaming umuwi ni Mam Ryne. Derecho sya sa taas, ako naman sa baba. Wala siguro silang usapan ng mga friends nya.
Kumatok sya sa kwarto ko, nung malapit na akong matulog. This time hindi lang isang baso ng alak ang dala nya. Kundi isang bote.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon