Part 44

4.5K 124 10
                                    

Fire and Ice (Part 44)

"Senyorita Ryne... bakit ngayon lang po kayo, tara na sa loob at mag meryenda muna kayo, mamaya palang ako makakaluto...teka..eto naba si Ma'am Ashley? Ah..ang ganda mo na Mam, bakit bigla kang nag dalaga.. "

Mahabang pag bati ni Manang nang makita kaming bumaba sa sasakyan ni senyorita nya. Tila hindi nito alam kung paano kami iwewelcome sa sobrang tuwa na makita kaming muli, lalo si Boss.

Ryne: Pasensya na po Manang, Ash come here.

Sabay senyas na sumunod ako sa kanya at pumasok na kami sa loob ng napaka laking mansyon ni Boss. Pagkababa ng gamit ay nag bihis muna kami sa kanya kanyang room, yes, kanya kanya pa rin like before. Pero sa gabi naman ay magkatabi pa rin kaming natutulog. Siguro ay dahil masyadong private si Mam Ryne sa buhay nya, ngayon lang nagka gf, big boss, and only child too...no wonder, she needs so much privacy pero ok lang sakin, I fully respect that.

Ryne: Ash..?

Me: Yes Boss..?

Pumasok ito sa room ko at kakatapos ko lang mag shower at mag palit ng damit. Lumapit sya and she gave me a back hug habang nag aayos ako ng buhok at nakatingin sa salamin. Nakasmile sya, then yumuko sya at hinalikan ako sa batok habang nabang naka surround ang arms nya sa tummy ko.

Then hinalikan nya ang parte sa likod ng tenga ko, shocks!! Nakiliti ako, mas humigpit pa ang kanyang mga yakap sakin, habang patuloy na hinahalikan sa leeg at batok. Feel ko that time, ang sobrang security at protection na dulot ng mga yakap nya. I also feel safe and warm..

Me: You're my safety baby...

Pabulong ko sinabi sa kanya. Then she smiled while looking at each other at the mirror.

Ryne: Tara na sa labas, baka dito tayo kumulo eh.

Sabay kindat at ngumiti ng sobrang pilya. Nagtungo kami sa kusina kung san nag hahanda ng mga iluluto si Manang at si Tina. Naupo kami sa table kung saan nag hihiwa ng mga sangkap ang 2 kasambahay. Nagkwentuhan at nagtawanan sila, kamustahan at kwentuhan tungkol sa kabataan ni Boss. Mahilig pala itong tumambay sa kusina para manood kay Manang, at ngayon nalang ulit nakita ng matanda na ginawa ito ng senyorita nya.

Manang: Alam mo ba Mam Ashley, noong bata pa si senyorita ay mahilig syang makialam sa mga gawain ko sa kusina tulad ng pag hihiwa ng gulay, pero hindi naman nya magawa ng maayos at madalas ay nahihiwa pa sya ng kutsilyo.

Sabay tawanan sila pati si Boss ay tuwang tuwa din. Nang bigla nitong hinawakan ang kaliwa kong kamay na nasa ilalim ng table.

Ryne: Manang, wag mo naman akong ipahiya kay Ashley.. di na po ako baby, infact I already have a baby..

Natigilan sina Manang at Tina sa pag tawa ng marinig ang pilyang rebelasyon ni Boss. Tumingin sya sakin at ngumiti, then inangat nya ang magkahawak naming kamay sa table, nagulat ang 2 kasambahay ng makita ito.

Ryne: Manang, and Tina, Ashley is my girlfriend na, my very first sweetheart..and she's my source of joy.

Then inangat nya ang kamay ko at inidinikit sa kanyang labi. She kissed my left hand, kung san nandun ang binigay nyang singsing. Speechless kaming 3 na nakawitness, lalo ako. Napagmasdan ko pa kung paano nya ipinikit ang mga mata habang hinalikan ito ng sobrang sweet. Napaka gentle, gosh!! Nakaramdam ako ng kilig, mas masarap pa to kaysa sa kiss sa forehead, ramdam kong ako na yata ang pinaka maganda ay maswerteng babae sa mundo. I could feel so much respect. At that time ay nakalimutan ko na lahat ng nangyari sakin, including the rape.

Then..bigla nalang naiyak si Manang. Di na nya napigil, napaluha ito. Hala!! Bakit?

Ryne: Manang are you ok?

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon