Part 86

3K 90 1
                                    

Fire and Ice (Part 86)

Bigla syang natawa ng makita ang cute na pool ng lola ko, kasama ang mga batang pinsan at pamangkin kong cute na cute. Nasa malapit sa terrace ng bahay nila lola ang pool, kung saan nandun ang mga tita at tito ko at nag iihaw sila ng bbq at hotdog. ( Nasa CandyCrush ko to, kasi totoong may pool sa bahay ng lola ni author)

Pinakilala ko si baby sa mga tita at tito ko, pati na rin kay Lola kasi wala na si lolo ko. Tuwang tuwa sila dahil ang ganda daw ni baby boss. Pati si boss ay tuwang tuwa na makisalo sa kanila at kinuha nito ang binigay na bbq ng tito ko.

Ryne: Ang saya naman dito.

Abot tenga ang ngiti nito habang nasa gilid kami ng pool at kumain muna ng bbq.

Me: Yes baby, sobrang saya dito. Ganito kami pag weekend, family bonding, kaya kahit sa kabilang barangay pa nakatira ang iba kong tita, umuuwi sila dito para gawin namin to.

Ryne: Pag kasal na tayo...gusto ko every weekend tayong umuwi dito sa province.. Makikibonding na rin tayo sa kanila.

Me: Sure baby, ligo na tayo sa pool?

At nakijoin na kami sa pool kasama ang mga bata. Ang mga tito ko naman at mga pinsan na binata at dalaga ay nag iinuman sa malapit kina tita. Niyaya rin nila kami pero sabi namin ay mamaya na kami mag join.

Tuwang tuwa ang mga pinsan ko kay baby, parang artista daw. At tuwang tuwa rin si baby na makipag laro sa kanila, lalo na kay baby yuki, ang 1 year old kong pamangkin kasama ang pinsan ko na mommy nya.

Binubuhat nya si baby yuki, hinahalikan, halatang gigil na gigil sya at giliw na giliw sa baby kong pamangkin. Ako naman todo picture sa kanila, ang dami naming groupie kasama ang mga pinsan kong bata. Lahat sila ay niyayakap si baby, nagpapaturong lumangoy at kung ano ano pa.

Habang ako ay tunaw na tunaw sa nakikita kong saya ni baby na makasama ang buong family ko. Tuwang tuwa sya sa mga bata kahit makukulit ito.

Pinsan 1: Ate Ryne, ate Ash laro tayo ng harang-taya dito sa pool. Sali kayo.

Nasa 8years old lang ang mga to, kaya makukulit.

Ryne: Sure..so what's the mechanic of the game?

Natawa ako bigla, seryoso syang makikipag laro sa mga to? Ang notorious na leader ng grupo ng mga malulupit ay nakikipag laro ng harang-taya sa mga bata at musmos kong mga pinsan. Gosh...I really love her 😍😍. Ang cute nya talaga. Sobrang proud na proud ako na sya ang makakasama ko habang buhay, habang pinag mamasdan ko silang masayang nag lalaro.

Ryne: Ash..ang saya namin oh. Common join us..wag kang kj.

Kaya sumali na rin ako sa kanila. Grabe..sobrang saya ko ngayon.

Ilang saglit pa ay pina ahon na ng mga tita ko ang pinsan kong bata dahil hapon na. Kaya naiwan nalang kami ni baby sa pool. Dito na namin nilabas ang beer na baon namin at saka ininom.

Ryne: The best ang family mo baby.. I'm so glad I met them. Nakakatuwa sila. Ang perfect pala ng buhay nyo dito.

Me: Yes baby, kahit simple lang, sobrang saya ng pamumuhay namin. Marami kami sa family, mga tita, pinsan, at pamangkin. Kaya sobrang saya.

Ryne: Ako kasi, lumaki ako na halos mag isa. Si Kianne lang ang kalaro ko, puro kalokohan pa. At yung mga kasambahay lang namin sa bahay. Parents ko kasi, busy sa negosyo palagi.

Me: Yaan mo baby, ang family ko, ay family mo na rin..

Ryne: Thank you baby.. Nakakatuwa ng sobra.. at dahil sa nawitness ko, mas lalo pa kitang minahal.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon