Part 56

3.2K 104 6
                                    

Fire and Ice (Part 56)

"Hindi na tayo pwede. Pinuputol ko na dito kung ano ang meron satin. I'm sorry Ashley" -Ryne

Napayuko ako. Ang sakit. Pero kaagad kong inangat ang tingin ko sa kanya, sinabi ko sa sarili kong magiging matapang ako, kahit ano pang mangyare basta mabuhay lang sya, at kung ito ang kapalit, haharapin ko pero kaylangan kong malaman ang dahilan.

Me: Ano ang dahilan? Dahil ba natatakot kang madamay ako? Na iniisip mong hindi na ako safe sayo?

Ryne: No, factor yan pero.. Ayoko na. Ayoko nang makita kapa..

Nakakapanghina..at pinipilit kong magpakatatag pero gustong lumabas ng luha ko sa mata.

Me: Di ako naniniwala...

Tumulo na ng tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinipiglan..

Me: Baby... bakit???

Halos mapahagulgol na ako sa harap nya, gusto ko ng magandang dahilan, bakit kaylangan nyang gawin to.

Ryne: I'm sorry Ashley.. I need to be alone. Sabihin nalang natin na, narealized kong hindi pala kita mahal. Siguro dahil sa accident, baka natauhan ako at eto ang naramdaman ko. But I remember everything, I couldn't forget our memories together..it seems so real. Thank you, but I'm sorry.

Me: Sa limang araw na binantayan kita, na walang tigil sa pagdarasal na sana mabuhay ka at sinabi ko at ipinangako na mabuhay ka lang, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo, at ngayon ito pala ang gusto mo, ang mawala ako...

Nahihirapan akong magsalita dahil sa pag iyak pero pinilit ko pa ring ibigay lahat ng natitira kong lakas para harapin sya...

Me: Sige ibibigay ko ang gusto mo..kahit masakit..kasi nabuhay ka naman..pero may isa lang akong gustong hilingin sayo, please.. for the last time, payakap...

Isang pag tango lang ang isinagot nya sakin. Kaya nilapit ko ang aking sarili at saka sya niyakap. Marahan na yakap lang kasi alam kong may sugat sya. Tumulo ang mga luha ko sa damit na suot nya, dahil sa hindi mapigilang pag tulo ng mga luha ko. At saka ako umangat, at hinalikan ko sya sa forehead. Isang masakit na pag halik.

Me: Thank you sa lahat... mahal na mahal pa rin kita..

Saka ako tumaliko, lumabas ng pinto at sinalubong agad ako ni Bry. Wala akong nagawa kundi ang yumakap sa kanya. Yumakap ng sobrang higpit. Si Kianne ay lumapit na rin at hinimas ang likod ko, tila kinocomfort nila ako pareho.

Umuwi na ako ng gabi na yun, sinamahan ako ni Bry kahit sinasabi kong kaya ko nang mag isa. Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari, baka natulala nalang ako ng ilang araw pa, at nagmukmok sa kwarto. Paminsan minsan dumadalaw si Kianne at Bry pero wala na akong matandaan sa mga nangyari. Marahil ay sa sobrang tindi ng sakit sa mga nangyari, nawala na ako sa sarili, or baka iyak nalang ako ng iyak maghapon at magdamag, di ko inakala na dun na pala magtatapos ang lahat.

Hanggang isang umaga, naisip ko nalang na kaylangan kong magpakatatag para sa sarili ko at pamilya ko. Isang linggo na pala ang nakakaraan, hindi ko na sigurado kung may trabaho paba akong babalikan. Hindi ko na rin alam kung nakalabas naba sya sa hospital, nasan na sya? Magaling naba sya? Muli akong nagpahid ng luha.

May kumatok sa pinto, si Kianne pala, dumalaw na naman sya. Pero this time pipilitin ko nang ayusin ang sarili ko.

Kianne: Ash, kamusta kana. Umiiyak kana naman?

Me: Handa na akong ayusin ang sarili ko, salamat pala sa inyo ni Bry at pasensya na kung ganito ako. Pero handa na kong magsimula ulit. Back to zero.

Kianne: Yan, ganyan nga. Pero ok lang yan Ashley, normal yan, nasaktan ka eh.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon