Part 6

7.9K 182 50
                                    

Fire and Ice (Part 6)

Naiwan na naman akong mag isa sa kwarto, luhaan at talunan. Nag iisip ako kung kikilos ba ako para mag shower ulit dahil mukang yun naman ang inaasahan nilang gagawin ko. Pero hindi ako makakilos ng maayos, masakit at nanghihina ang buo kong katawan. Kasabay pa ng walang tigil na pag labas ng aking mga luha.

Pinilit kong bumangon pero nahirapan ako. Masakit ang tyan ko, pati yata mga ribs ko tinamaan sa ginawa nilang pag suntok kanina.Kaya sumandal muna ako sa headboard ng bed, nakablanket pa rin dahil wala akong saplot sa katawan. Napatitig nalang ako sa ceiling ng kwarto, dinama ng mga palad ko ang leeg ko, mainit ang temperatura ng katawan ko. Pati sa noo ko mainit din. Tinignan ko ang mga braso ko, nakikita ko na ang pag labas ng mga pasa.

"Isa nalang" bulong ko sa sarili ko. Pero may kaba akong nararamdaman dahil ang isa na yun ay si Kianne, ang unang nagpa tikim ng pagiging bayolente nya sa akin. Sya rin ang unang lumapit nang makita akong nakahubad kanina sa labas.

Bumukas ang pinto, at si Kianne nga ang pumasok katulad sa inaasahan ko. Sh*t! Hindi pa ako nakakapag shower, hindi ko namalayan na ang tagal kong nag pahinga kanina. Hindi manlang ako nakapag bihis.

Nang makapasok sya ay bigla akong bumangon kahit halatang nahihirapan dahil sa sakit ng katawan. Yakap ko ang blanket na nagsisilbing takip ng kahubaran ko.

Kianne: Anong gagawin mo?

Me: Hindi pa po ako nakakapag shower.

Kianne: Gusto mo samahan na kitang mag shower?

Me: Hindi, wag na po..

Pinilit kong bilisan ang kilos, kaso dahil nakahubad ako, dinala ko na rin ang isang manipis na blanket or bed bedsheet at pinalibot ito sa katawan ko. Dali dali akong lumakad patungo sa CR. Hindi ako makalakad ng maayos dahil masakit ang mga legs ko pero pinilit ko pa ring bilisan dahil natatakot ako kay Kianne. Alam kong iba rin tumakbo ang isip nya.

"Sana lang walang sakitan na maganap" Bulong kong muli sa sarili ko pag pasok sa CR.

Mukang nilalagnat na ang pakiramdam ko sa sarili ko, kahit may heater ay para akong nilalamig sa tubig. Pinilit ko pa rin mag shower kahit nahihirapan ako.

Lumabas ako agad pagkatapos magshower ng mabilisan. Nakapalibot pa rin ang blanket na dinala ko kanina bilang pantakip sa katawan ko. Nararamdaman ko na nilalamig ang katawan ko pero hindi ko ito pinansin. Gusto ko lang matapos na ang dapat matapos sa gabi na yun.

Naabutan ko si Kianne na nakahiga sa bed. Nakaunan ang mga braso nya sa ulo nya na tila ba hinihintay talaga ang pag labas ko. Sya ang pinaka brusko kumilos sa kanilang lima. Mahahalata mong Bi sya talaga, siga din sya kung maglakad, matigas kumilos, at astig kung manamit. Naka pants sya at polo. Sa totoo lang, magaganda silang lima. Si Kianne ay matangkad, medyo singkit sya na mas nagpa astig lalo sa itsura nya.

Marahan nyang pinalo ng kamay nya ang bakanteng side ng bed sa tabi nya, senyas yon na dun ako pumwesto sa tabi nya. Sumunod ako at umupo, inayos ang nakabalot na blanket sakin at tuluyang humiga sa bed katabi nya.

Natatakot ako sa twing malalapit kay Kianne, parang sa kanya ako mas nakaramdam ng takot sa kanilang lima. Siguro kasi, bigla nalang nya akong sinaktan kanina kahit wala naman akong ginawang mali sa kanya.

Kumilos sya at tinanggal ang mga kamay ko na nakayakap sa tyan ko. At bigla nya itong sinuntok ng malakas.

Namilipit ako sa sobrang sakit, pati mga tuhod ko ay nag bend. Wala akong nagawa kundi maiyak nalang ulit. Para akong masusuka sa ginawa nya.

"Bakit po? " Umiiyak kong nasabi after nyang ginawa yun. Hindi ko na siguro napigilan ang sarili kong magtanong, bakit nga ba kaylangan pa nya akong saktan kung susunod naman ako sa lahat ng sasabihin nya.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon