Part 51

3.8K 110 4
                                    

Fire and Ice (Part 51)

"Good morning baby.... I love you... gising na..."

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata sa napakasweet na pag bati ng baby boss ko.

"Good morning baby..bakit..ang aga...ay gosh!! Monday na nga pala.. may hang over pa ko sa celebration natin nung weekend."

Isang smile ang isinagot nya sakin, isang napaka sweet na smile. Then hinawakan nya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa tummy ko, saka nya ito hinalikan.

Me: Punta na ko sa baba para makapag prepare na, baka malate tayo.

Ryne: Wag muna, magluluto ako ng breakfast, kahit pancake at egg lang.

Me: Wow ah, bakit extra sweet ang baby ko.. at ikaw magluluto?

Ryne: Everything for you baby.. Relax ka muna dyan. And, dalin mo pala yun kotse mo, kasi may meeting ako mamaya so hindi tayo sabay uuwi.

Usually kasi, iisang sasakyan lang ang ginagamit namin pag pasok sa office, sabay na rin kaming uuwi, except pag may schedule syang iba, pinag dadala nya ako ng car.

Me: Babe...nag luluto ka ba talaga? Diba paorder order ka lang ng set meals mo?

Nagtataka kong pagpuna habang pinapanood syang gumawa sa kusina.

Ryne: Ofcourse, marunong naman akong magluto ng simpleng food, like this, and bacon, and hotdog..

Then she smiled ng sobrang cute.. Ang swerte ko talaga, di ko akalain na aabot kami sa ganitong punto, na mamahalin namin ang isat isa. Naalala ko tuloy nung first time ko syang makita sa coffee shop. Isang sopistikadang babae na napaka ganda pero napaka sama ng ugali at ubod ng yabang...

Ryne: Oh? Bakit napapangiti ka at natutulala, anong iniisip mo?

Habang nilalapag nya sa table ang food na niluto nya.

Me: Naalala ko lang nung 1st time kitang makita sa coffee shop. Sadyang mapag laro ang tadhana, aabot pala tayo sa ganito. Nakakatuwa lang..

Ryne: Baka naman nainlove kana sakin agad nung unang kita mo palang..

Me: Pano ako maiinlove sayo nun, napaka taray mo, ang yabang mo pa, sinungitan mo ko kahit ako naman talaga ang nauna sa table na yon.

Bigla syang natawa habang kumakain ng pancake. Malamang ay dahil naalala din nya ang lahat ng nangyari that time.

Ryne: Ganun ako eh, napaka monster ko talaga dati. Sorry na.. Pero aminin mo, nainlove ka kahit ganito ko..

Sabay kindat at todo smile na kita ang ngipin, sobrang ganda nya talaga, di nya alam nakaka turn on ang mga simpleng galaw at simpleng ngiti nya. Nakakagaan ng pakiramdam.

Me: Nainlove ako sayo dahil ganyan ka.. Lahat naman minahal ko sayo, kahit yung dark side mo.

Ryne: Sya nga pala, itago mo to...

Tumayo sya at tumungo sa room nya at may kinuhang envelope. Binigay nya ito sakin.

Me: Ano to?

Pag open ko, papers, title, at registration ng condo sa baba pati yung car na blue na ginagamit ko. Lahat naka transfer na sa pangalan ko.

Me: Teka...alam mo sapat ng ipagamit mo sakin yun pero bakit parang binibigay mo na sakin totally?

Ryne: Dapat nga dati ko pa iniwan sayo ang papers na yan, nung time na hindi pa tayo. Kaso ayoko kasi, alam kong isosoli mo lang. Hanggang sa nakalimutan kong nasakin pa pala yan. Just keep it..

Me: Ayoko... You know it's too much. Gagamitin ko nalang ang mga to physically, that's more than enough. Pero di mo naman ako kaylangan bigyan ng mga ganyan. Saka ang gusto ko, magkaroon man ako ng sarili kong bahay or lupa at sasakyan, yun ay dahil pinagsikapan ko.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon