Part 71

3.3K 104 1
                                    

Fire and Ice (Part 71)

"ASH MARRY ME"

Sabi sa fireworks. Gosh!! Kapangalan ko pa talaga.

Me: Baby!! Nakita mo yun?

Pero paglingon ko sa kanya, nakatingin lahat sila sakin, pati si baby boss tila ineexpect na nila ang magiging reaction ko. Hanggang tumapat sakin ang isang spot light na nanggagaling sa taas. Sa pwesto mismo namin ni baby boss.

Kaya mas humiwalay paikot samin ang mga tao, at nakapalibot pa rin samin ang 6 na kasama namin.

Ryne: I want this to be the best night of our lives..

Saka nya inilabas ang isang box, inopen nya ito at may laman na diamond ring. Then iniluhod nya ang isang tuhod nya. OMG!!!

Me: Wait!! Tumayo ka dyan please, baby!!!

Ryne: Ashley Gracia, will you marry me?

Oh my goodness!!! Di ko na nakita ang mga nasa paligid ko. Pero kahit shocked ay bigla nalang akong naiyak. Totoo ba to?

Me: Yes..Yes baby, Yes I will..

Hinila ko sya para tumayo at saka yumakap. At wala na akong ibang narinig kundi ang palakpakan ng mga tao pati na rin ang hiyawan ng 6 na kasama namin. Habang magkayakap pa rin kami sa gitna ng spotlight at hindi ko mapigil na hindi maiyak.

Then bumitiw sya sa pagkakayakap nya sakin, at hinawakan ang kaliwang kamay ko, saka nya isinuot dito ang singsing, katabi ng unang ring na binigay nya nung maging kami.

Ryne: I love you baby!!! You're soon to be, my wife!!

Me: I love you so much!!

Grabe din yung ngiti nya sa mata..sweetest smile na nakita ko, yung ngiting malapit nang maiyak sa sobrang tuwa.

Nag kiss kami sa lips. Isang kiss na mabilis, mga 3 seconds lang.

Hanggang sa lumapit na samin yung 6, nangunguna si Trish and Cheska!! Grabe mas malakas yata ang pag iyak nung 2 kesa sakin. Halos kuhanin na nila ako ng literal sa pagkakayapos ni boss. Kaming 3 magkakayakap, at silang 5 naman ang nag group hug.

Trish: Ash? Sigurado ka naba dyan??

Habang yumakap ito at naiiyak. Pinawi ko ang mga luha nya sa mata.

Me: Yes Trish!! Mahal na mahal ko sya.

Saka ko sya hinalikan sa pisngi at muling niyakap.

Then lumapit sakin si Bry.

Bry: Congratulations Ashley.. Masaya ko para sayo, promise!!

Saka nya ako niyakap, ako rin niyakap ko sya. Mas naiiyak tuloy ako, parang nagpapaalam na sila sakin.

Then si Kianne. Lumapit ng nakangiti, pero may lungkot pa rin.

Kianne: Yung pangako mo sakin ha, you will always be my baby Ash.. Kahit maging Dela Vega kana rin, baby pa rin kita ha?

Habang niyakap ako ng sobrang higpit ni Kianne na halos buhatin na nya ako na parang nanggigigil.

Me: Yes Kianne, promise ko yan sayo.

Kianne: I love you Ash..

Me: I love you too.. Magiging pinsan na rin ba kita?

Isang ngiti at pagtango lang ang isinagot nito sakin, ngiting may lungkot pa rin. At saka nya ako inakbayan, patungo kay baby boss na kausap nina Louise and Shayne.

Kianne: Ryne..eto na yung fiance mo. I'm happy for you guys, congratulations.

Sabay akbay sakin ni baby boss mula sa pagkakaakbay ni Kianne.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon