Part 46

4.2K 124 7
                                    

Fire and Ice (Part 46)

**ASH's POV**

Muli akong nag tungo papasok sa kinaroroonan nila Boss, after umalis ni Bry. Nanghihina ako, nawawalan ako ng lakas. Ang sakit!!! Biglang bumalik sa alaala ko lahat ng ginawa nyang pag aalaga sakin lalo noong una, pag dala nya sakin sa hospital, pag bantay ng magdamag, pag sama sakin sa apartment, pag dalaw sakin, hanggang di ako ok, at hindi ako ngumingti, hindi sya umalis sa tabi ko. At ang taong yon, ay walang iba kundi ang taong nasaktan ko.

"Baby? You look blank, what happened? And where is Sabryna?"

Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala sila sa sobrang blanko ng isip ko. Nakaupo sila sa sofa, umiinom ng wine, muka silang masaya. Sinalubong ako ng open arms ni Boss, tumabi ako sa vacant space na nakagitna sa kanila ni Kianne. Derecho at payakap na humilig sa kanya. Mahigpit rin ang naging pag akbay nito sakin kaya mas napayakap ako sa tummy nya.

Louise: Oh...ang sweet shhhettt!!!!

Kianne: Louise ah, baka sa halip 3 of 5 maging 4 of 5 na, masyado kang kinikilig.

Di ko na pinansin, or naawkwardan sa pagkakayakap ko kay Boss kahit nakatingin ang mga barkada nya. Nasasaktan pa rin ako para kay Bry.

Ryne: Umuwi sya?

Tumango lang ako. Mas humigpit ang pagyakap nya sakin. Ang ulo ko ay nakasupport sa balikat nya, literal na magkayakap kami habang nakaupo sa sofa. Mahigpit rin ang pag yapos nya sa katawan ko na tila ayaw nyang humiwalay.

Kianne: Ano ang nangyari kay Bry?

Shayne: Umuwi na sya?

Louise: Teka lang ah, anong nangyari bakit..

Tina: Senyorita ready na po ang dinner, tara na po sa dining table para makakain na kayo.

Naputol ang usapan ng biglang pumasok so Tina at nagyaya na sa hapag kainan. At habang kumakain ay si Kianne ang nag explain ng lahat ng nangyari. Tungkol sa panliligaw nya, at sa pagkakaroon ng feelings ni Bry. Ako naman ay walang imik, halos di nga ako makakain ng maayos, nahihiya lang ako kay manang dahil nag luto ito para sa aming lahat.

At matapos ang masarap na hapunan at nag balik ang lahat sa pwesto namin sa sofa, para doon ituloy ang kwentuhan.

Ryne: Hard drinks or wine nalang?

Kianne: Hard!!

Shayne: Sige hard, mukang maraming nangyari at dapat nyong ikwento samin ni Louise

Louise: Yeah!! Pero Shayne, tayong 2 nalang pala ang hindi nahuhulog kay Ash. Matakot ka ah, baka after this night, makuha nya na rin tayo!!

Biruan nilang mag tropa, pero ako nalulungkot pa rin. Kinuha ni boss ang right hand ko at magkahawak kamay na inilagay sa lap nya. Napatingin ako sa kanya, at muling ihinilig ang balikat ko sa ulo ko sa balikat nya.

Ryne: Are you ok baby?

Me: Yes.. medyo nabigla lang ako sa paguwi ni Bry, nakakaguilty...

Ryne: You love Bry too right?

Napabangon ako sa pagkakahilig, at napatingin sa kanya na tila nag tatanong. Nagseselos ba sya?

Me: Ofcourse not! Iisa lang ang puso ko at isa lang din ang laman nito, and you know very well kung sino yon.

Ryne: I know baby, you don't have to explain. What I mean is, you love Bry as your closest friend in this circle. Di kita masisisi, sobra ka nyang inalagaan. Akala ko nga noong una, mas pipiliin mo sya kesa sakin.

Then she smiled, hinawakan nya ang batok ko, she kissed my forehead, the kissed my lips. Mabilis na smock lang.

Shayne: Gosh!! Bakit nakakakilig kayo? Nakakamiss tuloy magkajowa. Tayo nalang kaya Louise?

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon