Part 54

3.2K 109 27
                                    

Fire and Ice (Part 54)

Baby Ash,

Baby I'm sorry. Don't be sad, and please don't cry. Isa ito sa dahilan kung bakit ayokong magmahal, kasi it feels like I dont have the right to. Ayoko ring makasakit, I know what it feels to be left behind. Masakit pag iniwan ng taong mahal mo. Mahal na kita, dati pa. Pinigilan ko ang sarili ko kasi natatakot akong dumating ang puntong ito na baka iwan lang kita at masaktan ka. But you made me feel so happy, so inlove, so alive and that I should treasure every moment that I am with you. Kaya hindi ko na pinigilan, I gave in to love. At sa maiksing panahon na pinagsaluhan natin na puno ng pagmamahal, you proved to me that love is something worth trying, so thank you.

Because of you, I feel like a human, na may karapatang maging masaya, malungkot, at masaktan. Dati para lang akong robot, at paulit ulit lang ang lahat. You bring colors to my life. Napasaya mo ko ng husto, at salamat dahil bago manlang ako mawala sa mundo, naranasan ko ang mahalin, at magmahal.

Sorry kung hanggang dito nalang ang lahat, kung hindi ko na matutupad ang pangako kong protektahan ka at ibigay sayo ang lahat, pagsilbihan ka at mahalin habang buhay. I swear I wanted to, kaso eto na siguro ang itinadhana para sa ating dalawa.

I want you to love again, wag mong isasara ang puso mo pag nawala na ako. I will always stay in your heart, but I want you to be happy. In this crying times, hindi ka iiwan ni Bry, siguradong hindi ka nya bibitiwan. And Kianne will be your protector now. Wag kang mag worry, mabait si Kianne. Both of them loves you and I will be very happy kung isa sa kanila ang susunod mong mamahalin.

Baby I'm sorry kung hanggang dito nalang. I'm sorry kung lagi akong nag cause ng pain sayo, mula pa nung unang araw na nagkakilala tayo, hanggang sa huli. I'm really really sorry.

Isa lang ang gusto kong hilingin sayo, sana maging masaya ka. At sana wag kang magbabago, ikaw ang pinaka sweet, thoughtful at caring na baby ko. And I'm so proud of you.

Mahal na mahal na mahal kita. Kung pwede lang na hindi na magtapos sa ganito, kaso wala akong control sa tadhana.

I love you baby, more than my life. You will stay in my heart kahit nasan man ako ngayon. You are my only sweetheart.

Ryne

Tiniklop ko ang letter, sabay pagpikit ng mga mata kong patuloy na naman sa pag luha. Ang sakit, ang sakit sakit sobra. Niyakap ko ang mga sulat na hawak ko. Napahagulgol ako sa pag iyak. Di ito pwede, ayoko... kahit iisang babae ang minahal namin, ok lang sakin, kahit hindi na kami magkachance ni Ash basta mabuhay lang si Ryne.

"AAAAAAHHHHHHHHH!!!!! T*NG INNN*NNNNAAAAAAAAAA!!!!!!! Di ka pwedeng mawala Ryne, hindi pwede!!!"

Hindi ko na nakaya, at napasigaw na ako habang nasa office. Literal na napasigaw, di ko na kaya ang sakit. Nagwala na rin ako, at lahat ng papers na binigay ni Atty. ay hinawi ko kasama lahat ng nakapatong sa table ko, lahat hinawi ko. Pati upuan at table, tinulak ko.

Iyak ako ng iyak hanggang matagpuan ko ang sarili kong nakaupo nalang sa sahig at panay hikbi.

***ASH's POV***

"Good morning baby...I love you, gising na!!

Isang umaga na naman na sinusubukan ko syang gisingin. Pang 3 umaga na to, pero wala pa ring nangyayari. Never ako umalis sa tabi nya, dito lang ako kahit halos di na ako kumakain, basta di ako aalis hanggat di sya nagigising.

Kahapon, binasa ko ang letter nya, habang nasa chapel kami ni Bry. Hindi ko naiwasang mag wala, tila nawala ako sa sarili ko. Buti nalang dumating din si Kianne bukod kay Bry, pinilit nila akong pakalmahin. Ang sakit kasi.

"Baby...di ako susuko sayo, kaya sana wag ka ring sumuko sa sarili mo. Sabi sakin ni Kianne hindi daw nya ihahandle ang corporation, so kaylangan mong gumising dahil kaylangan kapa ng company. Kaylangan din kita..."

Napadukdok na naman ako sa handle ng bed at patuloy sa pag iyak.

Kinuha ko ang kamay nya, at inilapit sa mukha ko para halikan.

"Baby, gagawin ko lahat ng gusto mo...ibibigay ko lahat sabihin mo lang...basta mabuhay ka lang.."

Nasa biglang pumasok si Kianne sa room.

Kianne: Ash...

Lumapit ito sakin at bahagyang yumakap at humalik sa ulo ko.

Kianne: Ryne.. Gising kana please. Di pa ako ready...gusto mo ako mag handle ng company? FYI di ko pa kaya, kaya gumising kana please. Kaylangan ka namin, kaylangan ka ni Ash. Kawawa sya oh, never pa sya umalis sa tabi mo. At saka, malakas ka, at matalino...lumaban ka please...

Naiiyak na rin si Kianne at pati ako, walang katapusang pag luha.

Kianne: Wag kang mag alala, umaandar na ang pag tugis sa mga gumawa sayo nito. Couz, kung gusto mo tayo ang umubos sa kanila.. Please..gumising kana...sige na..

Ganito ang naging buhay namin sa mga nakalipas na araw. Laging malungkot, balisa, naghihintay sa muling pag gising nya. At kahit pinipilit nila akong isama pauwi, hindi ako umalis sa hospital. Tulad ng sabi ko, hanggat di sya nagigising, hindi ako aalis.

Dumating din sa point na gusto na ng mama ni Kianne na mag dala ng pari para dasalan si Boss. Pero ayoko, at ayaw naming lahat. Kasi hindi sya patay at hindi sya mamamatay.

Dumating ang ikalimang araw. Pinaka madilim at malungkot na araw.. tuluyan na syang bumigay, hindi na nya kinaya...bumitiw na sya....

Tila nawalan na ako ng bait, tulala, hindi na gumagana nag senses ko. Natatandaan ko nalang, pinipilit syang isalba ng mga doctor, habang nag wawala ako at yakap yakap ni Bry at Kianne, hangang sa takpan na sya ng puting kumot, hanggang sa nakita ko nalang na nasa loob na sya ng isang casket, hanggang sa naghulog ako ng huling white rose sa hukay ng libingan nya, hanggang sa haplosin ko ang lapida nya, "Prince Ryne V. Dela Vega 1992-2019, RIP". Hindi ako umaalis sa tabi ng lapida nya, hanggang sa huli ay umaasa akong babangon sya kahit kinakausap ng ako ng mga kaibigan nya. Pag lingon ko ay wala na silang lahat, ako nalang mag isa, nakaupo sa mga damo, katabi ng huling hantungan nya. Nasisiraan na nga talaga ako ng bait, nakita ko sya sa tabi ng isang puno. Nakasuot ng puti, nakangiti sya sakin. Mukha syang masaya, at tinatawag nya ang pangalan ko.

"Ashley"

Tumayo ako para sundan sya..dahil patuloy sya sa pag tawag sa pangalan ko.

"Ash.."

Hanggang sa tuluyan na syang naglaho sa kawalan.....

"Ashley....gising na!"

Saka ko minulat ang mga mata ko, isang masamang panaginip lang pala. Nakatulog ako na naka hilig sa bed ni Boss. Si Bry naman ay ginigising pala ako. Anong oras naba?

"Nananaginip ka Ash..."

Wika nito. Pagtingin ko sa oras, alas dose na ng tanghali.

Bry: Kaylangan mong kumain, baka magkasakit kana nyan. Sige na kahit konti lang..

Aalis na sana ako para sumunod kay Bry...ng maisip kong hawakan muli ang kamay ni boss. At biglang gumalaw ang isang daliri nito. Natigilan ako. Biglang kinabahan ng husto..

Me: Teka lang Ma'am Bry, parang gumalaw ang..

Pag tingin ko sa mukha ni boss, unti unti nitong minulat ang kanyang mga mata..

To be continued..

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon