Part 57

3.5K 99 4
                                    

Fire and Ice (Part 57)

***Kianne's POV***

Bumalik kami ni Ash para samahan ko syang kumuha ng damit. At habang nag eempake sya, ay naisip kong bisitahin ang condo ni Ryne sa taas, para narin sa bilin nyang kuhanin ko ang necklace na bigay ni Ash. And to my surprise, naka open ang pinto. Pag pasok ko, ang gulo gulo ang mga gamit, sobrang gulo. Tila pinasok ang condo na to. Kinabahan ako, dahil baka nasa loob pa ang mga salarin. Kinuha ko ang baril na nakasabit sa pants ko sa likod, dahil simula ng may mangyare kay Ryne, hindi ko na iniiwan ang baril ko. Chineck ko ang paligid, pero walang tao. Di ko sigurado kung may nawala.

Hanggang sa maalala ko ang bilin sakin ni Ryne, na kuhanin ko sa room nya ang necklace, yung may naka engrave na "Prince Ryne: Property of Ash". Kaya dali dali akong nag hanap sa lugar na sinabi nyang pinag lagyan nya.

"F*ck!! Nawawala yung necklace. Posible kayang nakuha ito ng mga nanloob sa condo, at posibleng sila rin ang nagtangka sa buhay ng pinsan ko"

Bulong ko sa sarili ko habang napasipa ako sa isang upuan sa sobrang inis ko.

"Sh*t!!! Si Ashley, mag isa sa baba"

Halos tumalon na akong bumaba sa hagdan patungo sa kwarto ni Ash.

"Ashley!!!!... Ash nasan ka???!!!

Nakatutok ang baril ko sa at ready akong iputok ito kung may masamang nangyari or kung may mga tao sa condo na to. Kinabahan ako ng hindi ko makita si Ash, tinungo ko ang CR, bahagyang nakaopen ang pinto, pasipa ko itong binuksan.

Ash: "F*ck!! Nagbibihis ako Kianne!! At bakit hawak mo yan??!! Tinatakot mo ba ko??

Nabigla kami pareho, at naitutok ko sa kanya ang hawak kong baril, kinabahan kasi ako, akala ko may masama nang nangyari. Hawak nya ang tshirt nya naka takip sa katawan, naka bra lang sya ng maabutan ko, nagbibihis pala sya..

Me: Sorry Ash... Sorry kala ko kung ano na nangyari eh.

Hinihingal akong nag explain.

Ash: Ok ka lang?

At nagdamit na sya sa harap ko habang hawak ko pa rin ang baril pero binaba ko na ang kamay ko. Pinawisan ako dun, kinabahan ako ng husto.

Me: Hurry up Ash, kahit yung mga importanteng gamit nalang ang kuhanin mo, kaylangan na nating umalis dito. Mamaya ako mag eexplain. Bilis na.

Hanggang sa nilisan na namin ang lugar at tumungo sa parking.

Ash: Teka lang Kianne.

Inopen nya ang blue car. Kinuha nya ang baril na binigay sa kanya ni Ryne.

Ash: Ok lang siguro kung hindi ko na to isosoli sa pinsan mo. Tara na, ikaw na ang mag hawak ng susi ng condo at car, at mag soli sa kanya.

At habang nag didrive ay tinawagan ko si Dad, nireport ko ang nasaksihan ko sa condo ni Ryne. Sinabi naman nito na sya na mismo ang pupunta at tututok sa imbestigasyon dahil nakakabahala na ang nangyari.

Me: Matalino din si Ryne, kaya ka siguro nya binilhan ng separate na condo sa baba, kasi posibleng mangyari to. Nilooban ang Condo nya sa taas, baka kanina lang yun nung umalis tayo. Baka akala ng mga yun, dun umuwi si Ryne galing sa ospital. Kung dun ka nya pinatira sa kasama nya sa taas, malamang napahamak kana Ashley.

At ng makarating na kami sa condo ko, pinag ayos ko na si Ash ng mga gamit nya. Konti lang ang nakuha nyang damit dahil minadali ko ito sa sobrang takot na masundan kami ng mga taong yon.

At dali dali kong tinawagan si Ryne.

Me: Ryne, kamusta ang pakiramdam mo?

Ryne: Mas maayos na, nagpapalakas na at excited na kong pulbusin sila. Anong balita? Nakalipat naba sayo si Ash?

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon