Part 17

5.8K 162 6
                                    

Fire and Ice (Part 17)

Dumating ang hapon, pinilit kong maging productive ang araw na to. Nireview ko ang mga binigay nyang papers pero nahirapan akong intindihin, masyadong komplikado. Chinecheck ko rin paminsan minsan ang inaayos na room sa baba, nakikita ko na mukang magiging maganda ang gagawin nilang pag aayos dito, tingin ko nga baka bukas lang furnished na to. Ito lang ang ginawa ko buong araw.

Pagkatapos kong maligo sa room na pinahiram nya sakin, sa CR na paulit ulit kong pinag liguan nun Friday lang, ngayon nandito ulit ako. Medyo traumatic lang makita lalo ang bed. Although nalinis na ang lugar, at parang walang nangyari nung nakaraang araw lang.

Tumunog ang doorbell, siguro si Mam Ryne na ito.

"Hi Mam, delivery for Ms. Ashley Garcia" Sabi ng delivery boy.

Mukang food ang laman ng delivery na to, tulad ng delivery kaninang tanghali na nareceive ko. Food for two, hindi sya basta food. Mukang may sariling chef si Mam Ryne. 6pm palang that time, inisip ko kung hihintayin ko ba syang umuwi or mauuna na akong mag dinner para hindi na awkward mamaya.

7pm wala pa rin sya, nauna na akong kumain at uminom ng huling gamot na binigay ng doctor nun Saturday.

8pm na sya halos dumating. Mukha syang pagod dahil parang ang tamlay ng kilos nya pero hindi nabawasan ang ganda nya. Matapos nyang kumain at magbihis, habang nasa sofa ako kaharap ang mga papers na binigay nya, tumabi sya sa akin at umupo rin sa sofa. As usual, may alak na naman syang dala. Mukang, hindi nga sya nakakatulog ng walang iniinom na alak.

Diniscuss ko sa kanya ang nangyari sa araw na yon lalo yun sa room sa baba. Gusto nya itong icheck kaya bumama kame para tignan.

Ryne: Mukang matatapos naman to agad.

Me: Yes Ma'am, mga Thursday or Friday daw, kayang tapusin.

Ryne: Just make sure!

Me: Yes Ma'am.

Pag akyat, hindi ko alam kung san ako tatambay sa lugar. Ang awkward talaga. Kaya pumasok nalang ako sa kwarto at sya naman naiwan sa sofa, naka open ang laptop, mukang workaholic naman pala tong si Mam Ryne. Akala ko, puro kalokohan lang ang alam nya.

Pero di rin nag tagal, sumunod sya sa kwarto ko. Hindi ko talaga nilock ang pinto dahil feeling ko wala akong right para gawin yun, nahihiya nga ako na dito ako nag sstay.

Pagpasok nya, bitbit nya ang draft ng contract kay Architect Gonzales na pinapapirma ko sana sa kanya bago nya irelease ang cheque na bayad kay Archi.

Ryne: Ash, na check mo naba to?

Me: Yes Ma'am

Ryne: Are you sure?

Me: Yes Ma'am, pati computation and unit description, tugma naman sa listings ng nadeliver kanina.

Lumapit sya at umupo sa bed ko, habang ako paupong nakasandal sa headboard.

Ryne: Then why do I have to sign this?

Me: Para... ah, para pag tapos na sila pwede nang irelease ang payment kina archi.

Ryne: Name mo ang nakalagay dito, hindi naman ako. Then why do I have to sign? Kala ko ba nacheck mo na.

Kinuha ko ang draft. Ay F*ck! Namali si Archi, name ko ang nakalagay sa signatory instead na si Mam Ryne. Bakit hindi ko to napansin, inikot ikot ko naman ang documents para hindi ako mapahiya, sa last page pala may mali.

Me: Sorry Ma'am, hindi ko napansin, mag papagawa nalang ako ng revise kay Archi, para mapirmahan mo bukas.

Ryne: No, pirmahan mo nalang yan. Same lang naman.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon