Part 62

3K 99 1
                                    

Fire and Ice (Part 62)

****RYNE'S POV***

"Kianne, hindi pa ako ready, isang kamay ko lang ang naigagalaw ko.. please be my left hand and please, prioritize Ashley's safety. If you have to choose between me and Ash, choose her"

Habang mabilis na nag da-drive ang pinsang kong si Kianne patungo sa kinaroroonan ni Ash, sinabi ko to dahil nalulungkot ako, hindi ko pa maigalaw ang kaliwang kamay ko, hindi pa ako ready dahil masakit pa ang sugat ko dulot ng tama ng baril. But I'm willing to do everthing for Ashley..I want her to be safe..

Kianne: Don't worry Ryne, I got your back. Para sa babaeng pareho nating mahal, gagawin ko ang lahat. Kahit nga ako lang, kaya ko ng ubusin sila.

Mas handa si Kianne sa kung ano man ang kahihinatnan ng pag sugod namin sa lungga ng mga dumukot kay Ash. Nakasuot sya night vision glass, may radio di kami kung san ay pwede kaming mag usap sakaling magkahiwalay. Mas malakas din ang dala nyang baril at mas mabigat. Kung malakas lang sana ako, kahit ako lang mag isa, kaso hindi..hindi pa ko nakakarecover physically, hindi pa talaga ako handa.

Me: Nakakaasar!!! Pasasabugin ko ang mga ulo ng mga hayop na yan.!!

Kianne: Relax.. wag pabigla bigla. Kuhanin mo ang isa pang night vision glass dyan, para sayo yan.

Ang plano namin ay si Kianne ang hahanap ng pwedeng pwestuhan, kung saan makikita nya ang lahat, mabibilang nya kung ilan ang mga salarin, at kung maaari ko nabang pasukin ang lugar. Sya ang masisilbing mga mata ko, at since sniper sya, babantayan rin nya ang pag pasok na gagawin ko. Hindi sya magdadalawang isip tirahin ang kalaban pag nasa tamang oras na.

Pagdating sa area, sa malayo kami nag park. Isang madilim at madamong lugar ang kinaroroonan ng isang lumang building. Nauna si Kianne na lumapit sa lugar at humanap ng pwesto, mas mataas na lugar tulad ng sa bintana kung saan kita ang lahat, mas maganda.

***KIANNE'S POV****

"Ryne wag ka munang kikilos, until I sad clear!!"

Nauna akong makalapit sa lugar para obserbahan. May 2 lalaking nag babantay sa gawing likod, at 2 sa harap. Nag simula akong mag handa sa likod, para tirahin ang 2, gamit ang baril na may silencer, inasinta ko at pinatamaan sa ulo, para patay agad. Matapos bumagsak ang isa ay kagaad kong isinunod ang isa bago pa ito makapag ingay. Bagsak ang 2 bantay sa likod.

"Ryne, 2 down dito sa likod. May 2 nagbabantay sa harap. Papunta na ako sa pwesto sa likod. Aakyat ako sa isang bintana, pwede ako dun mag settle, then wait for my instruction"

Gamit ang isang device na nakakakabit sa tenga namin ni Ryne, ay nagagawa naming mag usap habang isinasagawa ang napaka delikadong bagay na to.

Inayos ko ang 2 bangkay at iniupo, tinakpan ng cap ang kanilang mukha para magmukang natutulog lang ang mga ito.

"Ryne ok na ko dito, nakaakyat na ko. 8 ang tao dito sa loob, yun isa sugatan, sya siguro ang nabaril ni Ash sa balikat. Plus 2 sa mismong entrance sa harap. Hindi visible si Ashley pero may isang pinto dito sa gitna, baka nandun si Ash. Panong plano"

Nakapag ayos na ako ng rifle na gagamitin ko pang malayuan na pag shot. Madilim sa lugar ko kaya hindi ako basta basta mapapansin. Ako ang magiging bird's view, kung saan halos kita ko ang lahat. Si Ryne sa ground, sya ang papasok sa loob.

Ryne: Game na ko Kianne, kung patutumbahin ko ang 2 sa harap, baka naman naka lock ang entrance?

Me: Nakabukas ang malaking pinto. Pero wag kang pabigla bigla dahil marami sila dito sa loob. Pag nabulabog ang mga to, baka maunahan ka nila.

Ryne: Ako nang bahala, tig kahali tayo sa mga nandyan sa loob. Wala ng oras.

Me: Mag ingat ka.

Nakita ko ng kumilos si Ryne, naging madaling kumilos sa dilim dahil sa night vision glass na suot namin pareho. Nakaasinta pa rin ako sa mga tao dito sa loob.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon