Nakahiga si Kren sa kama nito, hubad ang pang-itaas at kahit natatabunan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan nito, alam niyang wala ring saplot sa bahaging iyon. Alam niya iyon dahil sa tuwing magkasama sila, wala talaga itong saplot kapag natutulog sa tabi niya. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang babaeng nakaupo sa gilid ng kama nito.It was Missy, Krenan's childhood friend. Noon pa man ay wala na siyang tiwala dito pero hindi siya umiimik o kumukontra dahil alam niya kung ano ang stand nito sa buhay ng nobyo. Kahit maraming beses ng sinabi ni Krenan na wala siyang dapat ipag-alala tungkol dito pero iba ang kutob niya sa kaibigan nito. And seeing them together right now, mukhang nagkamali siya ng pagtitiwala sa dalawa.
Hindi siya nagpakita. Gusto niyang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito.
"What are you doing here, Missy?" Narinig niyang tanong ni Krenan.
Imbes na sumagot ay nakita niyang umusod pa si Missy palapit sa nobyo.
"Missy-"
Hindi na naituloy ni Krenan ang susunod nitong mga salita ng bigla na lang sakupin ni Missy ang mga labi nito.
Nasapo naman ni Amber ang kanyang bibig, nabigla sa nasaksihan. Kasunod noon ay ang pamamanhid ng kanyang buong katawan. Tila ba mayroon punyal na paulit-ulit na tumarak sa kanyang dibdib.
Gusto niyang lapitan ang dalawa, kumprontahin at saktan pero hindi niya magawa. Tila na-estatwa siya sa kanyang pagkakatayo sa labas ng pinto habang nakasilip sa dalawa. Ang pinakamasakit sa lahat, nakita niya kung paano natigilan ang nobyo ng halikan ito ni Missy ngunit kalaunan ay tinugon na nito ang mga halik ng kaibigan.
Kitang-kitang ng dalawa niyang mga mata kung paano kumandong si Missy sa nobyo habang magkahugpong ang labi ng dalawa. Para itong linta kung makaliyad at maka-indayog sa kandungan ni Krenan. At nang tingnan niya ang hitsura ng nobyo, mukhang ito man ay nasisiyahan na rin! Hindi niya alam kung ano ba ang nangyari sa kanya ngunit hindi na siya nakagalaw habang nakatitig sa mga ito. Wala na rin siyang naiintindihan sa kanyang paligid at ang tanging rumirehistro sa kanyang isipan ay ang eksenang nasa kanyang harapan.
Pero ng makita niyang hinuhubad na ni Krenan ang suot na damit ni Missy, hindi na siya nakatiis.
"B-babalik na lang ako kapag t-tapos na k-kayo," sa gumagaral na boses ay sambit niya.
Nagulantang naman ang dalawa at sabay na napatingin sa kanyang direksyon.
"Bi," tawag ni Krenan sa kanya. Nagmamadali nitong inabot ang tuwalyang nakasampay sa upuan malapit sa tabi nito. "Bi..."
"Noon pa man, alam ko nang may pagtingin ka kay Krenan. Pero hindi ako nagsalita dahil alam kong magkaibigan kayo! Alam kong hindi ko mapapantayan ang mga taon na magkasama kayo kaya nirespeto ang relasyon ninyong dalawa! Bagay na hindi mo naman pala kayang ibalik. Ayokong maipit si Krenan sa ating dalawa! Pero ngayon, hindi na niya kailangang mamili sa ating dalawa!""It's not what you think, Amber-"
"Huh? Bakit? Mali ba ako ng nakita? Ako lang ba ang naglagay ng malisya sa nakita kong ginawa niyong dalawa, ha? Tang-ina, Missy! Hindi ako gano'n katanga!? At huwag mo akong paandaran na para bang isa kang maamong tupa dahil alam naman nating dalawa na maitim din ang budhi mo!"
Marahas niyang pinahid ang kanyang mga luha saka salitang tinitigan ang dalawa. Mas matagal kay Krenan.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mong ito, Krenan! Hindi mo alam..."
"Bi...." Tinangka nitong lumapit sa kanya, pilit inaabot ang kanyang kamay ngunit panay ang iling at layo niya rito.
Kapagkuwan ay binalingan nito si Missy. "Go...just go. We'll talk some other time."

BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Romansa"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...