Richmond
Nandito lang ako sa sofa at inaantay si daddy ihahatid kasi niya ako sa bahay daw namin ni carlson.
Flashback
"Ako!"
"Daddy,bakit?"nalilitong tanong ko.
"May asawa ka na.kaya iba na ang lahat.titira ka na sa bahay niyong dalawa."pahayag nito ng di tumitingin sa mata ko.
"Dad,malaki naman tong bahay,pwedi kaming tumira dito."pilit ko rito.di naman masamang umasa na pumayag siya sa gusto ko.kahit ngayon lang.
"No,dapat matuto ka nang mamuhay kasama ang asawa mo pangit tignan na nakikitira pa kayo dito gayong kasal na kayo."agad itong tumalikod pero di ako nagpaawat sa gusto kong mangyari.wala na ba akong karapatan.hindi ko nga alam kung kelan yung huling pumayag sila sa gusto ko simula pagkabata.isang beses lang yata,at yun ay ang pagiging bakla ko.
"Dad,please naman.ayokong malayo sa inyo ni mommy."hinabol ko siya,papunta kasi siya sa mini office niya dito sa bahay.
"It's final,hintayin mo ako sa sala may kukunin lang ako."kaya sumuko na lang ako dahil wala rin naman na akong magagawa.paanu ako makikitira sa asawa kong di ko pa kilala ang ugali.baka pahirapan lang niya ako.
End of flashback
"Halika na."hindi ako natinag sa pagkakaupo ko sa sofa."richmond!"napaigtad ako sa biglang pagsigaw niya.
"Dad."muli ay turan ko pero agad ding pinutol nito amg gusto kong sabihin.
"Don't act stubborn richmond!tumayo ka na diyan at nakakahiya sa mga magulang ng asawa mo!"bulyaw nitong muli.
"Stubborn?do you even know the meaning of that?sa pagkakaalam ko kasi ay ni minsan di niyo ako pinakinggan at sunod-sunuran lang ako sa gusto mo.then now you're goin to tell me that I'm acting stubborn?how could you..."agad naputol ulit ang sasabihin ko ng akmang sasampalin ako nito,pero natigilan kami pareho sa isang sigaw.
"Subukan mo.!"bakit andito ang lalaking to.excited na makita ako kaya sinundo na rin ako.grabe lang ha.nakakalito talaga ang ugali ng isang to."subukan mong saktan ang asawa ko baka makalimutan kong ikaw ang ama niya."tulala talaga ako.anu bang nangyayari sa lalaking to?
"Carlson,pasensiya ka na.sinasabihan ko lang naman itong anak ko."wow napayuko niya ang dakila kong ama.lumapit sa akin si carlson at bigla ako nitong niyakap.di ko alam pero bakit ganun.feeling ko kumpleto na ako sa yakap palang niya.
"Wag kang matakot mahal ko.andito lang ako."parang may sariling buhay ang mga kamay ko na yumakap na rin sa kanya.pakiramdam ko ay natangpuan ko na ang taong kayang ipagtanggol ako sa kahit kanino kahit pa sa ama ko.
"Excuse as dad,sa kotse ko na lang sasakay si richmond.saka humihingi po ako ng dispensa sa pagtaas ng boses ko.ayuko lang nakikita ang asawa ko na natatakot at sinisigawan."hingi niya ng pasensiya sa ama ko na nakatulala na.
Agad naming tinungo ang sasakyan niya at tinalunton na ang daan patungo sa bago naming tahanan.
••••••••••••••••••••
"Andito na tayo."masayang turan ng asawa ko pagkabukas niya ng pinto ng maindoor ng bahay daw namin.malaki ito at namangha ako sa ayos.dahil ang kulay ng bughaw na langit ang siyang kulay ng bahay namin.napakaganda dahil iyon ang paborito kong kulay.may mga paintings doon at syempre hindi mawawala ang wedding picture namin.di ko mapigilang titigan ang litrato namin.parang napakasaya niya sa kuha namin ito.
"Ang ganda no?"biglang tanong niya sa akin habang nasa likuran ko lang siya.
"Oo..."napayuko ako.di ko alam kung anu ang mararamdaman ko ngayon.alam ko kasi kasal na kami ng walang pagmamahal sa isa't-isa.pero bakit pakiramdam ko rin ay mahal ko na siya.nalilito na ako.may ganun pala.magagawa mong mahalin ang isang tao kahit kakikilal niyo pa lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/31256064-288-k957147.jpg)
BINABASA MO ANG
daddy's choice
Sonstigesdad ayuko! sino ba ang dapat masunod? magagawa mo bang suwayin ang kagustuhan ng iyong ama?lalo na at para sa kabuhayan ng inyong pamilya.o sadyang gusto ka lamang subukan ng iyong sariling ama kung hanggang saan ka katatag. si richmond isang masunu...