Carlson's pov;
Namimiss ko na siya.si kauro ang kasama ko sa bahay pero siya lagi ang laman ng utak ko.di ko na yata kakayanin.anu bang nakita ko sa kanya?
5:49 pm at andito pa ako sa school may tinatapos pa kasi ako.nauna nasi kauro umuwi dahil magluluto pa daw siya for our dinner.di na naman siya pumasok.friday na ngayon ah.asan na kaya siya?
Ng matapos ako sa ginagawa ay nagayos na ako upang makauwi na ng makasalubong ko sina jam at vench na masayang naguusap at mukhang galing na naman sila ng deans office.may mga hawak silang papel.
"Tol,kumusta na?"tanong ko sa kanya ng magkalapit na kami.
"Wag mo na muna kaming kausapin."masungit na sagot ni jam.
"Look,I know na galit kayo,at alam ko rin na kasalanan ko,pero mas mabuti na yung ganito na maghiwalay kami dahil nasasaktan ko na siya ng sobra at sana ay mapatawaf niyo ako kung bakit ganito ang desisyon ko."hingi ko sa kanila ng tawad.nakakuyom ng kamao si jam at alam kung sasapakin ako nito.
"Jam,hayaan na lang natin.tutal may tama naman siya.mas mabuting ganun nga amg nangyari dahil di na kinakaya ng kaibigan ko ang mga mangyayari sa kanya.at alam ko namang sinisikao na ni bff ang magbago."pigil ni vench kay jam
"Pasalamat ka tol."wika ni jam.
"Siya nga pala nagtataka ka siguro kong bakit di mo na nakikita si richmond.nagpalipat na siya sa evening class at ganun din kami."kaya pala lagi sila sa deans office para siguro doon sa paglipat nila mg sched.
"Kumusta na siya?"bigla ay natanong ko.
"Much better than the last time you saw him."sagot ni vench."mauna na kami at mukhang malalate yata si bff."paalam ni vench.
"Tara na sa labas ng gate na lang natun hintayin.late na rin naman tayo."aya ni jam kay vench.
Dahil pauwi naman na ako ay minabuti ko na lang na sumunod na sa kanila sa paglabas.
"Sinusundan mo ba kami?"may inis na tanong sa akin ni jam.
"This is the way out if I'm not mistaken."sarkastikong turan ko.siya lang ba ang may karapatang lumabas sa main gate.
"Tsk."sagot lang niya saka sila nagpatuloy sa paglalakad.
Ng makalabas ay pumwesto sila sa malapit sa guard.habang ako namang ay sa kabilang banda.maghihintay kasi ako ng taxi dahil di ko dinala ang sasakyan ko.
Ilang minuto lang ay may nakita akong pulang kotse na katulad ng kotseng huminto sa harap ni vench noong nakaraang araw.sino kaya to?
Nabigla ako ng bumaba ang taong labis ko ng namimiss.si richmond.his wearing a corporate attire at masasabi kong bagay yun sa kanya.and his hair,he looks hot with that redishbrown hair with highlights.pero bakit ganyan ang suot niya?
"Hay naku bakit ngayon ka lang.late na kaya tayo sa first subject."dinig kong bungad sa kanya ni vench.di naman kasi gaanong kalayuan ang kinaroroonan nila sa akin.
"Si daddy kasi ang daming pinagawa."parang pagod na sagot nito sa tanong ni vench.
"kagalang galang lang ang peg?nasa school kaya tayo."pangungulit ni vench sa kanya.
"Hahaha....baliw ka talaga,wala ng time oara magbihis.akala ko aabot eh di rin naman pala."namiss ko ang tawang yan.pati ang boses niya.nakatingin lang ako sa kanila at matamang nakikinig sa pinaguusapan nila.
Tumalima na silang tatlo para pumasok muli ng campus.nang matigilan si richmond ng magtama ang mga mata namin.wala akong mabasang reaksiyon sa mukha...basta napahinto lang siya.tapos ay naglakad na sila ulit tatlo.medyo malapit ako sa bukana ng gate kaya dadaan sila sa may bandang kinaroroonan ko.

BINABASA MO ANG
daddy's choice
Randomdad ayuko! sino ba ang dapat masunod? magagawa mo bang suwayin ang kagustuhan ng iyong ama?lalo na at para sa kabuhayan ng inyong pamilya.o sadyang gusto ka lamang subukan ng iyong sariling ama kung hanggang saan ka katatag. si richmond isang masunu...