Carlson pov;
"Bat ba lagi ka na lang umiinom?"inis na tanong ni kauro,andito kasi ako sa sala ng bahay kung saan pinangarap kong makasama dito ang taong mahal ko pero dahil sa katangahan ko ay nagkahiwalay kami.
"Wag mo akong pakialaman."sagot ko rito.
"Okay lang naman sana eh,wag lang sobra.tignan mo nga ang kalat na rin dito sa sala."tsk...
"Pwede ba hayaan mo muna ako....si richmond ay di nagtatatalak pag nagkakalat ako."inis na ring turan ko rito.
"Ayon...richmond na naman...siya pala ang kailangan mo bat di mo siya balikan...paanu dahil diyan sa pagiging spoiled mo...sa mataas mong pride...kaya ayan..."
"Dahil yun sayo!...ang saya na namin eh,pero anung ginawa mo?nanggulo ka.kaya wag mong ipagduldulan sa akin na ako ang may kasalanan...dahil sayo yun!"bulyaw ko sa kanya dahil sa galit.
"Kasalanan ko na...sige kung yan ang magpapalubag ng loob mo...sorry kung nanggulo pa ako."nakita kong bigla itong nalungkot at naluluha dahil sa sinabi ko.di ko naman sinasadyang sabihin yun.lasing lang ako at dahil na rin sa kadadaldal niya kaya ako nainis.
"Sorry...hindi ko sinasadyang sabihin yun."paumanhin ko.
"Paanu ba kita mapapasaya carl...alam kong mahal mo siya ng sobra,pero ako ang nandito ngayun sa tabi mo."niyakap ko na lang siya at di na ako umimik pa.ayuko ng humaba pa ang usapan namin dahil di naman na mababago na si richmond lang amg mahal ko.kasalanan ko rin naman eh.bakit ba kasi ako ganito.di ko magawang intindihin si richmond.natatakot kasi akong maagawa siya.kaya everytime na may kakausap sa kanya o kaya ay may lalapit na iba sa kanya ay lagi na lang nauuna sa akin ang selos.
"Please carlson...subukan mong mahalin din ako.alam kong mahirap pero okay na akong nakikita na sinusubukan mo."di ko alam pero ayukong ibigay yung hinihingi niya dahil lang sa awa.kakayanin ko bang mahalin siya.?
"Tara na sa taas matulog na tayo...ako na lang maglilinis niyan bukas.
3 months after
"Babe,saan tayo magbabakasyon?"tanong sa akin ni kauro.3 buwan na rin simula nung hingin niya sa aking subukang mahalin siya.sinusubukan ko naman pero everytime na makikita ko si richmond ay nagbabago yun.lagi kaso nagtatago sa may guard house sa may gate para lang makita siya ng palihim.
lagi kong napapansin na nakatingin sa kanya yung isang lalaki sa evening class din yata.wag lang niyang malapit lapitan si richmond kong hindi ako ang makakasagupa niya.
"Babe,ang lalim na naman ng iniisip mo."maktol ni kauro
"Sorry babe,anu ba ulit yung tanong mo?"
"Sabi ko saan mo gustong magbakasyon.bakasiyon na natin pero andito lang tayo sa bahay."
"Ikaw saan mo gusto?"tanong ko sa kanya.
"Gusto ko sana beach na lang babe."agad akong napaisip.doon na lang siguro sa lagi naming pinpuntahan nila rijam noon.
"Sige magayos ka na ng mga dadalhin natin at mamayang hapon tayo aalis.aasikasuhin ko na muna ang reservations natin.tanong ko na rin sila mama,papa at kuya kung gusto nilang sumama para mas masaya."napasimangot siya dahil siguro gusto niyang kami lang ang magpakasaya.isa yun sa ayaw ko sa kanya na iba naman kay richmond dahil lagi na lang itong nangangarap na magkakasama daw ang buong pamilya namin na masaya at magkakasama.bagay na nagustuhan ko sa kanya.
Kinahapunan din ay dumating na ang pamilya ko.
"Oh bro tara na?"bungad ni kuya ng hindi pumapasok sa loob ng bahay,ganun din sila mama at papa.
BINABASA MO ANG
daddy's choice
Rastgeledad ayuko! sino ba ang dapat masunod? magagawa mo bang suwayin ang kagustuhan ng iyong ama?lalo na at para sa kabuhayan ng inyong pamilya.o sadyang gusto ka lamang subukan ng iyong sariling ama kung hanggang saan ka katatag. si richmond isang masunu...