Dahil legally napalitan na ang pangalan ni richmond as sammie at carlson as kenber ay ito na po ang gagamitin ko.kaya wag po sana kayong malito...
Sammie's pov;
Andito na ulit ako sa pilipinas.sa sarili naming pamamahay kung saan di pinakinggan ang mga rason ko,kung saan ikinulong ako at parang isang trabahador na kailangang sumunod sa utos ng mga magulang ko...sa piling ng aking ama na kahit kailan ay di ako itinuring na anak.
"Anak,tahan na,"pagpapatahan sa akin ni mommy..andito ako ngayon sa kwarto ko at nakatingin sa kawalan pilit inaaninag ang imahe ng dalawang taong labis labis kong namimiss.ang asawa at anak ko.tumingin ako sa singsing na suot ko saka muling humagulgol.pakiramdam ko ay mababaliw na ako.
"Patawarin mo ako anak dahil wala akong magawa."turan ni mommy pero parang wala lang sa akin ang sinasabi niya.napatigil na lang ako sa pagluha ng may isang munting anghel na nagsalita.
"Mommy siya si kuya richmond?"tanong nito.
"Oo rogue,pero sammie na ang pangalan ng kuya mo ngayon."paliwanag ni mommy kay rogue.
"Pero bakit mukhang babae si kuya?saka bakit siya umiiyak.?"tanong nitong muli.
Sasagot ulit sana si mommy ng unahan ko na siya.
"Kasi bakla si kuya...saka umiiyak si kuya dahil di siya masaya."sagot ko sa kanya.
"Bakla ka kuya?di ba pangit daw yun?saka bakit ka di masaya?"pangungulit nito.
"Naku,ang kulit din pala ng little sister ko,hindi pangit ang pagiging bakla rogue okay,wag kang makinig sa mga sinasabi nila...saka di ako masya kasi malayo ako sa mga taong nagpapasaya sa akin."malungkot na paliwanag ko sa kapatid ko.siguro nasa 8 or 9 years old na ito.di ko na rin kabisado.
"Opo kuya...pero wag ka ng maging sad,kasi andito na kami ni mommy at daddy to make you happy."kung alam lang sana ng kapatid ko ang pinagdadaanan ko.pero masyado pa itong bata para doon.
"Sige na kain na tayo."aya naman sa amin ni mommy.
"Wala akong gana mom.kayo na lang."sagot ko.
"Sige na kuya sabay ka na sa amin."singit naman ng kapatid ko.kaya di na ako umimik pa at sumabay na sa paglabas ng kwarto ko sa kanila.
Pagdating namin sa hapag kainan ay laking gulat ko ng makita ko doon si cristoff at daddy na naguusap.bakit nandito ang lalaking to?
"Maupo na kayo at ng makakain na"utos nito sa amin.
"Daddy,are you mad at kuya?"tanong ni rouge kay dad.
"Tampo lang siguro bunso kasi si kuya matigas ang ulo."humigpit ang hawak ko sa kutsara,di ko alam kung sa tinuran nito o sa malambing na pakikitungo nito sa kapatid ko.bat ganun siya sa kapatid ko samantalang di naman siya naging ganyan sa akin simula pa noon kahit sa pagkabata ko.Dahil ba yun sa pagiging bakla ko?
"Rick,paki-usap kumain na tayo ng tahimik."hingi ni mommy ng pabor kay daddy.buti naman at di na sumagot si daddy dahil kong hindi ay baka nagwalkout na ako.
Tahimik na kami sa pagkain at para lang akong kumakain ng kanin na walang ulam dahil di ko yun malasahan.biglang naGsalita muli si daddy.
"sammie na ngayon ang pangalan mo di ba?"tanong nito sa akin.
"Opo."sagot ko.
"Okay,di ko na kikwestiyunin pa yan...pero would you mind not wearing that ring anymore?"malumanay na patungkol nito sa suot kong singsing.
"Sorry but I can't do that."walang ganang sagot ko.
"Then I'll do it."wika nito sabay tayo sa kinauupuan at lumapit sa akin.hinablot niya ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing namin ni ken.
"What are you doing?"inis na turan at pagpupumiglas ko.hindi siya sumagot at mahigpit na hinawakan nito ang daliri ko at tahasang tinanggal doon ang singsing.
"No,daddy please give it back to me."pagmamakaawa ko.
"No!"sigaw nito.
Ihinagis nito ang singsing sa bintana sa tapat ng lababo.tatayo na sana ako ng muli niya akong sigawan.
"Subukan mo at malalaman mo ang kaya kong gawin."tumulo ang luha ko.bakla nga ako.dahil di ko man lang kayang magpakalalaki para sa mga gusto ko at sa mga taong mahalaga sa akin.
Hindi ko na tinapos pa ang pagkain.nakatingin lang sa akin sina mommy at rogue ganun din si cristoff.
Tumayo na ako para tunguhin ang sala.
"Saan ka pupunta?"tanong ni daddy sa akin.
"Sala lang po."sagot ko.
Agad akong umalis ng di na ito umimik pa.pagdating ko sa sala ay naabutan ko si yaya na naglilinis.
"Yaya"tawag ko rito
"Po?"sagot nito
"Maari ka bang lumabas sa likod bahay,sa may tapat ng kusina...hanapin mo yung singsing ko."utos ko rito.
"Pero sir,magagalit po sa akin si daddy niyo."sagot nito
"Pakiusap...di ka naman niya mahuhuli.magdala ka ng walis at kunwari ay magwalis ka doon.pakiusap importante sa akin ang singsing na iyon."pakiusap ko rito.
"Sige po."tumalikod na ito at saka lang ako naupo sa may sofa.
"Mas makakabuti sayo na sundin na lang ang daddy mo.para di ka na masaktan pa."napatingin ako sa nagsalita,it was cristoff
"Wala kang paki-alam sa nais kong gawin."inis na sagot ko rito.
"Meron dahil darating ang araw na magiging isa na ang kumpanya ng daddy mo at ng akin."sagot nito.sasagot din sana ako ng muli siyang magpatuloy sa pagsasalita..."pero bago dumating ang araw na iyon ay kasal ka na sa akin."natulala ako sa tinuran nito.so ito pala ang balak nila.
"Hindi mangyayari yan."pagmamatigas ko.
"Kung kailangan ka naming pwersahin para makalimutan ang baliw na lalaking yun ay gagawin ko."lalo kung kinainisan ang tinuran nito.
"Hindi baliw ang asawa ko.kayo ang baliw ng ama ko!"bulyaw ko sa kanya.bigla na lang mabilis na sumulpot si daddy sa harapan ko at saka ako malakas na sinuntok.
"Rick.!"dinig kong sigaw ni mommy.
"Wag kang bastos.!"bulyaw nito sa akin.
Hawak ko ang nahamak na pisngi ko.biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si tito rich at tito laxie kasama ang mga kapareha nila.buti pa sila malaya.
"Kuya anong ginagawa mo sa sarili mong anak?"tanong ni tito rich saka ako niyakap.
"Wag kang makialam dito rich."turan ni daddy.
"Pero kuya,sinasaktan mo na..."
"Ang sabi ko wag kang maki alam dito!anak ko siya at karapatan kong disiplinahin siya.!"napayakap ako lalo kay tito dahil sa pagsigaw ni daddy.
"Dahil ba yan sa negosyo kuya o dahil diyan sa pride mo?"panunuya ni tito kay daddy.
"Anong sinasabi mo?"tanong ni daddy kay tito.
"Alam kong malaki ang galit mo ngayon sa mga alcantara dahil sa ginawa nila noon."di natuloy ni tito rich ang sasabihin ng sampalin din siya ni daddy.
"Wag na wag mo na ulit sasaktan ang asawa ko dahil baka kalimutan kong kapatid ka niya.!"gigil na turan naman ni tito james saka ito lumapit kay tito rich at yakapin ito.
"Lumayas kayo sa pamamahay ko!"bulyaw ni daddy kela tito....bakit mas lalo yatang naging masama si daddy ngayon?
"At ikaw umakyat ka sa kwarto mo!"bukas na bukas din ay sisiguraduhin kong makakalimutan mo na ang lalaking yun."turan nito saka tumalikod papanhik sa silid nila ni mommy.
"Sorry richmond,wala akong magawa...mas may karapatan siya kaysa sa akin."pag alo sa akin ni tito rich.
Nakakaawang sammie,grabe ang galit ng daddy ng sammie lahat di na sinasanto.opps sige na masama na ako dahil pinapahiraoan ko ang ating bida...sorryyy pooh.
BINABASA MO ANG
daddy's choice
Casualedad ayuko! sino ba ang dapat masunod? magagawa mo bang suwayin ang kagustuhan ng iyong ama?lalo na at para sa kabuhayan ng inyong pamilya.o sadyang gusto ka lamang subukan ng iyong sariling ama kung hanggang saan ka katatag. si richmond isang masunu...