DC2-CHAPPIE15

2.6K 89 0
                                    

Kauro's pov;

"Excuse me,dito ba dinala ang pasyenting si carlson alcantara?"tanong ko sa frontdesk dito sa mental.

"Saglit lang po ichechek ko."sagot naman nito...ilang segundo din bago ito muling nagsalita."wala po eh."sagot nito na ikinalumo ko.pero di ako nagkakamali na dito siya dinala dahil sinundan ko pa ang kotse ng papa niya dito.

"Ah miss,what about kenber?"tanong ko muli.nalimutan ko kasi na nag iba na pala ng pangalan ito.

"Kenber rodriguez po ba?kasi may dumating dito kahapon na kenber.anak po ni mr. Alcantara."sagot nito saka ako parang tangang deretso ang tango.

"Kaanu-ano po pala kayo ni mr. Kenber?"tanong nito sa akin.

"I'm his boyfriend."sagot ko.

"Poh?"nagtatakang tanong nito.

"Ang sabi ko bf niya ako,may problema ba doon?"tanong ko rito na may inis.

"Ah pasensiya na po,sige po pasasamahan ko na lang po kayo."may tinawag itong lalaki at ito ang sumamasa akin patungo sa kinaroroonan ni kenber.

"Ayun po siya."turo nito sa lalaking nakaupo lang sa may puno dito sa maliit na harden.

"Salamat."pasasalamat ko bago tinungo ang kinaroroonan nito.

"Kenber."tawag ko rito at tumingin siya sa akin.

"Ako po ba?"tanong nito.tumango lang naman ako.

"Carlson po ang pangalan ko...parehas kayo ni papa saka yung batang babae,kenber tawag nila sa akin."wika nito.di ko napigilang pumatak ang luha ko sa pinapakita nitong akto.naawa ako and at the same time ay nagalit sa mga taong gumawa nito sa kaniya.

"Gusto mo?."alok ko sa kanya ng isang mansanas.

"Sige,salamat....anu bang pangalan mo?"tanong nito.

"Kauro ang name ko."sagot ko sa kanya.

"Kaibigan ba kita?"tanong nitong muli.

"Ako ang mahal mo nakalimutan mo ba?."tanong ko rin pabalik sa kanya.pero isang malakas na bato sa akin ang naramdaman kong tumama sa may parting braso ko.tingnan ko iyon at yun pala ang mansanas na binigay ko sa kanya.

"Sinungaling ka!hindi ikaw ang mahal ko,si richmond ang mahal ko hindi ikaw."sigaw nito kaya bigla akong natakot lalo na ng mabilis itong lumapit sa akin at hawakan ako sa braso."nasaan si richmond?nasaan ang mahal ko?ilabas mo siya....dalhin mo ako sa kanya!" bakit ganun kahit ganito na siya ay si richmond parin ang tanging naalala niya.

"Bitiwan mo ako nasasaktan ako."pagpupumiglas ko.

"Hindi hayup ka!papatayin kita dahil sinungaling ka...si richmond ang mahal ko kaya ibalik mo siya sa akin!"sinigawan pa niya ako.pero sumigaw ako at humingi ng tulong dahil bigla niya akong tinulak at sumampa sa akin saka ako pilit sinasakal.

Naramdaman ko na lang na may mga humawak sa kanya at alisin siya sa pagkakadagan sa akin.

"Anu pong ginawa niyo sa kanya?"tanong nung lalaki saka sinaksakan ng pampakalma si kenber.

"Wala akong ginagawa."sagot ko.

"Anong nangyayari dito?"napatingin ako sa pinaggalingan ng boses.

"Kauro?"wika nito ng mapatingin sa akin.

"Tito."sagot ko.

"Anong ginagawa mo rito?saka anong sinabi mo sa anak ko bakit siya nagwawala?"tanong nito at kita ko ang pagpipigil nito ng galit.

"Wala tito,gusto ko lang makita siya,kaya ako nandito."sagot ko.

"Di siya magwawala ng ganyan kung wala kang sinabi."turan nito.

daddy's choiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon