Sammie's pov;
Isang linggo na rin ang nakakalipas at simula noong nagpunta kami sa mental hospital na yun.at hanggang ngayon ay nahihibang parin ako dahil sa di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit lumabas sa labi ko ang mga katagang yun.
Goobye papa
Kita ko rin ang pagkabigla sa itsura ni mr marquez dahil doon.basta ang alam ko ay nasabi ko na lang iyon.
At magpasahanggang ngayon din ay patuloy parin ako sa pagtatago sa mommy at daddy ko na di ko iniinom ang gamot.patago itong tinatapon.lagi rin ako tinitext ni tito dahil di pa ako nakakapunta Simula nung tawagan ako ni jam.
"Hello tito,maari akong dumaan diyan ngayon."wika ko pagkasagot ni tito rich ng tawag ko.
(Tamang tama dahil nandito ang isang taong makakatulong sa iyo.)
Sino naman kaya ang taong yun.tinawagan ko na rin si vench para masamahan ako.tutal ay wala naman daw siya gagawin kaya dadaanan ko na lang siya.pagkatapos ko masundo si vench ay agad na kaming nagtungo sa bahay ni tito rich dahil kailangan kong makapunta agad ng opisina after this.
"Tuloy kayo."bungad sa amin ni tito rich ng pagbuksan niya kami ng pinto.
"Tito mabilis lang ba ito?kailangan ko kasing makapunta agad ng opisina dahil marami akong proposal na kailangang gawin dahil kailangan na iyon ni daddy."turan ko.
"Oo,sige na maupo kayo saglit at magtitimpla lang ako ng kape....siya nga pala si doktor santiago."pakilala niya sa isang lalaking medyo may edad na.
"Goodmorning po."magalang na bati ko rito.
Kinuhanan ako nito ng blood samples at kung anu anu pa.isinilid niya iyon sa isang maliit na case saka sinabi sa akin na bumalik ako mamayang gabi para makausap nila.
dahil masyado naman atang napabilis ang proseso ay nag stay muna kami ni vench para magkape at makipagkwentuhan na rin kay tito.tulog pa raw si vench.kahit kailan talaga ang lalaking iyon oh.ng maubos namin ang kape ay agad na kaming nagpaalam pero nagpaiwan na si vench dahil gusto daw niyang makipag bonding kay tito rich.gusto niyang matuto kung Paano mag ayos ng sarili.
--------
Lumipas ang maghapon ko sa loob ng opisina.ang daming pinaulit si daddy sa akin na mga proposals dahil di daw yun tugma sa nais ng cliyente.at kahit papanu ay tinulungan na ako ni cristoff kaysa daw sa wala naman siyang magawa.
Nang uwian na ay nag-insist si cristoff na ihatid ako.pero tinutulan ko na dahil dala ko naman ang kotse ko.okay naman daw sa kanya iyon dahil may kailangan pa daw siyang daanan.
Almost 7:45pm na yata ako dumating sa bahay nila tito.at ang nagbukas sa akin ng pinto ay si vench na parang naging blooming.katabi nito si jam,hmmm.may something sa dalawang ito eh.pero di ko na lang iyon pinansin.
"Salamat naman at nakarating ka na."turan ni tito.
Naupo ako dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako.inabutan ako ni insan jam ng tubig samantalang hinahaplos haplos naman ni vench ang likod ko.
"Okay ka na ba?"tanong sa akin no doktor santiago.
"Opo."tipid na sagot ko.
"Di na ako magpapaliguy-ligoy pa.sagutin mo na lang sa abot ng alaala mo."turan nito kaya tumango na lang ako.
"Kilala mo ba kung sino ang nagturok sayo ng gamot na ito?tanong niya sa akin ng ipakita nito ang isang maliit na bote na may kulay lila na likido sa loob.ganyan yung kulay ng tinurok nila sa akin.
"Kakilalang doktor ni daddy,di ko maalala ang kanyang pangalan."sagot ko.
"Okay wag mo ng pilitin ang sarili mo na isipin kung sino siya..ang gamot na ito ay isa sa pinakadelikadong uri ng gamot na ginagamit sa mga mentally challenge individual.at kapag hindi isang ekperto ang magturok sayo nito ay maaring iba ang maging resulta...kayat nakakasiguro akong may alam ang taong inutusan ng daddy mo."paliwanag nito.mataman lang kaming nakikinig."naaalala mo ba ang tabletang to?"pinakita nito sa akin ang tabletang katulad nung pinapainom nila sa akin.
BINABASA MO ANG
daddy's choice
Novela Juvenildad ayuko! sino ba ang dapat masunod? magagawa mo bang suwayin ang kagustuhan ng iyong ama?lalo na at para sa kabuhayan ng inyong pamilya.o sadyang gusto ka lamang subukan ng iyong sariling ama kung hanggang saan ka katatag. si richmond isang masunu...
