DC2-CHAPPIE24

3.4K 112 3
                                    

Carlson's pov;

Almosts two weeks na at kahit papanu ay lumalaban naman ang mahal ko...nakaipon na rin kami ng mga blood donors pagdating ng araw ng operasyon niya.

"Hon,gagaling kaya ako pagkatapos ng operasyon ko?"tanong niya sa akin habang hawak ko ang kamay niya at nakatitig lang ako sa mukha niya.

"Anu kaba,sigurado yun kaya dapat malakas ka ng araw na yun para matuloy na anh operasyon mo at ng makalabas ka na rito."sagot ko at ngumiti.

"Oo na po,siya nga pala hon,si samber asaan?"

"Pinasyal nila tito rich at tito laxie...tuwang tuwa nga yung anak natin kasi daw ang gaganda daw ng mga kasama niya.at sabi niya sayang daw at di ka makakasama para daw kumpleto daw ang magaganda sa pamilya."natatawang turan ko.

"Hay ang anak mo talaga,manang mana sayo.bolero."nakangiting turan naman niya.kahit papanu ay nakikita ko na ang mga ngiting yan.

"Totoo naman...kung babae ka nga lang baka kumpleto na ang basketball team kasama pa ang coach."wika ko sabay taas baba ng kilay.

"Baliw....siya nga pala hon,anu ang balita mo kay kauro?"natahimik ako sa tanOng nito.

"Hon,wag na nating pag usapan yan."walang ganung sagot ko.

"Eh si daddy?bakit di man lang siya napapasyal dito?saka napapansin ko na laging parang galing sa iyak si mommy,may hindi ba ako nalalaman?"nagtatanong na itsura nito at halatang nababagabag.

"Ayokong pag usapan ang daddy mo."walang buhay na sagot ko.

"Hon naman,kahit naman anu ang mangyari ay ama ko pa rin siya,kahit baliktarin ko man ang pilipinas siya parin ang dahipan kung bakit nandito ako kapiling ang mga taong labis na nagpapaligaya sa akin."paliwanag nito sa akin.

"Napakabait mo talaga,halos buhay mo na ang kinuha niya pero nagagawa mo pa rin siyang mahalin at patawarin.kaya mahal na mahal kita eh."paglalambing ko sa kanya."pero sorry hon dahil di ako katulad mo,di ko kayang tiisin na lang lahat.ang laki ng ginawang kasalanan ng ama mo sa atin at sinusumpa ko na pag may nagyari sayong masama ay si ko sila mapapatawad."medyo may galit na turan ko at humigpit ang hawak nito sa kamay ko.

"Naiintindihan kita,pero sana ay magawa mong magpatawad...sakali mang di ako makasurvive sana ay mahalin mo ang anak natin.wag mo siyang papabayaan.mahalin mo siya gaya ng pagmamahal mo sa akin."turan nito na medyo ikinainis ko na.

"Ayaw na ayaw kong nagsasalita ka ng ganyan.mabubuhay ka,naiintindihan mo?mabubuhay ka!"napataas na ang boses ko dahil sa di ko matatanggap na mawawala siya sa amin,sa akin.

"Shhh,okay wag ka ng magalit...sinasabi ko lang naman ang mga posibling mangyari.di natin hawak ang buhay natin hon."sagot nito at nakikita kong nangingilid na rin ang mga luha niya sa mata.

"Stop!"bulyaw ko sa kanya at bumitiw ako sa paghawak niya saka ko galit na lumabas.

"What happen?"tanong sa akin ni vench na nasa labas ng kwarto at nagkakape.

"Nasasaktan ako vench,ang sakit na eh....mahihirapan na aong nakikita siyang ganyan.pero bakit di niya maintindihan yun?lahi na.lang siyang nag iisip na baka di siya makasurvive."umiiyak na sagot ko.

"Salamat."napatingin ako sa kanya dahil sa haba ng sinabi ko ay yun lang ang sasabihin niya,saka para saan naman yun.

"Para saan?"nalilitong tanong ko.

"Itong panyo oh,para kang bata diyan."nakangiting abot niya sa akin ng panyo kaya inabot ko na lang."salamat kasi andiyan ka....salamat kasi mahal na mahal mo ang bestfriend ko...salamat kasi di ka bumibitaw sa kanya."tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakasandal ang ulo sa pader habang nakatingala,at malayang naglalandas ang masaganang luha nito mahal na mahal talaga nito si richmond,maswerte siya at may bestfriend siyang kagaya nito.

"No need to thank me.mahal ko siya at walang bayad yun."tugon ko.

"Hehe,pasensiya na nadala lang ako."nagpunas din siya ng kuha kaya binalik ko na sa kanya ang panyo."siya nga pala,sabi ni bff ay matuto ka daw magpatawad.para daw sa ikagagaan ng loob niya,alam mo bang alam niya na nawawala ang ang daddy niya.?"nagulat ako doon.pero bakit kanina di niya sinabi sa akin yun.?"at alam din niyang ikaw ang nasa likod ng pagkawala ng daddy niya.di ma siguro niya sinabi sayo dahil alam daw niyang di mo magagawang saktan ito dahil daddy daw niya iyon."paliwanag nito.napangiti na lang ako dahil talagang bilib na ako sa taong minahal ko simula pagkabata.

"May kailangan lang akong asikasuhin."paalam ko rito.

"Sige bumalik ka rin agad dahil mamaya na yata ooperahan si bff.kailangan nandito ka."bilin nito kaya tinanguan ko na lang.

Agad kong tinawagan ang mga nagbabantay sa ama ni richmond.

"Sige na pakawalan niyo na siya.ihatid niyo siya sa harap ng bahay nila.ako na ang bahala."utos ko ng masagot ang tawag ko.

Nang marating ko ang dapat kong puntahan ay dali dali rin akong tinungo ang frontdesk.

"Pwede ko ba siyang makita?privately?"taning ko sa bantay.

"OO NAMan po sir...dito po ang daan."iginiya ako nito sa isang kwarto at doon ay tahimik lang akong naghintay ng sa taong gusto kong makita.

After an minute ay bumukas ang pinto at nakita ko itong nayuko.marahil ay nahihiya siya sa lahat ng kagaguhan niya.

"K-kumusta ka na?"medyo may pagkautal na tanong nito.

Tumayo ako at nagpakawala ng isang.malakas na suntok na tumama sa makapal nitong mukha.agad siyang inalalayan ng mga pulis sa pagtayo.

"Ang kapal din ng mukha mong magtanong oa ng ganyan...nag dahil sa inyo ay nanganganib ang buhay ng taong mahal ko,nangdahil sa iyo ay nawala ako sa oiking niya na sana ay ako ang nakaalalay sa bawat oras na kailanganin niya ako!"bulyaw ko rito saka siya mariin na hinawakan sa likod ng ulo."oras na may mangyari sa kanya,ito ang tatandaan mo,unti-unti kitang dadalhin sa imyernong libingan mo!"tumalikod ako at iniwan ko itong luhaan dahil nakaposas ang.mga kamay niya.

Nong araw na nag iwan siya ng sulat ay sumuko siya sa mga pulis.pero para sa akin ay di iyon sapat.

At the hospital

"Hay naku dumating ka rin."bungad sa akin ni tito rich at habang nasa kanlungan niya ang natutulog na si samber.

"Ako na po baka pagod na kayo."aabutin ko na sana si samber ng magsalita ito.

"Naku wag na oinyagan ng doktor na magbantay ka sa loob dahil yun ang pakiusao ng pamangkin ko kaya isuot mo ma yung lab. Gown at mask para malapasok kana doon.

Agad din naman akong tumalima dahil siguradong magtatampo sa akin yun.pagpasok ko ay nakita ko siyang nakahiga at inuumpisahan na ang pag opera sa kanya.agad kong hinawakan ang mga kamay niya.

Matapos ang halos 2 kalahating oras ay natapos din ang lahat.nakaupo lang ako dito at nakatingin sa payapa nitong mukha.salamat sa diyos at natapos ng maayos.di ko na namalayan na nakatulog na pala ako habamg hawak ang kanyang mga kamay.

A/n

Woaaahh...grabe naiiyak ako rito.siguro kahit ako ay di ko magagawang magpatawad ng mga taong sagad sa buto ang kasamaan..kaua naiintindihan ko ang side ni pareng carlson...haaha.pare talaga...

Love u all muwah...landi noh.

daddy's choiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon