Sammie's pov;
Madaling araw na at di pa rin ako makatulog.mugto na rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak.sana di na lang ako isinilang kung ganito rin lang ang dadanasin ko.napabalikwas ako ng makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto.tinatamad akong tumayo pero ginawa ko pa rin upang malaman kung sino ang kumatok.
"Ikaw pala yaya,pasok ka."pinapasok ko si yaya bakit kaya gising pa ang isang to?
"Anong kailangan mo?"tanong ko sa kanya ng maisara ko na ang pinto.
Hinawakan nito ang kamay ko at may inilapag sa mga palad ko.
"Nahanap mo,salamat yaya.."masayang pasasalamat ko dahil nahanap niya ang singsing ko.
"Sana po ay hindi ito malaman ng ama ninyo dahil sigurado patatalsikin ako sa trabaho."pakiusap din naman nito sa akin.
"Pinapangako ko."nagpasalamat akong muli bago siya lumabas ng silid ko.naupo ako sa kama saka hinubad ang suot kong kwentas saka ko doon nilagay ang singsing,muli kong sinuot iyon at saka ko itinago sa ilalim ng suot kong damit.nahiga ako at doon ay dinalaw ng antok.
-----
Nagising ako kinabukasan dahil nakarinig ako ng mga taong naguusap.bakit maingay sa loob ng aking silid.
"Nakasisiguro ka ba dito sa gagawin mo mr.marquez?lahat ng memorya niya ay mawawala.at mahihirapan ka ng ibalik muli iyon kung patuloy mong gagawin ito."dinig kong wika ng isang lalaki.anu bang tinutukoy ng taong to?saka bakit di ako makagalaw?minulat ko ang mga mata ko at doon ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng laboratory gown.marahil ay isa itong doktor.naramdaman ko ang pananakit ng braso ko kaya yun naman ang tinignan ko.bakit ako nakatali?
"Gising ka na pala."wika ni daddy na nakahalukipkip pa ang mga braso.
"What's goin on here?"tanong ko.
"Di mo na kailangang malaman.sige na umpisahan mo na ang dapat gawin"sagot ni dad.nakita ko sa likod niya si mommy na umiiyak.
Lumapit sa akin yung doktor at may dalang syringe...anu ang gagawin nila.nagpupumiglas ako pero wala ring nangyari dahil naitusok parin nito kung anu mang gamot iyon.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at doon ay nilamon ako ng kadiliman.
-------
Nagising ako sa di mawaring sakit ng ulo.pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko.
"Ahhhhhh..!"sigaw ko dahil sa sakit ng ulo.
"Anong nangyayari?"tanong ng isang babae,teka sino ba sila,saka bakit ako nakatali?
Tinanggal ng isang lalaki ang pagkakatali ng kamay ko at doon ko lang halos pagbabayuhin ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.
"Anong nangyayari sa anak ko rick?"wika nang ginang,anak?ako ba ang tinutukoy niya?pero bakit di ko matandaan?
"Epekto lang yan..ipainom mo sa kanya ang gamot na ito"utos naman ng lalaking nakaputi.
Lumapit sa akin yung isang ginoo at inabot sa akin ang isang basong tubig saka isang kulay puting tableta.ininom ko yun ng walang alinlangan dahil baka ito ang gamot sa pananakit ng ulo ko.several minutes pass at sa wakas ay guminhawa na ang pakiramdam ko.
"Okay ka na ba anak?"tanong nong ginoo sa akin.
"anak?kayo ang mga magulang ko?"tanong ko sa kanila.
Napansin kong umiyak ulit yung ginang,dahil ba sa tinuran ko?nagtatanong lang naman ako.ngumiti naman ang ginoo na ama ko raw"Sammie,kami ang mga magulang mo,ako si daddy rick at ito naman ang mommy jackie mo...saka ito ang kapatid mong si rogue."pagpapaalala sa akin ng daddy ko raw.
![](https://img.wattpad.com/cover/31256064-288-k957147.jpg)
BINABASA MO ANG
daddy's choice
De Tododad ayuko! sino ba ang dapat masunod? magagawa mo bang suwayin ang kagustuhan ng iyong ama?lalo na at para sa kabuhayan ng inyong pamilya.o sadyang gusto ka lamang subukan ng iyong sariling ama kung hanggang saan ka katatag. si richmond isang masunu...