DC30

4.1K 136 1
                                        

Richmond pov:

"Anak anung nangyari sayo?"tanong sa akin ni mommy pagkabukas niya ng pinto.pagkatapos ko kasing magstay kagabi sa park na malapit sa bahay nila tito rich ng ilang oras ay umuwi ako sa bahay nila tito ng umiiyak kaya ayun kailangan kong ipaliwanag lahat.inintindi naman lahat nila maliban kay insan jam na galit sa kaibigan.kaya ito at ang aga aga ay hinatid ako ni insan jam sa bahay namin.

"Mom,wag kang mag-alala sa akin.okay lang ako."pagsisinungaling ko bago tumitig kay kay insan which means na hayaan lang niya ako sa mga sinasabi ko.

"Pumasok kayo at sabayan niyo na kami ng daddy niyo na mag almusal.sabay sabay na kami nagtungo sa kusina at naabutan naming nagkakape si daddy habang may hawak na diyaryo.lumapit ako at nagmano dito.

"Dito ka na ulit titira?bakit may dala kang mga gamit mo?"tanong agad nito.

"Rick mamaya na yan."singit naman ni mommy.

Pagkatapos magalmusal ay nagtungo kami sa sala upang mapagusapan ang lahat ng dapat pagusapan.

"So?"wika ni daddy na alam kung naghihintay lang siya ng paliwanag.

"Pumapayag na ako sa gusto mo dad."sagot ko sa nagtatanong nilang mga itsura.

"Bakit,di mo na kayang ayusin?..sinabi ko naman kasi sayo eh,nagaaksaya ka lang ng panahon sa lalaking yun."turan ni daddy.

"Daddy,nagusap na kami,at sa tingin ko ay wala namang mangyayari kahit ayusin namin ang sa amin dahil alam kong gagawa ka parin ng paraan para magkasira kami."sagot ko rito.

"Anu ang ibig mong sabihin."nakakunot na tanong ni daddy sa akin.

"I know the way you play a game dad.alam kong si kauro ang mata mo tungkol sa amin ni carlson daddy at ramdam kong kinakasabwat mo siya para magkasira kami ni carlson."wika ko.

"Richmond!wag mong pagbintangan ang daddy mo ng ganyan."singit ni mommy,alam kong natatakot lang siyang magalit si daddy kaya pinipigilan niya ako.

"No jackie,let him speak."wika naman ni daddy.

"At alam ko rin na ikaw ang dahilan ng kung bakit nakapasok si kauro sa university ng walang kahirap hirap upang mapadali sa inyo ang lahat na pagawayin kami at tuluyang magkasira....di ka basta basta pupunta sa pinapasukan ko ng walang dahilan daddy."pagtutuloy akusa ko sa daddy ko.Ngumiti si daddy ng nakakaloko bago nagsalita

"anak nga talaga kita...matalino,magaling mag-analisa...sige aaminin ko tama ka diyan.at kung seryuso nga sayo ang lalaking yun ay di siya papatibag.pero gaya ng inaasahan ko ay katulad lang siya ng iba.marupok."sagot nito.nagpupuyos na ako sa galit sa kaloob looban ko pero ayukong ipakita na mahina ako.

"Sige daddy nanalo ka na pero.....magtatrabaho ako sa kompanya at aaralin lahat gaya ng gusto mo ng may kundisyon."wika ko.

"Haha,richmond marquez,anak ni rick marquez...matapang ka na ha....pero sige pagbibigyan kita.sabihin mo na."sagot ni daddy.tahimik lang na nakikinig si mommy at jam.

"Ilipat mo ako sa evening class at magtatrabaho ako sa araw sa kumpanya mo,at bigyan niyo ako ng condo dahil gusto kong mamuhay mag isa...at tungkol naman sa paghihiwalay namin ni carlson?ibigay niyo na lang sa akin ang mga papeles at pipirmahan ko,dahila alam ko naman na hinanda mo na iyon dad."

"Good to hear that.sige ipapaayos ko na ang lahat."pag sang-ayun naman ni daddy sa gusto ko.

"And one more thing dad.gusto ko sana ay walang ibang makakaalam ng titirhan ko maliban sa inyong mga pamilya ko.lalo na si cristoff."

"mabuting tao si cristoff richmond..."

"Dad,susunod ako sa gusto niyo pero sundin niyo rin ang gusto ko,nais ko ng manahimik."

"Okay if thats what you want."tumayo na ako upang magtungo a kwarto ko sinamahan pa ako ni jam para iakyat ang mga gamit ko na dinala ko noon sa bahay nila.

"cuz,sigurado ka na ba dito?"tanong ni jam sa akin na bakas sa mukha niya ang pagaalala.

"Cuz like what I always telling you,nothing to worry,kaya ko ang sarili ko."sagot ko rito.

"Napakatapang mo cuz,siguro iniisip mo na wala kang kwentang tao dahil sa mga ginagawa sayo ng daddy mo,pero ang totoo niyan ay napakatapang mo.sana ay makahanap ka ng taong masasabi mo na siya na talaga."niyakap ko si insan

"Ayoko munang isipin yan sa ngayon.marami pa akong dapat unahin."sagot ko rito matapos ko siyang yakapin.

"Anak."si mommy pala.

"Mom,ikaw pala."

"Pagpasensiyahan mo na ang daddy.ginagawa niya lang ito para tumibay ka at alam ko na para rin sayo to.ayaw lang niya na mapunta ka sa maling tao."turan ni mommy.

"Okay lang ako mom,saka siguro nga tama kayo ni daddy."sagot ko.

"Pero anak.sigurado ka ba na,gusto mong bumukod sa amin ng daddy mo?malaki naman itong bahay at..."

"Mom paanu ako masasanay mag isa kung sasandal lang ako at aasa sa inyo.gusto kong matutong mamuhay mag isa dahil alam ko na di naman magtatagal ay kakailanganin ko rin mamuhay ng sarili ko lamang ang inaasahan."sagot ko at pagputol ko sa sasabihin pa ni mommy.

"Naku kang bata ka oo..namimiss ka lang naman ni mommy,saka malapit ka na ring maging kuya .or ate?"nangingiting turan ulit ni mommy.

"Mommy naman.gingulo mo naman ang desisyon ko eh saka lagi naman ako papasyal dito para makalaro ang kapatid ko.excited na nga ako na may tumawag sa aking te'ya."masayang sagot ko.

"Te'ya?"nalilitong turan nilang dalawa ni jam.

"Ate,kuya.kaya te'ya."nakangising sagot ko.

"Hahaha.ang korni mo cuz."tawa ni insan.

"Hmmm..nabanggit sa akin ni daddy mo yan.yan ata yung tawag nung bunsong kapatid nila daddy mo kay tito rich mo."wika ni mommy.

"Wow,di mas maganda pala yun."sagot ko naman.

"Oh sige na at aayusin ko pa ang susuotin ng daddy mo at papasok na yun."pagkalabas ni mommy ay nagpaalam na rin si insan jam dahil kailangan pa niyang pumasok.sinabi din niya sa akin na aayusin din niya ang mga kakailanganin para malipat din siya sa evening class ayaw daw niyang makita si carlson baka di daw niya mapigilan na mabugbog ang kaibigan niya.sasabihan na rin daw niya si vench,para daw sama sama kami.hmmm...may nararamdaman ako sa dalawang to.swerte ni bff kapag totoo ang kutob ko.

Di muna ako pumasok dahil aayusin pa ni daddy ang lahat ng schedule ko kaya heto at nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa picture namin ni carlson sa phone ko.

"Paalam mahal ko.sana ay maging masaya ka."turan ko sa sarili ko bago ko burahin lahat ng picture namin at hubarin ang singsing na tanda ng pagmamahalan namin saka itago ito sa drawer ko.

Kailangan ko ng harapin ang bagong buhay ko bilang si richmond marquez ang tagapagmana ng marquez ind. Inc.

New life new me.hope that I can make it.

daddy's choiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon