DC2-CHAPPIE14

2.6K 93 2
                                        

Sammie's pov;

"Anak hindi ka ba papasok ngayon sa opisina?"tanong sa akin ni mommy,andito lang kasi ako sa kwarto ko at nakatingin sa labas ng bintana.

"Wala po akong ganang pumasok ngayon mom,tatawagan ko na lang si daddy mamaya."sagot ko rito.

"May problema ba anak?"tanong nitong muli sa akin.

"Wala naman mom,maliban na lang sa naguguluhan ako sa mga nangyayari this past few days."sagot ko.

"Wag mo na kasing isipin yun...ang isipin mo na lang ay ang kasalukuyan...kailangan ka ng daddy sa opisina,kailangan ka ng ng fiancee mo.yun na lang ang mga isipin mo."sagot nito na ikinainis ko pa lalo.

"Mommy,bakit ganun?parang pakiramdam ko lahat kayo ay may tinatago sa akin.ang lakas ng pakiramdam ko na may mali eh."di ko mapigilang maibulalas.

"Anak,kami ang mga magulang mo,bakit naman kami maglilihim sa yo."pagpapakalma nito sa akin.

"Bakit ganun mom,parang ang aki ng kasalanan ko sa lalaking yun.asawa ko pero di ko maalala,tapos ngayon naman ay nakatakda akong ikasal kay cristoff...mom may anak kami ng lalaking yun di ba?paano kung umiiyak yung batang yun ngayon."

"Shhh,thats not true okay,inumin mo na lang tong gamot mo."di ko napansin na bitbit na naman nito ang gamot na lagi nilang pinapainom sa akin.

Inabot ko iyon at isinubo pero tinago konlang sa ilalim ng dila ko.saka ako uminom ng tubig.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?..sige na at magpahinga ka na lang kung ayaw mong pumasok."turan nito.tumango lang naman ako.

Tumayo na si mommy at lumabas ng kwarto ko,saka ko lang iniluwa ang gamot at itapon yun sa trashbin dito sa kwarto ko.tumayo ako upang maglinis ng katawan.dahil ngayon ako makikipagkita sa isang taong maaring makasagot ng lahat ng tanong ko.

Papa ni kenber

"Anak,uuwi na tayo sa bahay ha."wika ko sa anak kong kanina pa tulala na nakaupo sa kama dito sa hospital.

"Papa,saan ba tayo uuwi?bakit di ako dinadalaw ni richmond?mahal niya ako di ba?"parang batang nangungulila na turan nito.

"Oo anak,pero kasi busy si richmond ngayon.alam mo na may sakit ka kaya siya na muna ang umaasikaso sa naiwan mong trabaho."naluluhang pagsisinungaling ko dito.

"Kawawa naman ang mahal ko papa.dapat ako ang gumagawa nun eh."malungkot na turan nito.

"Wag mo ng isipin yun anak ha,ang isipin mo na lang dapat magpagaling ka."wika ko pero biglang nag iba ang timpla ng itsura niya.

"Anu ba bitiwan mo nga ako!anung magpagaling ang sinasabi mo?wala akong sakit!"biglang pagbabago ng pakikipag usap nito.tinulungan na ako ng mga lalaking nurse para maisuot sa kanya ang isang kukay puting damit na gagamitin para mapigilan ang pagwawala niya.

"Bitiwan niyo nga ako!mga baliw kayo,bitiwan niyo ako!"pagpupumiglas nito.

"Sige na dalhin niyo na siya.susunod na lang ako doon."utos ko sa mga nurse.

"Papa,akala ko ba uuwi na tayo?saan nila ako dadalhin papa,hinihintay na ako ni richmond papa."doon ay tumulo na ang luha ko dahil sa awa sa anak ko.

Agad akong sumakay ng sasakyan ko at tinungo ang dapat kung tunguhin.

Sammie's pov;

"Teh kumusta ka na?"bati sa akin ni vench daw.oo tinawagan ko yung numero noon na ginamit nito noong nagmessaged siya sa akin.

"Vench right?"tanong ko rito.

"So totoo pala talaga ang balita."turan nito at kita ko bigla ang lungkot sa mata nito."kaya pala hinarang nila ako na makipagkita sayo.matagal ko ng gustong puntahan ka teh,pero mahigpit ang bantay ng daddy mo."paliwanag niya.

daddy's choiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon