Richmond pov;
Bakit parang ang tagal namang umakyat ng ungaz na yun?11 na ng gabi ah.nakaalis na kaya si kauro?
Bumaba ako lang magulat sa nakita ko.nasa sala sila,payapang natutulog at nakayakap pa si kauro kay carlson.naglatag ng comporter si carlson para higaan pa nila.
Alam niyo ba yung pakiramdam na unti-unting nawala yung nabuong pagmamahal ko sa asawa ko.kung asawa pa ba tingin niya sa akin.ang sakit sakit naman ng ganito.
Kahit nanlalabo ang mata ko dahil sa tanga kong mga luha,kita ko parin ang bahagyang paggalaw ni carlson hanggang sa yumakap na rin siya kay kauro.halos sumabog na ang puso.kung anung sakit noong una kong kabiguan kay cristoff ay mas doble ang sakit ngayun kay carlson.pakiramdam ko ay ginamit lang ako.oo alam kong ginamit ako ng ama ko para dito.pero ang di ko napaghandaan ay ang pagpapaasa sa akin ni carlson.akala ko kasi totoo ma ang lahat.pinahid ko ang mga luha ko saka tumalikod sa kanila pabalik sa kwarto.nilock ko yun dahil ayokong makita hanggang bukas ng umaga ang lalaking nagpaasa sa akin.
"Huli na to richmond.di ka na iiyak,di na ako aasa at higit sa lahat ay di na ako magpapagamit kahit sa aking ama."wika ko sa sarili ko,saka ako huminga ng malalim at pumikit.
-----
Nagising ako sa mga mahihinang katok kinaumagahan.pagtingin ko ay 6:00 pa lang ng umaga.kahit ayaw ko ay tumayo parin ako at pagbuksan ang tao sa likod ng pinto.
"Kakagising mo lang?pasensiya ka na kagabi dahil di na ako nakalipat ng higaan.nalasing kasi ako.saka sinamahan ko na rin si kauro,nakakahiya naman kung magisa niyang natulog sa sala."wika nito,di ko naman tinatanong.gaya ng sabi ko sa sarili ko na di na ako aasa at papagamit pa.kaya sa halip na sumagot ay tumalikod na ako sa kanya at kinuha ang nakahanger na twalya at nagtungo sa banyo.
"Hon,nagluto na ako ng almusal natin.kain ka muna habang nagbibihis ako."wika ni carlson paglabas ko ng banyo."hon,sumagot ka naman.galit ka ba?"medyo inis na turan nito.
"Huh?bat naman ako magagalit?wala ka namang ginagawang masama di ba?saka naiintindihan ko na sabik ka sa bf mo."oh sumagot na ako.bat siya naman ngayon ang nanahimik.
"Sige na maligo ka na.mat isa pang twalya diyan nakasabit sa loob ng cabinet.yun na lang gamitin mo."tumalikod na ako para tumungo sa baba ng magsalita siya.
"Hon,wag ka namang ganyan ayo..."ayuko ng marinig pa ang mga sasabihin niya kaya di ko na siya inintindi at dinampot ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto.
Di na ako kumain sa school na lang siguro.
"Oh teh,bat ganyan ang mukha mo?"agad bungad sa akin ni vench pagpasok niya sa room namin.
"Ah wala iniisip ko lang kung nasaan na kaya si cristoff ngayon."pagsisinungaling ko.
"Naku tigilan mo na yan.ang isipin mo tmyung asawa mo.wag ang ibang tao."sagot naman nito.di lang niya alam na yun naman talaga ang iniisip ko.
Sasagot pa sana ako ng dumating si carlson at deretsong naupo sa tabi ko.
"Bakit di ka kumain?"tsk kunwari pa siyang nagaalala.bwisit
"Ah nagmamadali kasi ako.kumain na ako kanina sa labas ao don't bother anymore."sagot ko sa kanya.
"Common...kung galit ka sorry,kaibigan na lang ang turing ko kay kauro hon."kaibigan nagyayakapan.kaibigan natiis ang asawa.oo na selos na kung selos.kayo kaya.
"Look.wala akong pakialam sa kung anuman ang meron sa inyo.so no need to mention it."iritang sagot ko.si vench nakatunganga lang sa amin.
"No need to mention?wala kang pakialam?eh sa nakikita ko ngayon mukhang nagseselos ka."pangiinis nito.
BINABASA MO ANG
daddy's choice
Teen Fictiondad ayuko! sino ba ang dapat masunod? magagawa mo bang suwayin ang kagustuhan ng iyong ama?lalo na at para sa kabuhayan ng inyong pamilya.o sadyang gusto ka lamang subukan ng iyong sariling ama kung hanggang saan ka katatag. si richmond isang masunu...
