DC2-CHAPPIE12

2.5K 90 4
                                        

Sammie's pov;

"Sir sammie,may lalaki po sa labas,gusto raw po kayong makausap...tinatanong ko po kung may nakaset po ba siyang appointment sa inyo pero wala naman daw po."paliwanag sa akin ng sekretarya ko.

"Wala siyang appointment sa akin,then paalisin niyo na siya."utos ko rito.pagkalabas nito ay siya namang biglang pagbukas ng pinto na ikinagulat ko.

"Sir,sorry po sir makulit kasi..."paghingi ng paumanhin ng guard sa akin."sir labas na po kayo wag na po ninyong hintaying tumawag kami ng police."baling naman nito sa lalaking nagpumilit na makapasok dito sa opisina ko.
May katangkaran eto,gwapo at masasabi ko ring galing sa may kayang pamilya ayon na rin sa pananamit nito.bigla itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay.napapitlag pa ako dahil sa parang may bulta-bultahing kuryenti ang gumapang mula sa kanyang mga kamay patungo sa akin.

"Sammie,its me kenber your husband."turan nito.kakaibang kaba ang naramdaman ko sa mga titig nito.bakit parang kilala siya ng puso ko,pero kahit anong pilit kong alalahanin ito ay di magawa ng utak ko.

"Excuse me,hindi kita kilala,saka I already have a boyfriend...beside he's my fiancee."naguguluhang turan ko rito.kita ko ang pagdilim ng mukha nito kaya natakot ako bigla.

"I knew it,mayroon talagang di magandang ginagawa ang mga gagong yun."wika nito na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy.

"Excuse me?"pagbasag ko sa pag iisip nito.doon ko naalala ang singsing na may nakaukit na pangalan niya.maari ngang sa kanya ito."sa iyo ba ito?"pinakita ko sa kanya ang singsing na nakasabit sa kwintas ko.doon ay napangiti siya siguro dahil sa kanya nga ito,mukha kasing mamahalin ang singsing.

"Thats yours,"kumunot noo ko sa sinabi nito."its our wedding ring...look at this."turan niya sabay pakita ng singsing na nasa kanyang daliri,parehong pareho nga nun ang singsing na nasa akin.tinanggal niya saka niya pinakita sa akin ang nakaukit doon.nanlaki ang mata ko,pangalan ko nga ang nakaukit doon.paano nangyari yun.

"H-how..."di ko na natapos ang sasabihin ko ng malakas muling bumukas ang pinto at iluwa noon sina cristoff at daddy.

"Anong ginagawa mo ditong hayup ka!"bulyaw ni cristoff sa kenber na to.

"Bakit nakatanga kayo!ilabas niyo ang lalaking yan dito!"bulyaw naman ni daddy sa dalawang bodyguard nito.

"Teka,daddy totoo ba ang sinasabi niya?"tanong ko na ikinatigil ng mga guard sa pagkaladkad kay kenber."is it true na kasal ako lalaking to?totoo bang siya ang asawa ko?paano dad kung may relasyon kami ni cristoff?nalilito na ako."naguguluhan ng tanong ko.

"Hush babe,nagsisinungaling ang lalaking yan."pag alo sa akin ni cristoff

"BAliw ang lalaking yan sammie,kaya wag kang mag isip ng kung anu-ano dahil walang katotohanan lahat ng sinasabi niya."paliwanag naman ni daddy sa akin.

"Then whats the meaning of this?"pinakita ko sa kanila ang mga singsing kung saan naka ukit ang pangalan namin ng kenber na ito.kita ko ang pagkabigla sa mukha nilang dalawa."what's the meaning of this!"napalakas na ang boses ko dahil sa frustration.

"Calm your self,oo kasal kayo noon ng lalaking yan.at dahil sa kanya kaya ka nagkakaganyan ngayon.dahil sa pagiging baliw niya ay nagkaroon ka ng ganyang sakit.kaya nilayo kita sa kanya.kaya siya dapat ang sisihin mo.ayoko na sanang malaman mo pa ang tungkol sa inyo dahil labis kang nasaktan sa piling niya.arrange wedding lang iyong kasal ninyo."duro ni daddy kay kenber

"Sinungaling kayo!wag kang maniwala sa kanya sammie...hayup ka anong ginawa mo sa asawa ko papatayin ko kayong dalawa!"nagpupumiglas namang ganti ni kenber.

"Tignan mo,yan ba ang nasa katinuan...baliw ang lalaking yan kaya ka namin inilalayo sa kanya."nakahawak na si daddy sa mga braso ko.

"Dahil sa pagtakas mo noon sa pambubugbg niya ay kaya ka naging ganyan sammie.dahil ayaw niyang matuloy ang kasal natin."ganun ba talaga ang nangyari.kung ganun dapat lang na kamuhian ko ang lalaking to.

Lumapit ako kay kenber saka ko hinagis sa kanya ang singsing na hawak ko.

"What?naniniwala ka sa kasinungalingan nila?hindi ako baliw sammie,asawa mo ako.please believe me."pagsusumamo nito.

Umiiyak akong nanakbo palabas,kailangan kong mapag isa,nalilito na ako.kita kung sumunod sa akin si cristoff pero nagtago ako hanggang sa tuluyan na siyang mawala.naglakad lang ako at pilit iniisip ang lahat pero wala talaga.hanggang sa napadpad ako sa parang parke at naupo sa silong ng isang puno.

"Friend,malungkot ka na naman."nagulat pa ako sa biglang nagsalita sa may gilid ko.

"Kauro?why are you here?"paano nangyaring andito din siya.

"Nakita kitang naglalakad na parang wala sa sarili kaya minabuti kong sundan ka."paliwanag nito.

"Salamat,sa tingin ko ay kailangan ko rin ng makakausap."malungkot na turan ko.

"Anu ba ang gumugulo diyan sa utak mo,aba'y daig mo pa ang nakadrugs eh."pagbibiro nito.

"Ikaw talaga,ang totoo kasi niyan,may lalaking nagpunta kanina sa office,kenber ang name niya,tapos pinagpipilitan niyang asawa ko siya at sinungaling daw sila daddy,but daddy and cristoff keep on saying that kenber is mentally incapacitated.na siya daw ang dahilan kung bakit wala akong maalala ngayon dahil sa lagi daw nitong pambubugbog sa akin noon...I dont know kung sino ang paniniwalaan ko."nababaliw na rin yata ako.

"Anu ba sinasabi nito?"turo niya sa puso ko.

"Na paniwalaan ko ang kenber na yun,but my mind says dapat kong paniwalaan sila daddy."nalilitong sagot ko.

"Hmmm...mahirap nga yan."buntong hininga nito.

Kenber's pov;

"Bitiwan niyo ako!kailangan kong sundan ang asawa ko!"pagpupumiglas ko dahil bigla na lang nanakbo si sammie palabas.sumunod si cristoff sa kanya pero bumalik din naman ito kaagad.

"Ang kapal din talaga ng mukha mong magpakita pa dito eh no."gigil na turan ng daddy ni sammie sabay pakawala ng malakas na suntok sa sikmura ko.

"Hayup ka!dapat sayo patayin,wala kang kwentang ama."bulyaw ko dito

"Alam niyo na kung saan dadalhin ang tahasang lalaki na yan."utos nito sa mga bodyguard na may hawak sa akin.pakaladkad akong hinila ng mga ito palabas at isakay sa kotse.

"Saan niyo ako dadalhin?"kinakabahang tanong ko.may dalawang guard na tumabi sa akin samantalang driver at nasa passenger naman yung dalawang may hawak sa akin kanina.

"Matulog ka na muna."wika ng isang nasa tabi ko at itakip sa ilong ko ang panyong may matapang na amoy...di ako makapanlaban dahil hawak ako ng isa.unti unti ay nawalan ako ng malay.

Sammie's pov;

Pagkatapos ng mahigit isang oras din na pag uusap namin ni kauro ay hinatid na ako nito pabalik dito sa office.

"Buti po sir nakabalik na kayo."bungad sa akin ng sekretarya ko.

"Si daddy?nasaan na yung lalaki kanina?"tanong ko rito.

"Pina alis na po ng daddy niyo...ang daddy niyo at si sir cristoff naman po ay umalis na rin.binilin na lang po sa akin na ipainom sa inyo ang gamot niyo."paliwanag nito sa akin.

Pumasok ako sa office...di ko alam pero ayukong inumin ang gamot na ito.dahil pakiramdam ko ay lalong nagiging uneasy ang pakiramdam ko

"Bakit ganito ang lakas ng kaba ko?"pagkausap ko sa sarili ko.pakiramdam ko ay may mali eh.kinuha ko ang phone ko at agad dinial ang number ni daddy but his not answering it,so I try cristoff and sa wakas ay sinagot nito.

"Where are you?kasama mo si daddy right?"tanong ko kaagad pagkasagot nito sa phone niya.

"Yes,may kakausapin kaming client,I need to drop the phone now,where here,bye babe I'll call you later."di na ako nakasagot dahil bigla na lang naputol ang linya.parang iniiwasan nito ang mga tanong ko.

Bumaba ako at agad tinanong ang guard.

"Kuya,nakita niyo ba kung saan nagtungo si daddy?"

"Sumunod po sila doon sa lalaking nanggugulo kanina sir,pero di ko po alam kung saan."f**k baka kung anu ang gawin nila sa lalaking yun.bakit ba kasi ganito na lang ang pag aalala konsa kanya?kainis.

daddy's choiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon