DC2-CHAPPIE22

3K 91 5
                                        

This time balik na po sa tunay na pangalan nila si richmond at carlson sana po ay wag kayong malito.ayun na run yun sa kagustuhan ni richmond na ibalik ang kanyang dating pangalan since naaalala naniya ang lahat,at si carslon naman ay nauuyam sa pangalang kenber dahil gakit siya kay richmond.dahil sa kasinungalingan ni kauro.

Cristoff pov;

Magiisang buwan na,na andito sa hospital si richmond.richmond dahil yun naman daw talaga ang totoo niyang pangalan.naaaw ako sa tuwing nakikita ko siya.halos outi na lahat ng buhok niya dahil epekto daw yun ng gamot na tinurok sa kanya.dumalaw ang mga magulang niya pero di niya sila hinarap.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"tanong ko ng magising ito.nagbabalat ng mansanas ai vench at halata rin dito na galing ito sa mahabang pag iyak dahil mugto at namumula ang kanyang mga mata.

"Mamamatay na ba ako?"nanghihinang tanong nito na ikinapanghina ko.ayoko siyang ganun.yung nawawalan siya ng pag-asa.malubha na ang sakit niya dahil unti unti ng nilalamon ng kung anung gamot na yun ang utak niya.alam kong ginagawa lahat ng mga doktor ang makakaya nila para iligtas siya dahil nakasisiguro akong gagaling siya.

"Cutie,wag ka namang ganyan,gagaling ka,di ba sabi ko sayo na tibayan mo lang at gagaling ka.kaya please lang magpakatatag ka.

Naluluha na ako,pero pinipigilan ko dahil ayokong makita niya na pati kami ay nawawalan ng pag-asa.imoit na umiyak muli si vench hindi nito magawang balatan ng maayos ang mansanas kaya niyakap ito.ramdam ko na labis din itong nasasaktan sa sitwasyon ng matalik na kaibigan.naalala ko tuloy mung masaya pa kaming talo na nag-aasaran ng masa koliheyo pa kami.nung mga panahong kami pa ni richmond ng palihim pero araw araw kaming masaya na parang walang darating na anumang problema.

"Sana bago man lang ako bawian ng buhay ay makita ko ang asawa ko,at masabi ko sa kanya ng mahal na mahal ko siya...kailangan siya ng anak namin ngayon."mas lalong umiyak si vench sa tinuran ng kaibigan.dun ma rin ako napaiyak.di ko kaya,ang bigat- bigat.

"R-richmond naman..mabubuhay ka at magsasama pa kayo ng matagal.hindi mawawala ang cute kong kaibigan okay."turan ko at hinawakan ng mahigpit.naalala ko ung sinabi namin sa kanya ang totoo niyang kalagayan.

Flashback

"Anu po ba ang nangyayari sa akin?bakit hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako at di nawawala ang sakit ng ulo ko?...anu ba!ang sakit na ng likod ko kakahiga sa kamang ito,gusto ko ng umuwi baka nandoon na sa bahay ang asawa ko!"pagwawala nito.

"Sir sa tingin ko ay kailangan na ninyong sabihin ang totoo sa pasyenti,kailang din yun upang alam niyang labanan ang sakit niya."suhestiyon ng doktor kay tito papa ni carlson.

"Richmond....sana ay lakasan ang loob mo sa malalaman mo.."namumula na ang mata ni tito"malubah ang kalagayan mo ngayon dahil sa di kinaya ng utak mo ang anumang gamot na itinurok sa sayo.nilalamon nito ang mga braincells mo,kakailanganin kang operahan dahil yun lang ang tanging paraan,iho ayaw ko mang sabihin pero maari mo itong ikamatay kung hahayaan natin.mahina na ang katawan mo dahil di na maayso ang sirkulasyon ng hangin sa utak mo."paliwanag ni tito kay richmond.umiiyak si vench sa likod at di magawang tignan ang kaibigan.samantalang ako ay pilit nilalabanan ang luhang kanina pa gustong kumawala.

"Hindi...hindi..nagbibiro lang kayo para muli akong iwang ng asawa ko....hindi totoo nag sinasabi ninyo."lumuluhang turan nito.napapikit ako ng magwala siya at pilit tinatangal ang mga nakakabit sa kanya."aalis ako rito,hahanapin ko si carlson."dagdag pa nito.

"Iho huminahon ka....hindi makakabuti sayo yan."pagpapakalma sa kanya ni tito.

"Richmond tama na!."bukyaw ko na ikinatahimik niya"makinig ka naman oh.nagmamakaawa ako sayo,makinig ka sa amin,alam kong masakit pero sana naman intindihin mo dahil para sayo rin ito,para sa inyo ng asawa at anak mo,kailangan ka nila kaya please lang wag kang panghinaan ng loob.kooperasyon mo ang kailangan namin dahil di ka maooperahan hanggat di okay sayo na lumaban."pagmamakaawa ko.biglang bumukas ang ointo at iniluwa noon sina tito rich kasama nito ang iba.

daddy's choiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon